Nakakasilaw na mga ilaw at flash ng camera yan ang lagi kong kaharap.
I'm Jose Abcedo Jr. "Josephine" ang screen name ko isa akong model at maimpluwensyang tao sa panahong ito . Isa akong bakla madaming tawag samin ngayon pero ako bakla ang tawag ko sa sarili ko.Ako naman yung tipong bakla na petite kaya lagi nila akong sinasabihan na magpaka babae na daw ako tutal yung kutis ko at body build ko ay parang babae. Siguro pinagpala lang ako basta kontento na ko ng ganito masaya na ko sa katawan ko. Aba! Marami na din ang pinadagdag noh lalo na sa balakang at pwet ko, yung dibdib ko di ko pa pinagagalaw kasi feeling ko mababastos lang ako kapag nagpalagay ako ng dibdib.
Tanggap ako ng family ko kasi nabigyan ko sila ng magandang buhay ngayon. May galit ako sa pamilya ko pero hindi ko pa din sila kayang matiis lalo na ang mama ko.
Elementary ako ng makita ako ng tatay ko na naglalagay ng lipstick. Walang tanong tanong bigla na lang akong binugbog ng tatay ko sa harap ng madla.
Yung mga pasa at galos na binigay sa'kin ni tatay ay kaya ko pang tanggapin pero ang tawagin niya kong salot at malas sa mismong araw ng kaarawan ko di ko na siya natiis at nag layas ako.
Tandang tanda ko pa ang araw na yun. Hila hila ako ng mama ko at pilit na binabalik ang mga gamit ko sa bahay pero kelangan kong mag matigas di ko na kaya masyado na kong nasaktan. Kailangan kong patunayan sa tatay ko na kaya kong mabuhay mag isa na hindi ako malas at pabigat."Rosa pabayaan mo yang salot mong anak mabuti ng umalis yan dito dahil wala akong anak na ganyan at saka mababawasan na ang pinalalamon ko dito sa bahay" sabi ng magaling kong ama.
Parang di niya ko anak kung tratuhin nya ko, kung paano niya ko kausapin. Kaya nagpapasalamat ako sa kanya kundi dahil sa panliliit niya sa akin noon wala ako ngayon sa estadong to.
"Sis okay ka lang?"
Nagising ang aking diwa sa pagtapik ni Joey sakin."Okay lang ako sis" Sagot ko at nilakihan ko ang ngiti ko para convincing.
Ngumiti lang sa akin si Joey at pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
"Wag mo na alalahanin yun sis, Leave them in the past okay?" Sabi ni Joey at lumabas na ng kwarto.
Napakalaking tulong sakin ng bestfriend kong si Joey. Sila kasi ng pamilya niya ang tumanggap sa akin ng buong buo. Siya ang tumatayong manager ko.
Marami na kaming pinagsamahan ng bestfriend ko sa lungkot at saya.
"Josephine stand by ka na" Sabi ng isang production staff.
Kaya naman tumayo na ko para pumunta ng back stage pero bago pa man ako makalabas ng dressing room ay biglang sumulpot si Joey at may dalang maliit na cake. At kinantahan ako ng HAPPY BIRTHDAY.
Nagtawanan kami bago ko ihipan ang kandila. I wish di mawala tong taong to sa buhay ko. Thank you Lord for giving me this kind of person.
May guesting ako sa isang morning show kaya naman may pa birthday surprise sila sa akin.
Well sanay naman na ko pero syempre dapat thankful pa din kasi di naman lahat nagtatagal sa industriyang ito.Thankful ako sa lahat ng bagay na binibigay sakin ni Lord. Kaya lang Minsan I found myself lonely and sad feeling ko kapag naabot ko na yung pangarap ko magiging masaya na ko pero hindi eh parang may kulang di ko alam kung ano.
May lovelife naman ako may boyfrien akong basketball player ayun lang since sikat ako di kami pwede makita magdate sa labas kasi pagkakaguluhan kami pano na ang privacy right? Kaya eto text text lang. Alam ko namang di rin to loyal alam kong nambabae siya pero di ko lang pinapansin kasi mahal ko saka sweet siya sakin and napapasaya niya ko yun yung importante para sakin.
Kasalukuyan akong nakatingin sa sarili ko sa salamin at tinitignan ang kabuoan ko.
At nilapitan ako ni Joey at hinawakan ang mahigpit ang mga kamay ko."Ikaw pa din ang bff ko noong ma closeta pa tayo, pero alam mo may nagbago sayo eh" sabi niya na titig na titig sa mga mata ko.
"Uy gaga di ko pinagalaw mata ko ah" pabiro kong sabi pero ang totoo na conscious ako sa sinabi niya.
"Gaga ang guilty? Ahaha hindi What I mean kulang yung kislap sa mga mata mo, yun yung nakita kong nagbago sa mga mata mo, Wish ko sayo sana makilala mo na this year yung taong magpapakislap ulit ng mga mata mo"
Napangiti lang ako at sana magkatotoo yun.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Love Story
RomansaHi ako nga pala si Francesca Dela Cruz just call me Fran. Well to make our story short I'm a lesbian and my family accept me for who I'am. Swerte siguro ako kasi di ko na kailangan magtago. At the age of 24 pinasa na sakin ni papa ang negosyo namin...