Hindi na po ako magpoprologue guys. HAHAHAHA.
CHAPTER 1
Vievienne's Pov
"Nak, anong oras flight mo? Pasukan niyo na bukas." Daddy said via phone call. Nag aayos na 'ko daddy oh. Masyadong excited to see me?
"I'm on my way to airport dad. 3pm flight ko. By 5pm or 6pm, naka land na siguro dyan sa Manila." Almost 2-3 hours lang naman byahe from Cebu to Manila diba? Or baka nga hindi pa aabutin ng 2 hours eh.
"Sige 'nak. Just call daddy if ever naka land na kayo, okay? Ipapasundo kita kay Manong Rolando." Napaka protective talaga ng tatay ko. Aw.
"Sure daddy! Thankyou! I'm gonna hang up na daddy. Seeyou later! Iloveyou!" And after that, i ended the call. Sinuot ko na din yung bagpack na dadalhin ko then yung maleta na punong puno ng pasalubong. Nasa Cebu ako because of my shooting. Medyo napaaga pala yung start ulit ng school year eh hindi ko naman alam. Medyo napasarap din yung pag se-stay ko sa Cebu. Hehe.
After a couple of minutes, nakarating na din ako sa airport. And luckily, sakto yung dating ko kasi nagtatawag na sila ng passengers. I bid a goodbye wave to my manager. Pinili niya kasi mag stay muna sa Cebu but babalik din siyang Manila after niya daw makahanap ng boylet. Landot talaga.
Nakaupo na 'ko ngayon sa passenger's seat and pinapa off na nung captain yung phones.
Ian's Pov
"Mommy, i'm here na sa airport. To be exact, nakasakay at nakaupo na 'ko sa airplane. Maya maya andyan na din ako." Ang kulit kasi. Kung hindi lang tungkol sa company, hindi ako pupunta dito sa Cebu. Hays.
"Sige. Basta Ian, call me if naka land na yung airplane, okay? Susunduin ka namin." As always naman, mommy.
"Sure. I'm gonna hang up this. Bye. See you later mommy." I said tapos inend call ko na. Lagi na lang silang ganon. Im a big boy na. Alam ko na yung mga dapat ko'ng gawin. Hays.
"Please turn off your mobile phones for our safety. I repeat, turn off your mobile phones for our safety. Thankyou."
Agad ko namang pinatay ito sabay lagay sa bag. Malas ko gawa ang nakuha kong ticket is 24b kaya hindi sa bintana ng airplane yung pwesto ko. Hindi ko na pinansin yung katabi ko na babaeng kumakain at natulog na lang ako.
Vievienne's Pov
So ayun, kumakain lang ako habang naka tingin sa labas. Actually, sa sobrang swerte ko, nasa may window seat ako. Buti na lang 'di ako naunahan. Hehe. I glazed around the plane and na stuck yung mata ko sa lalaking katabi ko. Ngayon ko lang siya napansin, sa medyo 30 minutes or 1 hour na katabi ko siya, ngayon ko lang talaga siya napansin.
Ang puti, makinis na balat, matangos na ilong, mahabang pilik mata, makapal na kilay, mapupulang labi? At makalaglag panty na jawline. In one word, perfection. Naiinsecure ako sa kaniya ba't ganon? Nasa kaniya na lahat. Nakakainis.
Nagulat ako ng biglang gumalaw yung noo niya tapos biglang nagmulat ng mata. Agad naman akong nag iwas nang tingin. Napansin niya siguro na may nakatitig sa kaniya. Shet. Tumingin na lang ulit ako sa bintana at biglang sumagi sa isip ko si Ralph, ang boyfriend ko. He's my 2nd boyfriend after all. Guess the 1st? Secret. HAHAHA. So ayun, pasukan na bukas so makikita ko na ulit siya. Yehey.
"Fasten your seatbelts. We are ready to land. I repeat, fasten your seatbelts. We are ready to land. Thankyou."
Dahil sa uto uto naman kami, nag seatbelt naman kami. Dejoke lang. HAHAHAHA. And sa almost 2 hours na byahe, nakarating na din kami sa Manila. Bye Cebu, Hello Manila!
Nang maka land na talaga kami, inassist kami nung stewardess sa pagbaba. Hindi pa ko tumatayo kasi inaantay ko yung lalaking katabi ko na bumaba na din.
"Hm, kuya? Hindi ka pa ba bababa?" I asked. Ang tagal kasi.
"Hm hindi pa. Sige una kana Miss." Sabi niya naman sabay ngiti. Ba't parang may kamukha siya? Can someone tell me kung sino?
"Sige. Thankyou! Nice to meet you." Sabi ko sa kaniya. Isang ngiti lang ang iginawad niya sakin. Pero bakit ang pogi niya sa point na yun? Hala yung puso ko. Pero bawal, mag boyfriend na 'ko eh.
Pagkababa ko, chineck din nung mga staffs sa airport yung mga bags and luggages namin. Then after that, tinawagan ko na si Daddy para sabihing nandito na 'ko sa Manila.
Ian's Pov
Pinauna ko nang bumaba yung babaeng tumitig saken kanina. Oo, napansin ko yun. Hindi naman ako tulog that time. Nakapikit lang ako kaya ramdam na ramdam ko. Akala ko nga yung stewardess yung nakatitig sakin but it turned out na siya pala. But parang familiar siya sakin? Parang nakita ko na siya somewhere?
Hindi ko na siya masyadong naisip kaya tumayo na 'ko. But something caught my attention. May handkerchief na nahulog. Pinulot ko ito tapos may naka burda na 'Vie'. Kanino kaya ito? It might belong doon sa babae kanina? Tinitigan ko itong mabuti at inamoy pero mas lubos na natulala ako kasi familiar na familiar yung nakaburda kasunod nung word na 'Vie'.
YOU ARE READING
Not Just Your Bestfriend (On-going)
Novela JuvenilHindi akalain ni Vievienne na makikita niya pang ulit si Ian. Sa tagal na panahon na nagkahiwalay sila. It's almost 15 years? Or 15 years and a half to be exact? Lahat ng mga memories na akala niya ay tuluyan ng nakalimutan at nabaon sa limot, bigla...