Regrets and my Memories

28 2 1
                                    

So ayoonnn. Kinatamaran ko ya'n. Nagawa naman ng mga character ko yung mga role nila. Nakalagay sa baba kung sino yung mga gumanap. Kahit na hindi masyadong nasunod ang setting namin ayos naman ang kinalabasan ng movie. Yung meet up sa canteen ay ginawa na lang naming meet up sa bagong gawang building sa school namin ayaw daw nila sa canteen kasi masyadong agaw eksena dahil dinagdagan nila yo'n ng sampal. Actually nung nag woworkshop kami, ako yung sinasampal nila at tatlong beses dapat ang sampal sa isang take dahil naka tatlong ulit kami siyam na beses akong nasampal (biruin mo? Pinersonal ako HAHAH CHAR!)  Then ang nakakainis lang ay nung mismong shooting na isang sampal lang na mahina ang ginawa nila kesyo naawa daw sila sa bida namin. And I was like WOW! SA AKIN HINDI KAYO NAAWA. ANG LAKAS NG SAMPAL SA AKIN TAPOS YUNG KANYA. WOW. KINAREER NI DIREK.

Nung nag shoot naman kami sa drama rama nila, nagkwento pa ako ng mga nakakalungkot na kwento bago ko sila napaiyak. Award naman at real na real ang iyak nila. Nandoon yung hinalungkat ko pa lahat ng buhay namin HAHAHA. Napakapakialamera ko 'no? Nandoon yung ginabi na kami para lang sa shooting pero worth it naman. Lalong lalo na para sa akin. Ang laki ng tulong niya para sa grades ng mga kagrupo ko.

Nung ineedit na siya nung ate ko, niloko ko sila na nabura lahat ng video at magshoshoot ulit kami. Actually I'm just testing them kung makiki cooperate ulit sila. Pero may nabura talaga don kaya lang nagawan ko nan ng paraan at napagtagpi tagpi ko. Yung iba hindi naniwala yung iba naman minura ako kasi two days na lang deadline na. Sabi naman ni Sheen (Shion) baka daw may dahilan kaya nabura ang lahat ng yo'n. Baka daw mas magaling sila sa pangalawa kapag inulit. Pero mangiyak ngiyak na siya nung sinasabi niya sa akin yo'n. And I was like, naniwala sila xoxad.

Yung movie namin ay inabot ng 44 minutes mahigit. Ang akala ko nga noon 15 or something lang hindi ko naman inaakala na mahaba haba din. So shinare ko lang siya dahil unang beses kong gumawa ng storya na binigyang buhay din namin. Kung tatanungin niyo kung anong role ko don ( ako po yung land lady myghad) napakahaba ng exposure ko grabeee *insert sarcasm*

We are 20 students (group 2)
Pero ang ilalagay ko nalang sa cast ay yung mahaba ang exposure but kung mapapanood niyo yung movie, lahat kami ay nakita sa camera (maliban nga lang pala kay Ma. Patricia Castillo Estrella. Siya kasi yung camera woman) ps. Hindi siya reader xoxad tamad kasi yung babaitang yo'n e.

Cast

Windelyn Noval (reader) as Lori Vivas (reader pero hindi ko reader HAHA XD)
Jhozellie Sheen Mique (reader) as Shion
Jessica Danielle Balico (reader) as Jess (hindi ko pinagisipan ang mga pangalan nila XD) ps. Carmela daw siya ng ILYS1982.
Kately Manalili (reader) as Kate. (Di ba? yung pangalan talaga e.)
Rich Mae Domen (reader) as Rica
Anel Barja (reader) as Lina (eto reader ko to pati si Rich Mae lablab)
Carlos Jason Jamotillo as Carl (kambal yan e kaya lang sa ibang grupo yung ka kambal)
Mary Leira Del Rosario (reader) as mam Dela Rosa (eto terror talaga to. Masungit to e) ps. Sorry Mary kung nabasa mo to lablab naman kita e HAHAHA.

RegretsWhere stories live. Discover now