Chapter 1

7 1 0
                                    

***

H A I L E Y

After our last subject teacher finished her announcement, I cleared my table immediately. Tapos na ang klase namin at kailangan kong makahabol sa bus patungo sa café na pinagtatrabahuhan ko. And I don't want to be scolded, again.

Mabilis akong lumabas ng classroom at tinungo ang locker room. Pagkatapos kong iwan ang mga librong hindi ko gagamitin mamaya at tumakbo na ako. I don't have much time so I have to run as fast as I could. As soon as I reached the bus station near our school, I sighed in relief. Buti at kakadating lang ng bus. Agad akong pumasok sa bus. Pagkatapos magbayad ay umupo na ako sa isang bakanteng upuan.

At hindi ko alam kung mabibwisit ba ako o ano. May katabi kasi ako, malapit siya sa bintana. Isang lalake. At ang lakas lakas ng hilik niya. Gusto ko man lumipat ng upuan ay hindi ko magawa. Puno na kasi ang bus at kailangan kong tiisin ang ingay niya. Sinaksak ko nalang sa tenga ang earphones ko at pinatugtog ang Cool Hot Sweet Love ng Red Velvet. Pero kahit naka-full ang volume ay naririnig ko pa rin ang hilik niya. And worst, nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. And I can feel his saliva already. Yucks.

Puno ng pandidiri ang buong mukha ko nang bumaling ako sa katabi ko. And confirmed, tumutulo ang laway niya sa balikat ko. At dahil sa nataranta ako, bigla kong tinabig ang ulo niya, causing his head to hit the closed window beside him.

"Aray!" Reklamo niya at minasahe pa ang ulo niya.

Kinalabit ko siya. "Excuse me, will you mind wiping your saliva off my shoulder?"

Napatingin siya sa akin habang nakangiwi. His blank face faced me. Tinignan niya ang balikat kong may laway niya at tumingin ulit sa akin.

"Wala akong panyo eh."

I rolled my eyes. "What's the use of your coat? Your shirt? You bastard. Wipe it off!"

Tinitigan niya lang ako.

Nagsimula ng kumulo ang dugo ko. This motherfucker. Padabog kong inabot ang laylayan ng coat niya at pinahid sa balikat ko. Oo, mahirap lang akong tao pero I'm a neat-freak creature. Ayaw kong nadudumihan ang lugar na kung saan nandun ako, at higit sa lahat, ayaw kong madumihan.

Kinuha ko ang rubbing alcohol sa bag ko at nilagyan ang balikat ko. I spreaded it just to make sure na walang germs na kakapit sa akin mula sa isang taong walang konsensya. Ugh. Tawagin niyo akong maarte, wala akong pake. Eh hindi naman kayo ang natuluan ng laway eh. Ako, AKO kasi ang natuluan.

Tumayo ako para abutin ang buzzer na malapit sa amin. Nung tumunog ang buzzer ay huminto ang bus. Padabog kong kinuha ang bag ko at bumaba ng bus. Bahala na kung maglalakad ako patungo sa café. Atleast hindi ako matutuluan ng laway.

Habang naglalakad ako ay hindi ko pinapansin ang mga taong mapanghusga akong tinitignan. They said magkamukha daw kami ng anak ng isang drug lord na hanggang ngayon, missing. Eh kung makasabi silang ako 'yun. Mga tanga. Lumaki akong hindi sila kinilala bilang magulang. At kung ako nga ang anak nila, edi sana mayaman ako. Tsk.

Narating ko rin sa wakas ang café. Hinihingal akong pumasok sa kusina. Kinuha ko ang apron ko sa locker at sinuot. Nagsimula na rin akong mag-serve sa mga costumers.

"Hailey." Napahinto ako sa paglinis ng mesa nang tawagin ako ni Daniella. Si Daniella Moon, ang may-ari ng café. "Dun ka sa VIP table 16. Ikaw ang uutusan ko since sanay kang makisalamuha sa mga taong mas mataas sa'yo." She simpered and walked away. Tss. Alam ko namang pinapamukha niyang mayayaman ang mga estudyante sa Phoenix University kung saan ako nag-aaral. Pero who cares? Hindi naman siya ang naghirap para makabayad sa tuition fee ko.

My Other Name Is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon