jennifer's pov
tatlong araw na akong nasa ospital at tatlong araw na rin akong hinahanap ni blaster according to kuya gelo.
"pag-uwi ko nakita ko si blaster sa tapat ng gate, nakaupo at may hawak na mga pagkain. mga 3 o 4 am yun." kwento ni gelo kagabi pagkabalik niya galing sa bahay. syempre pinapauwi ko sila ni zild para makapag pahinga naman sila.
umiling nalang ako para mabura ang kalungkutan ko tsaka nagpatuloy kumain. syempre miss na miss ko na yung poging yun. bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si zild na inasikaso yung mga dapat asikasuhin habang nasa ospital ako.
"how are you feeling?" tanong niya at umupo sa tabi ko. napansin kong pati siya kulang sa tulog at mukhang stressed na rin dahil sakin. na-guilty naman ako bigla. si blaster hindi ko nabigyan ng sakit ng ulo pero kay zild ko naman pinasa. ang gago ko naman.
"i'm fine. ikaw dapat magpahinga ka na muna. you look awful." napahilamos nalang siya sa kanyang mukha.
"i can't leave you. walang magbabantay sayo." wala si kuya gelo ngayon. gaya ng sinabi ko, pinauwi ko muna siya para magpahinga at maligo.
"ano ba okay lang ako rito. promise, hindi ako mamamatay habang wala kayo." i tried to give him a reassuring smile but i failed. he shooked his head repeatedly.
ilang minuto rin ang katahimikan na bumalot sa buong kwarto. i sat up at agad niya akong inalalayan. nakatingin lang ako sa kanya as he carefully lay my back on the pillow behind me.
"thank you zild." i whispered him a thank you habang malapit ang mukha niya sakin. hanggang sa naramdaman ko ang kanyang palad na nakadampi sa akin pisngi dahilan para hindi umalis ang tingin ko sa kanya.
nakatitig lang kami sa isa't-isa at sa totoo lang ay kinakabahan ako sa kung anong ginagawa niya. parang nangungusap ang mga mata niya pero hindi ko maintindihan ang pinapahiwatig niya.
then he slowly leaned his face closer to mine habang ako tila na-estatwa mula sa kinauupuan ko. i could hear my fast heartbeat kaya napahawak ako nang mahigpit sa bed sheet.
but before he does anything stupid, i heard a sigh at lumayo ang mukha niya sakin until i felt his lips on my forehead.
"i'll be back."
bumalik lang ako sa sarili kong diwa nang magsara ang pinto.
what the heck was that.
hahalikan ba dapat ako ni zild?
BINABASA MO ANG
l o v e s t r u c k
Fanfictionmy sylvia, how can i say that you are mine? {blaster silonga epistolary; ivos series #1}