Kabanata 1

43 0 0
                                    

Blaze


The three of us finished the first part of the exam by lunch time. We decided to eat at the school's cafeteria para di na kami lumayo pa. After eating we spent time sa soccer field. There were many trees around kaya di namin ininda ang tindi ng sikat ng araw.

We got to know each other more. I found out na pare-pareho lang kami ng kursong gusto and that is BSBA major in Human Resource Development Management. I also got to know Eliana and Careen more. They both live at Imus, Cavite and nasa iisang compound lang since napagkasunduan ng panilya nilang wag nang lumayo pa sa bawat isa. Habang ako naman, nakatira sa Bicutan, Parañaque.

We were laughing at Careen's antics when I saw someone at the other side quietly glancing at us while drinking from the bottled water. Siya yung lalaki sa entrance kanina, siya din yung nahuli ng dating sa Audi, buti na lang pinayagan pa rin siyang mag take ng exam. I noticed na may baunan siyang dala. Weird. we're already in college tapos nagbabaon pa?

"Uy Ivory tara na balik na tayo baka magsimula na ang exam" Eliana said while collecting her blush-on and lipgloss. "Teka di ka man lang ba mag-aayos?"

"No thanks." I politely said. I was never use to using such things. Lip balm lang okay na.

As I stood up I glanced at the boy again and caught him staring at me intently. The wind blew and none of us even blinked. Kinunutan ko na lang siya ng noo dahilan para una siyang umiwas at magpatuloy sa kinakain niya.

"May staring contest ba? Kilala mo ba yun?" tanong ni Careen habang iningunguso ang lalaki. "Well he's kinda cute naman, Brown eyes, reddish lips, thick eyebrows, magulong buhok pero...."

"parang lalamya lamya. Ay naku tara na nga malilate tayo" Sabad naman ni Eliana cutting Careen's train of thoughts.

"Te-teka papaano siya?" I pointed at the guy. "Diba sabay sabay tayong nag take ng exam kanina?" Worried that he might actually fail to take the second part of the exam this time.

Then, Eliana shouted na siyang ikinagulat ko.
"
hoy kuya! Bilisan mo na diyan! mag-eexam na tayo, sumama ka na sa amin!"

The boy was taken aback, nang tinignan niya ang kanyang orasan nanlaki ang kanyang mga mata at nagmadali papunta sa amin. He glanced my way and suddenly turned red. Hmmm must be from exhaustion? Ikaw ba naman ang tumakbo sa ilalim ng katirikan ng araw.

I didn't know that the exam composed of essays. I thought it is purely made of Multiple choice yun pala 250 items for multiple choice and 5 essay with 10 points each. Tapos ikinagulat pa namin na may additional 50 item pa. Sabi naman ng nakausap ko during the fifteen minute break eh ganun daw talaga di naman pwedeng related lang sa course mo ang entrance exam dapat daw eh matackle din ang ibang subject. Buti na lang at nagbasa ako ng mga libro ni kuya about Business Administration and the courses under it. With that, I managed to juggle with the questions given. Somehow I felt confident knowing that I am sure with most of my answers.

4:30PM

Natapos ang karamihan sa amin. After the exam the three of us met outside the auditorium and since may oras pa naman, napagdesisyunan naming mag mall muna saglit. Knowing that SM Southmall is only 20minutes away from DMU including the time na nasayang sa traffic ofcourse. We were about to go when someone grabbed my hand "teka...pwede bang sumama sa inyo?" It was the boy earler! Nakita niya siguro sa mukha ko ang gulat dahilan para bitawan niya ang kamay ko at mabilis na naglakad paalis. Nagkatinginan naman kami ni Eliana na parang naguguluhan sa pangyayari.

Blazing SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon