PROLOGUE
Bawat paghakbang ni Yvette patungo sa arrival area ay tila siya para siyang nauupos na kandila. Hindi niya maipaliwanag ang pag-aalalang kaniyang nararamdaman hanggang ngayon. Hindi siya mapapalagay hangga't hindi niya nalalaman kung nasa maayos na ba na kalagayan ang kaniyang asawa.
Asawa niya . . .
Kung hindi lang siya kinakahaban at nag-aalala ngayon ay baka natawa siya nang pagak sa mga katagang iyon. Her husband hated her to the core, but here she was, going back to him with a worried heart like nothing happened four years ago before she left the country.
"Welcome back, cous. How was the flight?" tanong ng pinsang si Loki nang sulubungin siya nito.
Hindi niya namalayang nasa harap na pala niya ang pinsan kung hindi pa ito nagsalita at yumakap sa kaniya.
Lokiro Yao was one of Yvette's cousins. It was the only cousin she was close with from her father's side. Her father and Loki's mother were siblings. Her father married a Del Valle, while her aunt married a Yao. Doon niya rin nakilala si Sabrina Anne Alejandre, pinsan ni Loki sa father's side. The three were close, but Sabrina's not available. Kapapanganak lang sa ikalawa nitong baby kaya hindi nakasama sa pagsundo sa kaniya.
Only Loki, Sabrina, and their other halves knew that today was her arrival in NAIA. Hindi niya muna ipinaalam iyon sa mga pinsan niya sa mother's side dahil magugulo at maiingay ang mga iyon. Gusto niya muna ng katahimikan. Her mind was already in mess after knowing that her husband was in hospital.
She hugged Loki back. Doon niya lang napagtanto kung gaano niya na-miss ang pinsan at kung gaano niya kailangan ng yakap sa mga oras na iyon. Nagkita naman sila three months ago nang bumisita ito sa bahay niya sa Kentucky pero iba pa rin ngayong nakita niya ito ulit.
"Fine . . ." tipid niyang sagot. "How's Hunter? Is he okay? Is he awake? Anong sabi ng mga doktor?" sunod-sunod niyang tanong nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Loki.
Loki sighed.
"You don't look well pero si Hunter pa rin ang nasa isip mo . . ." naiiling na saad nito saka kinuha mula sa kaniya ang malaking maleta at ang nakapatong doon na isang hand carry bag. "The operation was successful, but he's still unconscious when I left the hospital to fetch you."
Nakahinga nang maluwag si Yvette sa narinig.
"Okay lang naman ako. Jet lag lang 'to. Thank God, the surgery went well . . ."
"Gusto mo bang umuwi muna sa bahay nina Tito Romie para makapagpahinga bago tayo pumunta sa ospital?"
Kaagad na umiling si Yvette bilang sagot.
"Sa bahay namin ni Hunter mo na lang ako ihatid. Ibababa ko lang ang mga gamit ko at maliligo sandali bago tayo pumunta sa ospital."
"Ayaw mo pa rin bang kausapin sina Tito at Tita?"
"After everything, they're still my parents. Mag-uusap naman kami pero 'wag muna ngayon. My priority is Hunter's welfare. Kapag na-discharge na siya sa ospital, saka ko na lang haharapin sina Mom and Dad."
Tumangu-tango naman ito.
"How's my wife? Hindi mo na ibinalik sa akin si Leila. Inalila mo na siya masyado."
"She's busy with Denny. Don't worry. Susunod din naman sila. Tinatapos na lang ang school year. They'll be here for good. Alam ko namang miss na miss mo na sila, lalo si Leila. Gawa na kayo agad ng baby pag-uwi niya para may iba na siyang pagkaabalahan bukod kay Denny."
Natawa si Loki bago siya inakbayan saka ginulo ang kaniyang buhok.
"Hindi mo na kailangang sabihin. Iyon talaga ang balak ko. It was long overdue. K-in-idnap mo kasi ang asawa ko."
BINABASA MO ANG
Career Girls #1: Erasing Scars
Chick-Lit[ONGOING] Yvette Villareal had a perfect career and married with the man of her dreams, Hunter Wylvyre. She couldn't ask for more, or so she thought. *** Yvette's marriage with the man of her dreams turned into nightmare. With Hunter being ruthless...