Chapter 1

6 0 0
                                        

"Bro! Gimik tayo mamaya!" Pangungulit sakin ni Jerome best buddy ko ever since Junior High.

"Alam mo pang anim mo ng sabi yan at iisa lang ang sagot ko ayoko!" Pinagdiinan ko talaga yung huli kong sinabi nang tigilan niya ko.

"Eh dali na bro ang tagal na nung huli kitang makasama sa bar daming babes dun, panay ka work work work bro come on loosen up!"

"Alam mo pass ako dyan madami pa kong pipirmahan na papels, Alam mo bang may lima akong empleyadong buntis ngayon kelangan ko iapprove yung leave at benefits nila para ma process na ng benefits department" Paliwanag ko sa kanya at pinakita ko pa ang folders na hawak ko para tigilan niya ko.

"Sige na Fran pagbigyan mo na ang kaibigan mo"

Natigilan kami ni Jerome ng marinig namin ang boses ni papa sa likod namin.

"Pa!" Protesta ko.
"Sige na Fran mag happy happy ka tutal friday naman ngayon." Sabi ni Papa at akmang kukunin ang folders sakin. Mabilis ko namang inilayo ang mga folders sa kanya.

"Pa kailangan na po to mamaya after lunch para po makasama sa processing ng benefits team" Tutol ko.

"Alam ko yun syempre mas nauna pa kong pumirma ng approval kesa sayo, ganito na lang anak yung approval ng benefits sayo tapos yung ibang documents ako na pipirma" pangungulit din ni papa.

"Aish! Ano pa bang magagawa ko ang kulit nyong dalawa, iiwanan ko na lang po sa table ko yung iba pa tutal may meeting pa kayo"

Titignan ko ng masama si Jerome at tinalikuran silang dalawa. Kaya ayokong may general meeting na ganyan eh bukod sa andito si Papa andito din si Jerome.

Agad ko ng tinapos ang mga dapat kong unahin na papeles saka ko naman inaral ang mga ibang proposal, syempre di mawawala ang incident reports buti na lang magagaling ang mga tao ko kundi baka nilamon na ko ng mga papeles.

Saktong 5pm natapos ko naman na ang lahat ng trabaho ko.
"Papa tapos ko na lahat as in lahat kaya umuwi na po tayo at gigimik pa kami ng magaling kong kaibigan" walang gana kong sabi sa kanilang dalawa.

Kasama naming umuwi si Jerome eh parang ampon din yan nila mama kaya naman doon yan maghahanap ng damit niyang ipang gigimik mamaya baka kapag umuwi pa siya sa kanila ay harangin siya ng mama niya baby boy pa naman tong tropa kong to ahaha!

"Gigimik daw kayo dear?" Bungad na tanong ni mama sakin pagkapasok pa lang namin ng bahay.

"Opo ayoko-" but she cut me off

"Bring home the bacon dear" tuwang tuwa niyang sabi at hinalikan pa ko sa pisngi with matching talon talon si mama kaya obvious na tuwang tuwa siya.

"Not you too ma!" Simangot ko sa kanya.

Tumawa lang si mama hinawakan ang kamay ko

"Oh come on dear! Wag ka ng bitter sa ex mo at maghanap ka na ulit ng bibiktimahin mo, now get dress and be handsome anak okay?"

At pinagtulakan na nila ako sa kwarto ko. Agad kong binagsak ang sarili ko sa kama

"Ano ba namang buhay to gusto ko lang matulog ng maaga eh!" Maktol kong parang bata.

"Dali na bro mag ayos na tayo hinihintay na tayo ng mga babae sa bar" excited na sabi ni Jerome at dumeretso ng walk in closet ko at nag hanap ng maisusuot niya.

"Buti na lang same size pa rin tayo bro ang gaganda ng damit mo"

"Nakalimutan mo na bang halos ikaw lahat ang may bigay niyan, Ano bang meron at nag yaya ka mag bar?" Tanong ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon