Nagpaganda ako ng todo dahil magcecelebrate kami ng boyfriend ko ng anniversary namin. Bumili ako ng bouquet and chocolates. Para bang na baliktad? Ang babae na ngayon ang nagdadala ng bulaklak sa lalaki? Nakakatawang isipin pero...
---
Matagal ko ng crush si Seth Veloso. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya? Guwapo, mabait, matalino at magalang. Napakaperfect niya.
"Nood tayo ng basketball mamayang hapon, besty. Sige na," pagpipilit ko kay Fe.
"Naku! Dinadamay mo na naman ako sa kalandian mo, Zeina, ha!" Sigaw niya.
"Sige na besty," pagpapacute ko sa kanya.
"Sige na nga! Pero sandali lang tayo ah?"
"Siguro. Kung magiging madali ang laro nila." Ngumiti ako sa kanya at sinimangutan niya ako.
Nang dumating na ang hapon, nagmamadali akong umuwi sa bahay namin para magbihis at para makapanood kami ng basketball nina Seth. Excited na ako. Nagsuot ako ng violet na sando at nag maong ng shorts. Tinali ko lang ang buhok ko at nagpulbo. Nagpaalam ako kay may mama at gumora na.
"Salamat talaga besty ha? Talagang sinamahan mo ako," kumapit ako sa kaliwang balikat ni Fe habang naglalakad kami papuntang b.court kung saan maglalaro sina Seth. Malapit lang 'to sa amin kaya naglalakad lang kami. Nagpadrop lang si Fe sa amin at gusto niyang daw maglakadlakad kaya 'yun.
"Tsk. May iba pa ba akong choice?" Napabuntong hininga siya at napatawa ng mahina.
"Ang hot na naman ni Seth ngayon!" Tili ko.
"Ang landi mo talaga! Hindi pa nga tayo nakarating doon pinagpapantasyahan mo na siya," umiling-iling na saway sa akin ni Fe. Hindi ko nalang siya pinansin dahil sobrang excited na akong makita si Seth.
Sa labas pa lang ay rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao sa loob. Nagsisimula na siguro.
"Besty, dalian mo baka nagsisimula na." Hinila ko si Fe at inirapan niya lang ako. Nang makapasok na kami ay humanap na agad kami ng pwesto. Grabe! Ang daming tao.
"Go Seth!" Sigaw ko na para bang wala ng bukas. Pagdating ng pagdating namin tyaka nagsimula ang laro. Para bang kami ang hinihintay. Charot!
Mainit ang labanan nila. Hindi hinahayaan ni Seth na makapuntos ang kalaban. Kahit malayo, nakikita ko pa rin ang tumatagaktak na pawis niya. Ang hot niya!
Naghiyawan lahat ng tao ng napasa kay Seth ang bola. Kinakabahan ako pero alam kong magaling si Seth.
"Go Seth!" Todo cheer ko.
Pumwesto siya at itinaas ang kamay niya para pumorma upang shumot ng tres. Hindi siya na bigo at na shoot ito ng tres!
"Ang galing mo, Seth! Go lang ng go!" Sigaw ko ulit.
"Kumalma ka nga, Zeina. Umupo ka nga!" Saway sa akin ni Fe at hinilang ang sando para maupo ako.
"Ang kj nito! Ang ganda ng laro oh!"
"Wow! Ako pa 'tong kj? Bakit, sino ba ang nagyaya sa akin kahit na ayaw kong sumama ha?" Sumbat niya sa akin.
"O shasha. Manood ka nalang besty. Mamili ka ng gwapo d'yan sa mga ka team ni Seth," kinikilig na sabi ko sa kanya.
"Tsk." Umiling siya. Ang kj talaga nitong besty ko.
Muli, naging mainit ang laro at ang close na ng scores nila. Alam kong pagod na si Seth pero patuloy pa rin siya sa paglalaro. Sino bang hindi mapapagod eh, pinapasok siya sa first, second, third at ngayong fourth quarter. Todo pa rin ako sa pagchecheer.