Chapter 2

29 2 0
                                    

Third Person's POV

Nagpatuloy pa din ang pang dedemonyo nila sa buhay ni Lori. Parang manika na pinaglalaruan nila ito. Wala namang makakapigil sa kanila dahil masyadong malakas si Shion dahil anak ito ng may share sa campus.

Carl's POV

Naglalakad ako malapit sa new vacant building na bagong tayo lang sa campus namin nang mapansin ko na may nakadungaw malapit sa C.R. may nangboboso? Babae?

Lumapit ako ng bahagya at nang makilala ko kung sino yung nakasilip do'n ay nagtaka ako.

"Di ba si Lori yo'n? Bakit nandito pa siya?" Unti unti kong nilapitan si Lori. Hannang sa nakalapit na ako sa kanya.

"Uy Lo-" Nagulat siya at tinakpan ang bibig ko dahilan para matahimik ako.

"Shhhh! Carl ang ingay mo." Bulong ni Lori.

"What's the matter? Bakit nandito ka pa? Di ba dapat nakauwi ka na?" Tanong ko naman sa kanya.

"H-ha? W-wala. Tara na nga. Sabay na tayong lumabas ng gate." Nauutal niyang sambit, hinila naman niya ako paalis.

Third Person's POV

Nagmamadaling umakyat si Lori at nangangatog na nagsulat sa kanyang diary. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya kanina. Napansin naman nila Lina at Rica ang kinikilos niya.

"Uy, may problema ba si Lori? Tignan mo o nangangatog habang nagsusulat." Ani ni Lina.

"Tsss. Napaka ano mo naman Lina. Baka pasmado lang siya kaya ganon." Sambit naman ni Rica.

"Hindi e. Base sa nakikita ko parang may tension sa katawan niya." Sambit ni Lina habang napahimas sa kanyang baba.

"Hmmmm.. Oo nga no. Nakakabasa ako ng ganyan sa wattpad e. Kapag ata ganyan ang gesture, parang may nakitang kung ano."

"Tara tanungin natin." Nilapitan nila si Lori na nangangatog at pinagpapawisan habang nagsusulat.

"Uhmm. Lori?"

Biglang isinara ni Lori yung notebook at napatingin sa dalawa. Gulat ito nang mapalingon kila Lina.

"Ayos ka lang?" Tanong naman ni Rica.

"H-ha? Ah. Oo. Ayos lang ako." Nauutal na sambit ni Lori. Agad naman niyang tinago ang diary niya sa ilalim ng unan niya. Umalis naman agad sila Lina.

"Mukang meron nga Lina. Nakakacurious." Ani ni Rica.

"Tsk. Curiousity might lead us to death. Tara na nga."

"Eto naman. Ikaw tong nagkompronta tapos bigla kang mag eenglish blah blah dyan." Rica.

"Tssss... Basta tara na."

*kinabukasan*

Naglakad ng tahimik si Lori. Akala niya may babato sa kanya pero wala. Umupo nalang siya sa upuan.

'Namatay daw ang anak ng may ari ng campus?'

'Oo daw e. Sino kaya yung killer.'

'Ay totoo ba yo'n?'

"Pinatay daw yung anak ng may ari netong campus kahapon." Pagbabalita ni Carl kay Lori.

Napatingin naman si Lori kay Carl.

"Sigurado ba silang pinatay? Baka naman napatay."

"Huh? Pano mo naman nasabi?"

"Ah eh. Wala lang. Hindi naman porket tegi ay pinatay na."

RegretsWhere stories live. Discover now