chapter -6

6 1 0
                                    

~~~~ Kenvie .P.O.V~~~

Naglalakad ako dito mag isa sa mall dahil yung mga damuho kong kasama ayun nag sarili sarili kaya ako lang mag isa dito .pumasok ako sa mcdo at umorder kaso wala na kong mahanap ng pwesto

Arrrhh darn! Wala nang pwesto lahat sila may mga kasama hanggang nakita ko si tabachoy na kumakain mag isa kaya no choise makikiupo ako sa kanya

" ammm Lia?" Napatingin naman siya sakit at kumunot ang noo

" kailangan mo tukmol?" Poker face na sabi niya

What ano daw? Tukmol?

" pwede makiupo?" Tanong ko

" maghanap ka ng pwesto mo" sabi niya sabay balik sa kinakain

" Dali na tabachoy  wala nang ibang pwesto eh dito na lang" sabi ko napatingin naman siya sa paligid at malakas na bumuntong hininga sabay tingin sakin

" Tch.sige" sabi niya sabay balik sa kinakain niya umupo nako sa harap niya then napatingin ako sa kanya

" kaya pala ang taba mo eh kasi ang lakas mo kumain" natatawang sabi ko kasj look magisa lang siya pero ang dami niyang pagkain

" pake mo ba dami mong reklamo.duon ka na nga sa iba maghanap ka ng upuan mo kung gusto mo?! Baka gusto mo maranasan yung pag papatabi mo sakin"poker face na sabi niya

" ayy eto naman di na mabiro?"

"Tss feeling close"

Rinig kong bulong niya

"Look I'm Sorry for what i did earlyer ok?"

"K" tanging sagot niya haggang sa may naisip ako na kalokohan haha  malia.napangisi ako sa naisip ko tapos kumain lang kami ng tahimik

Akward

" Nasaan yung mga kaibigan mo?" Tanong ko

" ayun may mga sariling mundo" sagot niya

" saan ka pupunta pagkatapos neto?" Tanong ko

" pake mo ba"

" saan nga?"

"Sa Pluto" pamimilosopo niya

"Saan nga?"pangungulit ko

"Sa Jupiter"abay naiinis nako sa babaeng to ah

Kalma ka lang kenvie kalma lang

"Saan sabi ih!?"inis na tanong ko

" maglilibot letche!" Sabi niya

" Pwede sumama wala akong kasama eh" tanong ko kasi may plano ako sasabihing kong girlfriend ko siya sa lahat ng mga babaeng lalapit sakin para paginitan siya ng mga babae dito

" Hindi" sagot niya

" Dali na pleaseee..."

" Hindi nga sabi eh" ano ba naman toh ang hirap utoin

Sa hinaba haba ng pangungulit ko ayun pumayag din inabot pa ko ng isang oras kaka papayag dito ano ba toh halata sa kanya ang inis

Tapos mayamaya biglang ngumisi

Baliw na siya

" Sige papayag ako sa isang condisyon?" Sabi niya nak ng may kondisyon pa!

" o sige ano ba yun?" Tanong ko

" Bilihan mo ko ng gitara" nakangiting sabi niya nanlaki naman ang mata ko

Anong akala niya sakin taga libre ng gamit niya aba malala gitara pa talaga

FIND THE KILLER &THE TARGETSWhere stories live. Discover now