Ang Buhay Ni Miss Pusit

103 15 21
                                    

"Bili bili na kayo! Pusit! Isang daan lang ang kilo! Singkwenta kalahati! Bente singko wamport!" masiglang sigaw ko sa mga dumadaang mamimili.

"Tinapa kayo dyan!"

"Tuyo kayo dyan!"

"Singkamas, talong, sigarilyas, mani, sitaw, bataw, patani at iba pa kayo dyan! Fresh na fresh galing sa gulayan ni Aling Pechay!"

"Lighter! Lighter!"

"Oh pusit kayo dyan! Pangpatanggal ng pantal sa singit! Bili na kayo ng pusit! Pusit!" Pagsigaw ko ulit. Mas malakas na kaysa sa nauna. Ganyan talaga dito sa palengke. Palakasan ng boses.

"Magkano 'yang pusit mo ale?" ang tanong ng bata. Aba aba. Maka-ale naman 'to! FYI lang mga readers. I'm justs 21 year in ages and counting 1 2 3.

"Isang daan ang kilo bata." sagot ko

"Ang mahal naman po. Pwede tawad?" ang paghingi ng tawad ng bata. Aba wala pa nga akong kita tawad agad.

"Hindi pwede bata. Hindi ka na lugi dito 'no! Kung di mo naitatanong mayroon Vitamin A,B,C,D hanggang Z itong pusit na tinda ko!" ang pagkumbinsi ko sa bata. Aba kailangan talaga ang sale talks para madaming bumili.

"Talaga po ale? Sige pabili po ng dalawang kilo!" ang masayang sagot ng bata. Oh diba? Effective? Buti na lang nakinig ako sa titser namin sa science nung elementary. Nagagamit ko pa yung mga tinuro nya sa amin tulad ng Vitamin A to Z.

"Oh pusit kayo dyan! Pusit! Pangpaiwas buwisit!" pagtawag ko sa mga mamimili.

"Bili na kayo ng pusit! Pangpaamo sa mga pasaway na paslit!" sigaw ko ulit.

'Yan ang ng isang Pusita Santos. Oo, 'yan ang aking prettiful name.Oh diba? Pati pangalan ko may pusit? Nananalaytay na kasi sa dugo namin ang digta ng mga pusit. Nasa akin ang titolong 'Miss Pusit' ng baranggay namin. Pusit capital of the town kasi ang baranggay namin. Bale, ayun nga. Maghapon ako sigaw ng sigaw hanggang sa lumabas ang esophagus ko isama mo pa ang large interesting at small interesting! Oh diba? 'Di kayo makapaniwala na kabisado ko pa ang digestion system? Tinuro din 'yan sa amin nung elementary sa science. Kung 'di nyo naitatanong. Consistent best in science ako nung elementary at idol ko na talaga noon pa si ano Alvin Aynstayn! Oh? Baka di nyo pa kilala si alvin ha? Umayos kayo readers! Pinapag aral kayo sa magandang paaralan ng mga magulang nyo tapos 'di naman pala kayo nakikinig kay titser! Baka nakasalampak lang kayo sa desk habang tumutulo laway at uhog all the times,plus,minus and dibaydibayd?! Mag-aral dapat kayo ng mabuti para makapagtapos kayo kagaya ko. Ako kasi Suman Cum Louder ako nung college sa kursong Bachelor of Science Major in Marketing Strategy in Selling Pusit. Speaking of selling pusit. Heto na nga. Nagliligpit na kami ni inay. Tinutulungan ko na sya magligpit ng pwesto namin dito sa palengke. Bukod kasi sa paglilibot-libot ko eh may pwesto talaga kami dito.

Habang nagliligpit ay biglang may humintong mamahaling itim kotse sa harap ng pwesto namin at iniluwa nito ang isang mala-adonis sa kagwapuhan. Mula sa pagiging matangkad, sa makisig na katawan, sa mapungay na matang kulay tsokolate at matangos na ilong. Siya na talaga ang kaforever ko. Biglang tumugtog ang akmang theme song para sa moment na 'to.

"Ikaw na ba si mister right? Ikaw na ba love of my life? Ikaw na ba ang icing sa ibaba-aw! Nay naman bakit mo ko binatukan?" nakabalik ako sa ulira dahil sa pagbatok ni inay sa maputi kong batok.

"Eh pano ba naman kasi kanina mo pa tinititigan yang boyfriend mo! Isang daan na angtanong nya sayo ni isa walakang sinagot!" sermon ni inay sa 'kin.

"Hah? Boyfriend?" nagtataka kong tanong kay inay.

"Oo. Hanggang ngayon ba di ka pa rin makapaniwala na boyfriend mo yang nasa harap mo? Aba naman Pusita! Halos araw-araw siyang pumupunta rito para sunduin ka at magdate kayo! Hanggang ngayon ba di ka pa rin nakakapag-adjust?" mahabang litanya ni inay.

Miss Pusit No More [ONE-SHOT] #TAA2018 #ASAward2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon