CHAPTER 1 – The Opportunity
Tumaas lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang malakas na bagsak at pagkasira ng plato." Richard! Tama na!" rinig kong tawag ng nanay ko sa tatay ko. Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko mula sa mga mata ko. Wala akong magawa at nakaupo lang at nakikinig sa mga sermon ng tatay ko.
" Wala kang kwenta!" sigaw niya sa akin. Hinampas niya ang kamay niya sa lamesa at doon muli akong nagulat.
" Richard, tama na sabe!" mas tumataas na saway ng nanay ko sa tatay ko. Tinanggal ni Papa ang mga braso na pumipigil sa kaniya para sampalin ako.
" Hilda! Pinagtatanggol mo pa ang walang silbi mong anak? Wala siyang matulong-tulong sa atin, ilang taon na lang at magtretrenta na siya. Wala rin siyang matino at permanenteng trabaho! Ano bang balak mo sa buhay mo?" sermon nito." Kung ganiyan lang ang balak mo sa buhay, mag-asawa ka na lang ng Arabo kahit binubogbog ka pa."
Tumalikod sa akin si Papa habang hinihilot ang ulo niya.
" Pa, I-I have career." Sagot ko sa kaniya.
" Anong sinabi mo?" tanong niya at hinarap muli ako.
" Richard, tama na! Ilang beses ko ba dapat sabihin? Kate, wag ka nang sumabat pa!" galit na saway sa amin ni Mama.
" Pa, I have a career!" tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at hinarap ang Papa ko. Kumunot ang noo niya at para bang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Tinago ko ang nanginginig kong kamay at ginawa ang best ko na maging matapang.
" You have a career? Ano? As a writer? Paano ka mabubuhay doon! Lintek na pagsusulat iyan, wala ka ngang mapasok na kompanya and yet you say you have a career."
" I'm sorry Pa kung hindi ko katulad yung mga kapatid ko na naging doctor, lawyer, engineer, at basketball player. I'm sorry kung 26 years old na ako at umaasa pa rin ako sa inyo. I'm sorry kung hindi ako matalino at sporty! Pero Pa, sana pagkatiwalaan niyo ako at hindi pilitin sa mga bagay na hindi ko gusto kasi kahit pilitin ko hindi ako sasaya doon!" matapang kong sabi. Akala ko maiintindihan niya pero hindi ko inaasahan na makaramdam ng malakas na sampal mula kay Papa na sanhi ng pagkatumba ko.
Napalingon ako sa isang gawi kung saan may nahulog. Nandoon na pala ang mga kapatid kong magagaling at successful. Agad tumakbo ang kapatid kong doctor papalapit sa akin at tinulungan akong makatayo." Pa! Anong ginawa mo sa kaniya, bakit kinailangan mo pa siyang sampalin?"
" Cherry, pag sabihan mo iyang kapatid mo na ayusin ang buhay niya. Pag hindi siya umayos, papalayasin ko siya sa bahay na ito." Sabi ni Papa.
Marahas kong tinanggal ang mga kamay ni Ate Cherry sa akin at hinarap si Papa." Wag kang mag-alala pa. Ako na mismo ang aalis sa bahay na ito."
Agad akong umalis at umakyat sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa maleta kong purple. May kumatok sa pintuan ko at pumasok naman si Ate Cherry." Kate, please think right. Wag kang lumayas, wala itong magandang madudulot sayo." Agad na sabi niya sa akin.
" No, Ate. I have got to show Papa na may sense yung passion ko. Kahit writer lang ako, may maaabot ako." Sabi ko at zinipper ang maleta ko.
" Kate, pwede nating mapatunayan iyon pero sa ibang paraan." Pagtigil niya sa akin.
" Anong paraan ate? Wala na akong alam na iba pang gawin!"
" Naikwento ko kay Ate Clara yung kaso mo, yung inagaw ni Lindsay na kwento mo."
" Ate Cherry, matagal ko nang sinabi sa iyo, hindi ko kailangan ng tulong ni Ate Clara."
" Paano yung condo ni Kuya Kier? Yung company contact ni Kuya Kiel? Kahit iyon lang tanggapin mo!" pagpupumilit na sabi sa akin ni Ate Cherry. Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko." Ate pwede ba? Hindi ko kailangan ng tulong nila! Kailangan kong patunayan ang sarili ko kasi lagi na lang akong umaasa sa inyo! Lagi na lang akong tanga at tinutulungan!"
YOU ARE READING
Samuel & Stanley
RomanceMay isang babaeng writer na gagawa nang kakaibang kwento para isubmit sa isang Publishing Company at maging popular at successful na writer. Ngunit magiging totoo ang kaniyang kwento at mapapasok ang mundo na iyon. Ano kaya ang magiging ending ng kw...