Ano bang sasabihin ko? Mag-o-oo ba ako? Dare lang naman ang lahat ng to eh…
“Sam…” medyo napakamot ako sa batok ko, walang kaalam alam kung anong sasabihin sakanya. “Tumayo ka nga muna dyan,”
Sumunod naman ito at mababakas sa mukha nitong nasaktan ito, “Sabi ko na nga ba,” pabulong na sabi nito habang iniiwas ang tingin sakin.
Ano ba yan.
Ayoko namang saktan siya kaso nga… hindi naman talaga siya ang mahal ko. I look up to him as my big brother and this past few days parang mas lalo kaming nagkalapit at gusto kong manatiling ganun yung relasyon namin. Mas gugulo pa ang sitwasyon kung sakaling maging kami.
“You’re the sweetest guy any girl could have and…” unti-unting bumigat ang dibdib ko. Siguro’y pagsisihan ko to kung sakaling hindi ko siya sagutin pero mas mabuti nang sabihin kong, “Hindi pa ako handang magkaboyfriend.”
Atleast sa ganoong paraan, hindi ko siya masasaktan, diba?
Wala siyang naging sagot, ipinako niya ang tingin sa lupa. Kinuha ko ang dalawa niyang kamay at iyon ang nakapagpaangat ng ulo niya, sinikap kong ngumiti.
“Ayoko namang pahintayin ka…”
Umiling siya.
What does that mean?
Inilapat niya ang kanyang mata saakin at dahan dahang hinila ang mga kamay ko papalapit sakanya, “I’m willing to wait.”
What? No. No… No, you can’t. Ano bang pinagsasasabi mo Sam? Mas pinapalala mo ang sitwasyon.
“No, I don’t want you to wait… marami naman diyang ibang babae na mas deserving hintayin kaysa sakin…”
“Marami nga,” itinapat niya ang kamay ko sakanyang dibdib at mas hinigpitan ang hawak rito, “pero Julia, ikaw lang ang gusto kong hintayin.”
“Sam,” tangi kong nasabi.
“Julia, ipangako mo lang sakin na ako lang at wala ng iba ang hihintay sayo.”
Iniwas ko ang aking tingin. Naguguluhan ako… pano ba to umabot sa hintayan? Ayoko lang naman siyang masaktan. Kapatid siya ng pinaka mamahal kong bestfriend at aminin ko man o hindi’y napamahal na rin siya sakin. Bilang kaibigan.
Wala sa loob na napatango nalang ako.
Narinig ko siyang ngumiti at kahit paano’y gumaan ang loob ko. Naramdaman ko nalang ang kanyang kamay na yumapos saakin pagkuwan ay hinila ako sa isang mahigpit na yakap.
“I love you Julia,”
ILANG araw nalang ay magbibirthday na si best. Asan na kaya si Daniel? Hay, nagiguilty parin ako sa tuwing iniisip ko siya dahil kahit hindi naman kami ni Sam, dapat ay panindign ko parin yung pinangako ko sakanya. Na siya lang at wala ng iba.
Ano bang ikinakabahala ko? Eh hanggang ngayon nga’y hindi pa nasusundan yung pag-uusap naming dalawa ni Daniel. Siguro’y ayaw niya nang magpatulong sakin. Bakit kaya parang allergic siya sakin? Kahit anong gawin kong pagpapapansin sakanya eh parang alikabok parin ako sa paningin niya.
Kung si Sam nga naloloko sakin, bakit siya hindi?
Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kawalan.
“Julia!” napabalikwas ako sa tawag ni yaya pearls, “May bisita ka sa baba.”
“Sino daw ho?” biglang sumigla ang mukha ko at umaasang si Daniel iyon.
BINABASA MO ANG
Sa isang sulyap mo... napaibig ako
ФанфикMeet Julia, ang hopeless romantic na crush na crush ang boy next door na si Daniel Padilla, simula pa noong bata sila. Pero pano kung sa hindi inaasahang pangyayari ay malaman niyang ang bestfriend niya pala at ito ay may relasyon? Maghihiganti ba s...