Poem 12 : Ulan

8 0 1
                                    

Ganto ba talaga ang ulan?
Nakikisabay sa'king nararamdaman
Tila ako'y dinadamayan
Dahil sa puso kong sugatan.

Pabugso-bugso.
Lalapit, tapos lalayo.
Hindi ko talaga maintindihan
Ako ba'y iyong pinaglalaruan?

Aambon, lalakas,
Kung di nga naman minamalas.
Wala pa kong dalang payong,
Pano na ang pusong nanghihingi ng tulong?

Tatahakin ang daan,
Susugurin ang ulan
Titigil rin naman to.
At syempre, magiging ayos lang ako.

Anong oras na ba?
Bakit umuulan pa?
Titigil pa ba to?
O hahayaan nalang na kusang maglaho?

Buhos ng buhos
Tulad ng mga luha kong umaagos.
Paulit ulit nalang ba magpapakatanga
Para sa taong sasaktan ka lang pala?

Bawat patak,
Alaala nati'y tumatatak.
Ngunit mawawala rin 'to
Mapapagod rin ang puso ko.

Kailan nga ba titila?
Kailan nga ba magiging masaya?
Pero sana pag tumila na,
Sana, wag ka nang babalik pa.


Ps. Wassuppp? Stay at home. Keep safe!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

p o e m s °Where stories live. Discover now