Extra Challenge

42 1 0
                                    

Minsan may nagtanong sa akin ( ewan kung nagtatanong nga o nang-aasar ), 

ILANG KILONG BIGAS ANG NAKUKUHA NYO KAPAG NAKAPAG-RECRUIT KAYO NG AANIB SA INC?

Hindi na lang ako sumagot para hindi na humaba ang usapan..

WALA PO KAMING NAKUKUHANG ANOMANG MATERYAL NA BAGAY ( in goods man o cash ) kapag kami ay nakaka-akay ng tao na aanib sa IGLESIA NI CRISTO. 

Ang totoo, sa malimit na pagkakataon ay nagpapaluwal pa kami mula sa sarili naming mga bulsa kapag hinihingi ng pagkakataon. Halimbawa ay ang pamasahe ng akay namin papunta sa Kapilya, kung medyo nakakaluwag ay may pang Pepsi at fishbol pa  

Kapag medyo kapos sa budget ay lalakarin ang papunta sa akay. Minsan Extra Challenge pa ang daan dahil sa mga asong gala at sa kung anong iniiwan nila sa kalsada 

Kung nabagyo o naulan naman, basta may payong, bota at kapote ay Full Battle Gear na matuloy lang ang pakikinig ng akay sa doktrina.

Naalala ko nga ang nanay ko, hindi mo maililipat ang channel ng t.v. kapag oras na ng teleserye na sinusubaybayan niya pero ang nakakapagtaka kapag may inaakay siya ikwento mo na lang ang nangyari sa bida solve na siya 

Marami pang kwento ang mga kapatid namin kapag usapang pag-aakay ang usapin. MInsan may comedy, minsan yung iba buwis buhay pa.Pero...bakit namin ito ginagawa? 

Eto kasi ang sinusunod namin...

"At ang iba'y INYONG ILIGTAS, na AGAWIN NINYO SA APOY: at ANG IBA'Y INYONG KAHABAGAN na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman."

Judas (Tadeo) 1:23 Ang Biblia

www.incmedia.org

www.kabayankokapatidko.org

Basa- basa din Kapag May time :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon