Kabanata 2

6 0 0
                                    

Tumayo ako sa kama ko, nandito na ako sa kwarto ko ngayon.

I can't remember anything na nangyari kagabi.

Akmang pupunta na ako sa banyo para maligo nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Ma, sa baba po ako kakain. Hindi mo po kailangan gawin yan." Nilapag niya yung pagkain ko sa bedside table ko.

"Hindi ka papasok ngayon anak. Baka mabinat ka. Nag leave na rin ako sa trabaho para alagaan ka."

"No Ma, kaya kong pumasok sa school. Besides, tatapusin ko yung quiz ko kay Engr. Elera, baka bumagsak pa ko doon."

Lumapit siya sa akin at itinapat ang palad niya sa noo ko at leeg.

"I'm not sick Ma, hindi ko alam kung bakit ako hinimatay kahapon sa school. Hindi ko na nga alam kung bakit nandito na ako sa bahay ngayon eh."

Napabuntong hininga nalang si Mama.

"Alam ko naman na nalilipasan ka palagi ng pagkain eh and I'm sorry kung late na ko umuwi. Hindi manlang ako nasabihan na ganun na pala ang nangyari sa'yo sa school."

Umupo siya sa kama ko at pinatabi niya ako doon. Sumunod nalang ako.

"Ma, hindi yun ganun. Baka mainit lang talaga sa school, tska Ma. Wala ka pong kasalanan kung nag overtime ka man."

Hinawakan ko yung kamay niya para hindi na siya mag alala.

"Finish your food anak, ako maghahatid sa'yo sa school mo."

Agad kong kinain ang inihanda ni Mama at naligo agad dahil hindi na ako aabot sa isang subject ko.

We don't have car so nagtricycle kami papuntang school.

Walang imik kami ni Mama. Siguro iniisip niya pa rin ang kalagayan ko.

Pumasok na ko sa gate ng school at nagpaalam kay Mama.

Dumiretso ako sa klase ko which is Calculus.

"Aria, nabalitaan ko yung nangyari sa'yo kahapon ah? Are you okay?" I nodded.

Wala akong panahon sa mga chismosa lang na tao at hindi naman talaga nagmamalasakit sa'yo dahil nagtanong sila.

Nakinig na lamang ako sa discussion namin. Hindi ko rin maiwasang maisip yung nangyari sakin kahapon.

Was that a dream? Parang hindi eh, parang totoo. Hindi ko alam bakit ganun yung panaginip ko. Hindi ko rin alam kung bakit nahimatay ako habang nagqquiz?

Naalala ko lahat ng nangyari sa panaginip ko and it bothers me dahil bukod sa Fritzie ang pangalan ko doon, ay isa akong mayaman na tao.

Nagring na ang bell, hudyat na tapos na ang oras ng klase.

Pumunta agad ako sa prof ko sa Thermodynamics upang magpaalam kung pwede pa ituloy yung quiz ko.

Kumatok ako sa office niya at binuksan ito. Bumungad sakin ang prof kong umiinom ng tsaa.

"Sir, Aria Barcelon po. Third year, Chem Engineering po section two."

"Come in." Isinara ko ang pinto at umupo sa tapat ng table niya.

"Ah, sir pwede pa po ba akong magtake ng quiz? Half ng quiz palang po kasi yung nasagutan ko before po ako himatayin."

"No. Bumawi ka nalang sa exam. Sinabi ko na sa inyo, there are no excuses and ayoko ng special tests or projects." Napayuko ako.

What do I expect? Nagpasalamat nalang ako at tumayo para umalis.

"50/100 ang iyong score Ms. Barcelon."

Dreams Into RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon