Poem 5 : Magkabilang Dulo

78 6 1
                                    

Tayo man ay nasa iisang silid,
Ngunit nasa magkabilang gilid.
Tila pinaglalayo
Ng tadhanang mapaglaro.

Hanggang tingin nalang ba
Sa'yong mga mata?
Na ngayo'y masaya,
Masaya at malaya.

Tuwing ika'y lumalapit
Di alam kung bakit
Nagwawala ang aking puso
Inaasam ang pagmamahal mo.

Kakaibang saya ang naramdaman.
Subalit sang-ayon kaya ang aking kapalaran?
Sa panandaliang saya na ito,
Na nagdulot sakin ng matinding pagkalito.

Panahon na para tanggapin
Na ako'y hanggang tingin.
Tingin na hindi masusuklian,
Pagmamahal na di matutumbasan.

Note:

Hirap na hirap akong gumawa ng tagalog na poem sa totoo lang HAHAHA. Pero at least maayos yung nagawa ko. Yeheeet!
Tagal na to nakatambak sa drafts ko pero dko napupublish so sorry sa late ud. Ty sa magbabasa huehue

p o e m s °Where stories live. Discover now