BTS 2: Suga

53 1 0
                                        

(A/N: Kasunod parin ito nung last na chapter)

Pagkagising mo,  napansin mong wala ka sa kwarto mo. Nasa kwarto ako ni Jungkook wtf!

Napatayo ka bigla sa higaas niya. Mabuti na lang at wala siya sa kwarto. Pagkatayo mo ngayon mo lang napansin na wala ka palang saplot sa katawan. Napahawak ka sa kumot at tinakpan ang katawan. Halos mandiri ka sa sarili mo ng maalala mo ang nangyari kahapon. Masyadong wild ang nangyari at parang hindi na ikaw yung (y/n) na pinalaki ng mabuti at walang kaalaman sa ganito. Kahit nga mga sexual na palabas hindi mo kayang manood. Pero ayun may pagka pokpok parin ang dating kahapon kaya napatakio ka ng mukha sa kahihiyan.

Napagdesisyon mong tumayo at dinampot ang damit mo na nakakalat sa lapag. Wala namang nangyari at hindi naman umabot sa mawawalan ka ng virginity. Hindi ka naman din mabubuntis kasi hindi niyi naman ginawa yung palabas na yun mismo. Kaya naglapasalamat ka parin.

Pagka-punta mo sa kitchen nakita mo si Jungkook na nakaupo. Naka-cross arms oa at nakapoker face. Napa-tangina ka na lang dahil sa kagwapuhan niyo.

"Aalis ako ngayon,  baka mamayang gabi na ako makauwi. By the way may nakalimutan pala akong sabihin. Hindi lang ako ang nakatira dito. Pito kami,  kaya kung may tao man dito wag ka ng magtaka. Tayo-tayo lang naman ang may susi dito" sabi pa ni Jungkook at aalis na sana ng magsalita ka.

"P-pwede ba akong lumabas. May bibilhin sana ako" tumango siya bilang sagot. Medyo nahiya ka sa harap niya dahil nauutal ka. Samantalang si Jungkook,  kung umasta parang wala namang nangyari.

Pinayagan ka naman ni Jungkook na lumabas at dahil dun naglinis ka na at naligo para lumabas. Ngayon ka lang ulit naka-punta sa mall, ang huli mo sigurong pagpunta mo din ay last year pa.

Habang naglalakad, dahil sa sobrang katangahan mo nadapa ka. Hindi mo sinasadyang may mabangga kang tao.

"Watch it woman! " sigaw ng lalaki at napansin mong nahulog yung mga librong hawak niya. Napayuko ka at nagsorry sa kanya. Tinulungan mo naman siya at napansin mo dun sa libro na Suga ang pangalan niya.

"S-sorry po ulit" sabi mo at di ka pinansin nung lalaki at umalis na. Una mong pinuntahan ang sine. Hindi mo alam kung bakit ka pumunta dun pero matagal-tagal na rin ng huli kayong nagsine ng pamilya mo.  (dahil malaki sahod ko sa pagiging maid,  makakapunta na ulit kami dito)  sabi mo sa isip mo.

Pagkatapos sa department store ka naman pumunta. Hindi mo inaasahang mahal pala mga damit ngayon. Napag-isip isip mong bibilhan mo sa susunod na buwan ang pamilya mo at susurpresahin sila.

Bumili ka ng makakain,  ice cream,  waffle at iba pang pagkaing pwede mong makita. At huli mong pinuntahan ang National Bookstore. Hindi din maaika na mahilig ka din magbasa ng libro. Habang namimili ng libro hindi mo ulit sinasadyang may mabangga. Nakatingin ka kasi sa book shelves kaya hindi mo napansin na may nabangga ka.

"IKAW NA NAMAN" sigaw nung lalaking nabangga mo kanina. Kung hindi ka nagkakamali siya ang may pangalan na suga.

"Sinusundan mo ba ako? Nakakainis ka na nakailan kana sakin" sabi niya. Halos muntikan mo na siyang sabunutan dahil sa sinabi niya.

"Kuya,  sabi ko naman sayo na hindi ko sinasadya. Atsaka sino naman magsabi sayong sinusundan kita. Kapal mo naman" sagot mo at tinarayan siya. Aalis kana sana sa national bookstore ng bigla niyang hawakan ang braso mo.

"Hindi mo kilala kung sino ang nabangga mo. Antayin mo lang because you will pay for this woman" panakot niya sayo at umalis na siya. Napaisip ka tuloy kung ano naman ang 'pay'na sinasabi niya.

Nawalan kana ng ganang bumili ng libro kaya pumunta kana sa labas. Naghihintay ka ng sasaktan pauwi ng may tumigil na van sa harapan mo. Akala mo may baba lang na pasahero pero may dumampot sayo bigla. Sisigaw kana sana para humingi ng tulong pero sa bilis ng pangyayari napatulog kanila agad ng matakpan nila ang ilong mo.



KPOP ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon