Sad8:00 PM
Blaze and I rode a jeepney going to Alabang. Buti nalang at walang traffic kaya mabilis din kaming nakasakay ng Bus byaheng Bicutan. Pero sa kasamaang palad, may banggaan malapit sa Toll gate sa Sucat kaya eto kami mahigit isang oras na sa SLEX.
Should I start a conversation with him? Di ba ko magmumukhang FC kung uungkatin ko ang buhay nitong kasama ko? Pero kasi nakakabagot na, baka nababagot na din sya? FC na pero Atleast I'm being friendly.
Ah bahala na...
"So..uhm.."
He glanced my way, waiting for what I'm about to say.
Here goes...
"Josef...can you tell me something about your hometown?"
"Masbate?"
"Ah.. yes.. where is it exactly?" I shyly asked.
God Ivory nagtapos ka naman sanang 3rd Honor nung high school pero bat ang bobo mo pag tungkol na sa Pilipinas ang usapan?"Sabi ko na nga ba di mo din alam kung saan sa Mapa ang Masbate"
"Uy sorry, na-offend ba kita? Di ko kasi talaga alam kaya nacurious ako" I said frowning. Eh kasi naman dapat pala iba nalang tinanong ko. Family matters? Ilang silang magkakapatid? Other things?? Like...kung may girlfriend-What Ivory?!
"Ok lang. Marami naman talagang di nakakaalam sa Masbate" he said with that reassuring smile of his.
Well atleast di lang pala ako ang walang alam...
I found out that Masbate is located at the center of the Philippines kaya natawag itong the City of Hearts. Kung titignan mo rin sa mapa, hugis baril eto o kaya naman ay baliktad na puso na deformed. Well that's how Blaze described it. And...yun din naman ang nakita ko.
He showed me pictures of the undiscovered Islands and Beaches of his province and I must say, kayang makipaglabanan sa Boracay ng mga beaches sa kanila. Kahit si Josef ay malaki din ang tiwala sa maipagmamalaki ng hometown niya, we both agreed that someday madidiscover din ang Masbate at makikilala di lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
"Saan ka pala nakatira?" We're already at the overpass walking towards SM Bicutan. Mag aalas-otso na din kaya mabilis na ang bawat hakbang namin. Sobrang dami ng tao kaya naman minsan ay nagkakabunggo ang aming mga balikat. "Ah sa Moonwalk Village. Ikaw ba, saan?" I asked him back.
"Better Living" he said as he glanced my way.
"Ah...uy ok lang bang diretso na tayo uwi? Wag na tayong kumain sa SM total pauwi na rin naman tayo.." I suggested and luckily he agreed naman.
Nakaabang na kami pareho sa tricycle. At dahil madadaanan lang din naman ang Subdivisions na tinitirhan naming dalawa, nagpasya akong mag regular nalang muna imbis na mag special. Dahil di agad nakatakbo si Blaze, sa likod na kami nakaupo which is ok lang din naman basta ang importante makakauwi kami.
Yun nga lang, masisilaw kami sa headlight ng mga sasakyan na nakasunod sa amin.
"Parang dito lang ata sa Bicutan may ganitong tricycle no? Anim ang makakasakay, ay mali pito pala kung may maliit na bata pang kasama" Basag niya sa katahimikan, habang lumilinga sa unahang upuan.
"Sa amin kasi, yung regular na tricy lang na maximum of four to five ang pasaherong makakasakay."
"Siguro kasi para ma accomodate ang dami ng pasahero dito, minsan kasi halos di ka makakasakay ng trike pag pauwi na" I said, staring at him intently.