Kabanata 3

28 0 0
                                    

Relieved


A week has passed after the Entrance Exam at ngayon lang nag sink in sa akin ang lahat.

Imbis na nag-sasaya dahil bakasyon, jogging o malling o kaya naman ay magswimming sa Village pool, heto ako ngayon halos tumambling na sa halu-halong emosyon na nadarama.

Mali ata ang sagot ko sa number 10? May di ata ako nasagutan sa Essay part? Dapat siguro di nalang BSBA ang kursong pinili ko? Siguro kung 1 year ago pa ako nagsimulang mag aral eh napaghandaan ko talaga yung exam.

What if pumunta ako ngayon dun at mag retake tapos kung alin man sa dalawang exam ko ang pasado, eh yun ang sasabihin kong akin? Na may kapangalan lang ako? Pero what if parehong bagsak?

Kung anu-ano na naiisip ko. Kulang na nga lang hilingin kong tumigil ang oras. Pakiramdam ko kasi, sa bawat araw na lumilipas ay lalong nagiging klaro sa akin na di ako nakapasa sa standards ng DMU...

Lalo akong nanlumo nang napagtantong baka di nga talaga ako naka pasa.

Nagpasya akong magpunta ng kusina para sana maghanap ng makakain at maibsan ang kabang unti unting lumulukob sa akin pero narealize ko, wala akong gana.


"Vo! Tara kain!"

Naputol ang aking pagmumuni-muni sa boses ni Kuya Kent.

Andito ngayon sa bahay ang barkada nina kuya kaya naman, kahit wala naman talagang okasyon ay iisipin mong meron dahil sa ingay at gulo nila.

"Vo, eto o may tinira pa kaming pizza para sayo..diba paborito mo to. Yellowcab pa talaga binili namin specially for you". Anyaya naman ni Kuya Vino.

Ningitian ko lang sila at umiling. Sa nangyayari ngayon sa sistema ko, pakiramdam ko isusuka ko lang kung ano man ang maisipan kong kainin ngayon...

"Ivory. Don't be rude." Tawag sa akin ni Lord Ebony.. ugh! Eh sa ayoko nga kumain! And why does he keep on using his authoritative voice on me these past few days? May regla ba to?

"Bon, hayaan mo na, diet siguro. Alam mo na, dalaga na ang precious Ivory naten." saad naman ni Kuya Russel habang nilalantakan na ang itinira nilang pizza na para sana sa akin..

"Bata pa siya para mag diet. Ikaw Ivory, siguro may boyfriend ka na kaya ka nag da-diet?" Bulyaw naman ni Kuya, dahilan para magtawanan silang lahat.

"Kuya ano ba! Di na ako bata!"

Napairap ako at napagdesisyunang uminom nalang ng tubig para kahit papano'y magkalaman ang tiyan.

"So may boyfriend ka na? Sino? Ipakilala mo sakin uupakan ko yang hayup na yan!"

Nasamid ako sa narinig at nakita ko kung gaano ka-pula ang mukha ng mga kaibigan niya sa kakatawa. Kaya naman di ko na mapigilang mapuno at magpanting ang tainga sa non-sense na lumabas na naman sa bibig niya.

"Ugh! Kuya! Just...don't mind me please! Just for once hayaan mo na muna ako! Pwede ba?!" Sigaw ko na siyang nakapagpatahimik sa kanilang lahat. Bago pa makalapit si Kuya ay nakuha ko pang mag salita.

"Back off"

Tumakbo na ako paakyat sa aking kwarto, takot sa emosyong nailabas ko kanina. Nag flash back sa utak ko ang gulat na mahihinuha sa mukha nila. Gulat sa tapang na aking ipinakita. Gulat sa narinig nilang frustration sa boses ko. At higit sa lahat....

Gulat sa luhang nagbabadyang pumatak.

Shit.

Nakakahiya.



Blazing SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon