Chapter 2

2 0 0
                                    

CHAPTER 2 – Stanley & Samuel

Minulat ko ang mga mata ko at nakakita ng hindi pamilyar na lugar. Maririnig mo ang ingay ng mga ibon at ang malamig na simoy ng hangin. Nakaupo ako sa damo kung habang nakahiga sa puno at may hawak na libro. Alice in the Wonderland?

" Lady Katherine!"

" Ay mama!" napalingon ako sa isang babaeng naka mahabang bistida na black and white at nakamaayos na bun. May hawak siyang isang basket at nakaalay ang kamay niya sa akin.

Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya." Katherine, tinatawag ka na ni Senyora Klarisse."

Klarisse? Katherine? Yung mga names ay familiar at kung hindi ako magkakamali, si Klarisse ang nanay ni Katherine at si Katherine ang pag-aagawan nina Stanley at Samuel. Lumingon ako sa gilid at wala namang nakitang ibang tao kung hindi ako lang. Tumawa naman siya at kinuha ang kamay ko." Lady Katherine, tulungan ko na po kayo. Inutusan ako ni Senyora Klarisse na sunduin kayo, napatagal daw masyado ang iyong paglabas at baka raw nakatulog ka na."

" Mary Anne?"

Ngumiti naman siya nang banggitin ko ang pangalan niya. Siya ay isa sa mga character ng book at yung scene na ito ay ang unang mangyayare sa book dahil after all si Katherine ang leading lady pero nagrerevolve parin sa buhay nina Samuel at Stanley ang kwento. Ako ang tinutukoy niya na Katherine, ibigsabihin nasa loob ako ng laptop?

" Opo, Lady Katherine. Tayo na at magmadali, malapit nang maggabi at baka maabutan tayo ng mga magnanakaw at mga Karehas!" sabi niya.

Karehas! Hindi ko alam kung mag-aalala ba ako dahil nasa loob ako ng kwento na ito o matutuwa ako dahil makakaadjust naman ako dito dahil ako ang writer ng storya at alam ko ang mangyayare at bawat tauhan sa kwento. Oh my god, si Gia? Nahila rin ba kaya siya dito.

" Lady Katherine?" tanong ni Mary Anne.

Kinuha ko ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. Pinagpag niya ang suot kong bistida at inayos ang buhok ko." Totoo ngang nakatulog ka, Lady Katherine." Natatawang saad ni Mary Anne.

Kinuha niya ang libro at sinarado ito. Nagsimula na akong lumakad pero hindi sumabay sa akin si Mary Anne. Lumingon ako sa kaniya at para bang hinihintay niya ako na mauna. Hindi ko na lang ito pinansin dahil ganito rin ang paggawa ko sa storyang ito. Naglakad kame hanggang sa maabot naming ang daanan ng mga kabayo. Kung paano ko makita ang lugar na ito ay kung paano ko rin naisip nung ginagawa ko pa lang. Napangiti ako sa nakita ko. Nasisiyahan ako dahil ganito pala kaganda ang magagawa ng creation ko, kung nandito si Gia sa tabi ko iiyak na ako.

Patuloy lang kaming naglakad sa gilid ng daanan at marami rin kaming nakakasalubong at nakakasamang maglakad sa malawak na daanan." Magandang hapon, Lady Katherine." Bati ng ilang mga tao.

Mabait at mapagbigay kasi ang pamilya ni Katherine. Sila ang mostly na nagbigay ng maraming trabaho sa mga alipin at mahihirap. Iba ang ibigsabihin ng alipin sa mahirap, ang alipin ay hindi ka malaya at kailangan may Malaki kang maambag sa amo para ika'y maging malaya at doon ka matatawag na mahirap. Ngiti lang ang binalik ko sa mga bati nila at patuloy na pinagmasdan ang creation namin ni Gia. Unbelievable!

Napalingon kami sa likod nang maraming nagsigawan na tao, mayroon kasing bastos na lalake na nakasakay sa kaniyang kabayo at marami pang kasamahan. Muntik ko na palang makalimutan ang mangyayareng next sa scene na naglalakad ako. Tumigil ang kabayo sa harapan ko na may sakay na isang lalaki na may magarang kasuotan." Lady Katherine, ano ang iyong ginagawa at naglalakad kasama ang mga alipin at mahihirap na ito?" tanong niya.

Siya si Merlin, anak ng prodyuser ng mga bulaklak. Mabait siya sa akin pero hindi sa iba. Matapobre kasi at mataas ang tingin sa sarili niya kahit meron pang mas mataas sa kaniya. Sa linyang sasabihin ko, sasagutin ko siya at sasabihin na ineenjoy ko lang yung paligid but then, let's twist things a bit. Mas nakakainis pala siya sa personal, yun yung narealize ko.

Samuel & StanleyWhere stories live. Discover now