Chapter 4

5 1 0
                                    

***

"May problema ba, Hailey?"

Napakurap ako at napatingin kay Kazi. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan. Napatingin ako sa iba kong kaibigan, na kanina pa pala nakatingin sa akin.

Sinubo ko ang kanin na nasa kutsara. "Wala." I replied, trying to avoid Kazi's observant eyes.

"Teka, kelan ka ba lilipat ng school, Serene?" Tanong ni Breese.

Kumunot ang noo ko. "Magtatransfer ka, Serene?"

"Ah, oo." Nakangiti niyang sagot. "At sa Phoenix University ako lilipat."

"Of all schools, bakit dun pa?" Sabi ko pero nanatiling tahimik ang lahat. "You should choose Breese and Kazi's school. Or Madelle's."

"Ako rin, lilipat rin ako sa Phoenix University." Singit ni Madelle na ikinagulat ko.

"Bakit ba bigla nalang kayong lilipat? Oh baka pati kayo, Kazi at Breese. Lilipat rin ba kayo sa Phoenix?"

"Ano ka ba, Hailey." Natatawang sabi ni Breese. "Good job! Nahula mo nga ang surprise namin!"

Gulat na gulat ko silang tinignan isa-isa. Why the hell-? Ano bang meron sa unibersidad ka iyon? Ow. Phoenix University is one of the most prestigious school on Earth. Tss.

"At, bukas na kami lilipat!"

"YEHEY!"

Kumurap ulit ako, hoping that this is just a stupid dream. Pero hindi. Kasi hindi nagbago ang masasayang ngisi nila sa mukha. I sighed in surrender. Pero mukhang natuwa pa sila sa naging reaksyon ko. Ang priceless daw, sabi nila.

Kaya pala hindi sila nakasuot ng uniform!

Kung nagtataka kayo kung bakit ayaw kong mag-aral sila sa P.U, it's because that school is full of two-faced monsters. Including me. Maraming plastik doon. Maraming nagbabalat-kayo. And I don't want them to get involve. Kahit nga sa akin. I just... Don't want them to get hurt.

***

Kinabukasan.. ugh. Hindi talaga sila nagsinungaling! Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Madelle na nag-aayos ng sarili niya. She's wearing the same uniform I am wearing.

"Excuse, Hailey!"

I gave way to Kazi who's been smiling at me since last night. Hindi naman sa weird, kasi lagi naman siyang nakangiti. It's just, hindi ko feel ang ngiti niya kasi alam kong nae-excite siya sa pagpasok sa isang impiyernong eskwelahan.

Nag-unahan na ang apat sa kusina. Naghaharutan pa sila habang naglalagay ng plato sa mesa. Alam kong gusto lang nilang makasama ako sa iisang eskwelahan. Pero pwede namang ako ang lilipat hindi ba?

"Guys," Pangunguna ko.

Umupo ako sa gitna ni Serene at Breese. Nag-uunahan na naman silang magkuhanan ng hotdog na akala mo'y walang bukas. Habang si Madelle at Kazi naman ay nag-uunahan sa rice.

"Excited na talaga ako!" Saad ni Madelle.

"Guys, huwag kayong mag-transfer.. please."

Ang kaninang maingay na kusina ay naging tahimik. Sa sandaling ito'y alam kong nagtataka sila kung bakit bigla ko nalang sinabi iyon. Nawala ang excited na ngiti ni Kazi at napalitan ng nagtatakang mukha.

"H-ha?"

Bumuntong hininga ako. "Kilala niyo ba talaga ang school na iyon?"

"Oo naman. At tsaka dun ka nag-aaral. Knowing you, mapili ka pagdating sa papasukan mo. May high standards ka. At paniguradong hindi kami magsisising lumipat sa P.U." Serene gave me a short yet happy smile.

My Other Name Is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon