WORST CASE SCENARIO

63 2 1
                                    

Isipin mo na ang pinaka-Malupet, Pinaka-Grabe at Pinaka-Nakakatakot na Problema, lahat ng ito ay kayang-kayang ipihit ng Panginoong Diyos para maging sa ikabubuti mo 

Kumuha tayo ng ilang halimbawa..

Si Jose na Anak ni Jacob.

- itinapon ng mga kapatid sa isang balon na tuyo at walang tubig

- ipinagbili ng kanyang sariling mga kapatid sa mga negosyanteng Madianita

- ipagbili ng mga negosyanteng Madianita para maging alipin

- kinasuhan ng rape at nakulong

Subalit nangyari ang lahat ng ito para sa ikabubuti niya at ng kanyang Pamliya. Alam na natin ang istorya 

Si Job

- na-bangkarote sa isang iglap

- namatay ang lahat ng mga anak ng sabay-sabay

- nagkasugat mula ulo hangang talampakan at mata lang ang walang latay

- imbes na suportahan ng asawa ay tinira pa siya

Sa kabila ng lahat ng ito ay nanatiling tapat si Job kaya pinalitan ng Panginoong Diyos ang lahat ng nawala sa kanya at dinoble pa 

May problema ka ba kapatid?

Huwag ka manghina..

Huwag ka mawalan ng pag-asa..

TINAWAG kana ng Panginoong Diyos kaya TUMAWAG kana sa Kanya 

"Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos PARA SA IKABUBUTI ng mga nagmamahal sa kanya, Alam nating ang lahat ng bagay ay nagkakaisang gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Diyos. silang mga TINAWAG ayon sa kanyang layunin." ROMA 8:28 Magandang Balita Biblia

www.incmedia.org

www.kabayankokapatidko.org

Basa- basa din Kapag May time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon