Chapter 1

47 3 2
                                    

Lori's POV

Ako si Lori Vivas, isa akong grade 8 student. Matalino, tahimik pero kimamumuhian ng nakararami. Hindi ko alam kung anong nakita nila sa akin kung bakit ako ang lagi nilang binubully. Dahil ba pangit ako? Mataba? Matalino? O dahil sa nerd ako? Nakakalungkot dahil araw araw nila akong hinuhusgahan. Hindi naman ako makalaban dahil alam ko sa sarili ko na masasayang lang ang lakas ko dahil sa huli ay talo pa din naman ako. Nung una lagi akong umiiyak dahil sobra akong nasasaktan sa ginagawa nila sa 'kin. Ikaw ba naman ang araw araw na ibully e pero nasanay din naman ako kinalaunan. Minsan parang nagiging manhid na ako dahil parang everyday routine ko na ang apakan ng ibang tao. Pero kahit gano'n, nadidismaya pa din ako dahil wala namang dahilan para gawin nila yo'n sa 'kin.

Habang naglalakad ako papuntang room namin ay tinatapunan na ako ng maiinit na titig ng mga estudyante. Nang marating ko naman ang room ay bigla nila akong pinaulanan ng papel

"Oh! Here comes the nerd!" Sigaw ni Kate.

"Magbato ng pugay! Gawing masalimuot ang umaga!" Sigaw naman ni Jess.

Ayan. Ayan ang lagi nilang ginagawa sa kin. Babatuhin ako ng kung ano ano bago makapasok sa klase. Parang binibinyagan nila ako araw araw. Araw araw din ata akong naliligo sa papel. Bilang nga lang ang araw na hindi nila to ginawa sa kin e. Mga dalawang beses pa lang siguro? Sanay na ako, hindi ko na lang binibigyan ng pansin ang mga ganitong bagay. Minsan nga napapaisip ako kung kaya lang ba ako pinanganak para ibully? Umupo na lamang ako sa upuan ko.

"Hindi ka na nasanay." Bulong sa kin ni Carl. Sabihin na nating kaibigan ko siya. Nerd din siya pero bukod tanging ako lang talaga ang binubully dito.

"Sanay na ako Carl." Bahagya akong napatawa habang inilalabas ang notebook ko para sa first subject.

*blag!*

Napatingin ako dahil sa may kumalampag ng lamesa ni Carl. Nagulat naman ako nang biglang tumambad sa akin ang awra ng tatlo. Tumingin si Shion kay Carl kaya umalis ito.

"Meet me at the canteen. Exactly 12 p.m. If not. You know the price." Sabi niya atsaka ngumisi. Nakacrossed arms naman ang dalawa habang iniirapan ako. Umalis naman sila agad sa harapan ko.

"Good morning class!" Bati ni Mam Dela Rosa.

"Good morning Mam!" Sabay sabay naming bati sa kanya.

"Bakit ang dumi ng room! Linisin niyo nga yan!" Sigaw niya at kumilos ang ilan sa kaklase ko.

Nagsimula namang magturo ang teacher namin. About isosceles triangle ang tinuro niya. Sa tuwing sasagot naman ako sa klase ay lagi nila akong sinasabihan na pabida. Wala naman akong magawa dahil yo'n ang gusto nilang sabihin sa akin.

"Okay class. I'm going to remind you that next week will be our periodical examination. Is that clear?"

"Yes mam."

"Please review your lessons in different subjects. You are the cream of the crop so I will expect that no one will have a poor grade." Sabi niya at umalis.

*lumipas ang ilang oras*

Maaga akong pumunta sa canteen para kitain sila Shion. Naghintay ako do'n hanggang sa mag alas dose nang bigla silang dumating.

"Seems like you don't really want to pay the price , Lori?" Nakangising tanong ni Shion sa 'kin habang iniikutan ako at pinaglalaruan ang buhok ko.

"Ano bang pag uusapan natin?"

Tumingin siya kay Jess at agad na inabot sa akin ang isang papel.

RegretsWhere stories live. Discover now