Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Ako ang gumagawa ng kwento na ito pero bakit napunta ito sa ganitong sitwasyon kahit ginawa ko naman ang lahat para hindi maging ganito. Magulo man ako magsalita, pero naiintindihan niyo naman kahit paano. Ano ba ang dapat kong gawin para matigil ang lahat nang ito? Ang tanga ko naman! Tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko, hanggang pag-iyak na lang ba ang kaya kong gawin. Panuorin sila na nagpapatayan para lang sa akin?
Lumapit ang prinsipe sa isa pang lalake at tinalunan ito para matumba. Parehas man silang natumba, agad naming nakaaksyon ang isang lalake at nahawakan ang mga kamay ng prinsipe. Nang makulong niya na ang mga braso ng prinsipe gamit-gamit ang binti niya, nilagay niya ang mga kamay niya sa leeg ng prinsipe. Hindi! Katapusan niya na! Hindi dapat! Hindi dapat ito ang kapalaran niyo.
YOU ARE READING
Samuel & Stanley
RomanceMay isang babaeng writer na gagawa nang kakaibang kwento para isubmit sa isang Publishing Company at maging popular at successful na writer. Ngunit magiging totoo ang kaniyang kwento at mapapasok ang mundo na iyon. Ano kaya ang magiging ending ng kw...