Chapter 2

3 1 0
                                    

***

"Guys, I'll get going. And hey, Serene." Pagkasabi ko sa pangalan ni Serene ay lumingon siya sa akin. Gusto kong tumawa dahil sa itsura niya. Lumulubo ang buong mukha niya dahil sa sobrang puno nito sa cereal na kinakain niya. "Don't drink alcohol. Or else I'll hit your head." Tumawa siya at tumango but I can't help it, naawa ako kay Serene. Namamaga ng sobra ang mata niya at halata kanina na may hangover siya.

I don't want to ask her but according to Kazi, hindi naman daw nag-break sila Serene at Dylan. I took one last glance at Serene then went out. Nang makalabas ako ay tinakbo ko na ang distansya ng apartment at ng bus station. Mabuti nalang at pagdating ko sa bus station ay paparating pa ang bus. I took a glance at my cellphone, and its already 7:05 am. Ang klase ko ay 7:30 am at ang biyahe patungo sa school approximately 15 minutes kung hindi masyadong traffic.

Nang huminto ang bus, ay may ibang pasahero na bumaba. Pumasok na ako sa bus at nagbayad bago umupo. At kung minamalas malas pa naman. Isang bakanteng upuan, katabi ng isang lalakeng pinakabwisit para sa buhay ko; si Dylan.

Wala naman akong choice. Umupo ako, at parang hindi niya napansin ang presensya ko. Hindi ko naman siya pinansin dahil una, hindi kami close at kung mag-uusap man kami, we always end up shouting at each other, fighting. Nirerespeto ko ang relasyon nila ng dongsaeng namin na si Serene, but I can't help myself. Sa ngayon, I am trying my freakin' best para hindi siya masakal dito.

"Hailey?"

Hindi na ako nagulat nang mapansin niya ako. Dahil siguro sa pabango ko. Magkaparehas kami ng pabango ni Serene, eh. Actually kaming lima.

Nilingon ko siya and a playful yet uninterested smirk escaped my lips. "Hi, sucker."

Hindi nawala ang tingin niya sa akin, at ganun rin ako. Nagsimula ng mamuo ang tensyon sa pagitan namin.

"I don't want to start a fight, noona." Sabi niya sa akin.

Kumurap ako at nawala bigla ang smirk ko. "But you just started one, Dylan Lee. Anong akala mo sa akin, tanga?"

Kumunot ang noo niya. Playing innocent. "Anong ibig mong sabihin?"

"If you want to live your life peacefully then try to be the best boyfriend, Serene had. Huwag kang gago."

Feeling ko mas lumaki ang tensyon na namamagitan sa amin nang bigla siyang tumawa. "I may not be the best boyfriend but I am always her best lesson in life."

Napatawa ako ng mapakla. Best lesson? "Yeah. You're right. You will always be her best lesson. Pero ito ang tandaan mo," nang makasilip ako sa bintana na katabi niya, bigla akong nabuhayan. Dahil hindi na lalaki ang tensyon namin ni Dylan. "Dahil sinaktan mo ang kaibigan ko hindi na ako magdadalawang isip na ibaon ka sa lupa. " Sabi ko at inabot na ang buzzer. Huminto ang bus at tumayo na rin si Dylan. I told you, we're on the same school but not on the same year. Forth year highschool ako while siya, second year highschool.

When I got off the bus, tinakbo ko na naman ang distansya ng bus station st building namin. Ito ang daily routine ko. Bale exercise na rin.

Pagdating ko sa classroom ay hinihingal pa ako. Dumiretso ako sa upuan ko. Sa totoo lang, wala akong pake sa nangyayari sa palibot ko. Well except kung involve na ang apat kong mga kaibigan. Imbes na gumala dito sa classroom at makipagdaldalan, nilabas ko ang Math book ko at nagsimulang magbasa.

"Hailey, nakalimutan ko kung paano 'to i-sosolve. Paturo nga ako." Isang kaklase kong babae na hindi ko kilala ang lumapit sa akin.

My Other Name Is DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon