Vievienne's Pov
Maghapon akong nakatunganga dito sa kwarto. Yes, hindi pa pala pasukan ngayon. Enrollment pa lang. Nagpa enroll na 'ko kanina and umuwi din naman ako after. Kaya ayun, tambay ako dito sa bahay. Hindi ko pa din nakikita yung Id ko. Pakshet talaga. Lagot na lagot ako kay manager nyan. Huhu.
Tumayo ako tapos kinuha ko yung magazine ko. Yes, its mine. Syempre, model ako eh. Start from the header hanggang end, puro picture at descriptions about sakin. Actually, bagong publish 'tong magazine na 'to. And to my surprise, madaming nag avail nung magazine kaya super happy ako. Kaya hindi din ako binibitawan nung manager ko kasi nga, dagdag income ako sa kaniya. Hahahaha. Chos lang.
Nagpeprepare na lang ako ng susuutin ko bukas. Bukas na talaga yung pinaka first day of school. Yung school uniform ko tapos yung filler notebook ko, inayos ko na din. Nagulat ako kasi biglang nag ring yung phone ko.
09012345678? Kaninong number 'to?
"Hello?"
"Hi. Ahm."
"Who are you? And where did you get my number?" I asked.
"Im Ian. Ahm kasi, i got your handkerchief."
"TALAGAA? SAN MO NAKUHA? OMG!" I exclaimed.
"Magkita na lang tayo. I want to talk to you in person. Okay lang ba?"
"Hindi naman scam 'to diba?" Mahirap na, baka kung anong mangyari sakin.
"No. Syempre naman hindi, Yen! Grabe ka sakin! Same area lang naman tayo diba? Manila right?" Whaaaaat? Anooong Yen? Isa lang ang kilala kong natawag sakin nyaaaan! Omg! Saka hindi pa 'ko nagpapakilala sa kaniya. What the hell?!
"Yes. Meet na lang tayo sa trinoma garden, okay lang? By 3 pm." Kunwari wala na lang akong narinig.
"Sure! See you later!"
"Okaaay see you! Don't be late okay? Ayoko ng pinag-iintay."
I ended the call tapos mag aayos na din ako. It's almost 1 pm na. Medyo matagal akong mag ayos. Haha.
Ian's Pov
"Okaaay see you! Don't be late okay? Ayoko ng pinag-iintay." Same Vievienne way back 15 years ago. Ayaw na ayaw niya talagang pinag-iintay. Nice to finally meet you again, Yen.
Vievienne's Pov
After ko'ng mag ayos, pumunta ako kay daddy. Actually, hindi pa 'ko nagpapaalam sa kaniya na may lakad ako ngayong hapon.
"Daddy! May ipagpapaalam lang po ako. May lakad po kasi ako ngayong hapon. May nakapulot po ng handkerchief ko tapos gusto po makipag kita and then----
"Sasamahan kita 'nak. Baka kung anong mangyari sayo. Baka naman scam yon at niloloko ka lang." Grabe talaga yung daddy ko.
"Wait daddy. Tatawagan ko yung nakapulot just to be sure na im safe."
"Go ahead 'nak. Ako kakausap ha?" Isusure talaga ni daddy na safe ako. Aw.
Tinawagan ko na yung number kanina. Ilang ring lang, nasagot na agad.
"Hello? Nasan kana? Im already here. Anong colo suot mo? Para mabilis kitang mahanap?" Daming tanong ah? Sana di scam. Ang hot nung boses eh. Woy Vie! May boyfriend kana! Wag kang malandot dyan! Heh! Shut up. I know my limitations. Bleh! HAHAHA.
"Actually, nandito pa 'ko sa bahay namin. Gusto ka kausapin ni daddy eh."
"Uy hala bakit? Kinakabahan naman ako dyan. Haha. Pero sige. Give it to him." Binigay ko yung phone ko kay daddy tapos nag usap sila. Hindi ko na sila inintindi kasi decision pa din ni daddy yung susundin ko.
After ng ilang minutes, binigay na sakin yung phone ko.
"Oh ayan nak. Wag ka ng pumunta sa meeting place niyo. Dito ko siya pinadiretso para sure na talaga. 100% guaranteed na yung mga ganong boses eh scam. Just to be sure baby. Hahaha." Kaloka si daddy. Grabe maka scam. May pa percent percent pa. Hahaha.
So ayun, bumalik na lang ako sa kwarto. Sinabi ko na lang kay daddy na tawagin na lang ako if ever na dumating yung boy.
Ian's Pov
Dumiretso agad ako sa address na binigay nung daddy ni Yen. Ni tito. Nahiya ako kanina but mamaya, i will sure na magiging matapang ako. Pero sana, hindi ako mahalata mamaya na ako yung Ian na kilala nila 15 years ago.
Bakit mabilis akong nakapunta sa place ni Yen? I have a car. Im already 18 years old kaya meron na akong sariling sasakyan. Nasa legal age na ako kaya forgiven na.
Medyo malapit na akong makarating doon sa address nang biglang...
Kriiiiingggggg kriiiiiingggg kriiiinggggg.
Uh oh? Sino naman 'to?
"Hello?"
"Uy pre, si Vaugnh 'to. Nagpalit ako number. Dami bamang chicks natawag dun sa isa kong number. Hang out daw mamaya. 7pm sharp. Sa 'Have Name' bar tapos doon tayo sa VIP seats. Sa may 2nd floor. Yung patagong seat, doon tayo." Punyeta talaga 'tong mga 'to. May balak nga sana ako mamaya nang kasama si Yen eh. Letse.
"Okay okay. Nakapag enroll na ba kayo?"
"UGH FUCK!! HINDI PA 'KO. KADAYA. WAIT IAN. TATANUNGIN KO SINA ZEKEEE!"
"Sure. Bilisan mo kupal. Gustong gusto ko na bumaba dito sa sasakyan ko."
"Tangina pre, cancel daw muna. Mag eenroll pa kaming apat. Nakalimutan namin letse." SABI NA EH. HAHAAHHAA.
"Katatanga niyo naman. Sige na. Saka may pasok na bukas tapos mag aaya kayo uminom? Aba." Edi hindi tayo makakapasok bukas kung kelan first day.
"Pumayag ka naman ulul. Wag ako hype ka!"
"Mas hype ka. Wag ka magpapatalo. Sige na nga." Sabay pinatay ko na agad yung tawag. Nag ayos naman ako saglit tapos pinark ko na yung kotse ko sa may parking lot dito sa may tabi ng gate nila. Tinawagan ko na din si Yen para sabihing nandito na 'ko sa tapat ng bahay nila.
YOU ARE READING
Not Just Your Bestfriend (On-going)
Teen FictionHindi akalain ni Vievienne na makikita niya pang ulit si Ian. Sa tagal na panahon na nagkahiwalay sila. It's almost 15 years? Or 15 years and a half to be exact? Lahat ng mga memories na akala niya ay tuluyan ng nakalimutan at nabaon sa limot, bigla...