Kabanata 1

9 0 0
                                    

"Aria! Gising na anak, may pasok ka pa, hindi ba?" Dilat pikit ang tangi kong nagawa.

Sobrang inaantok pa ako dahil 5:30 palang ng umaga pero bumangon na ko't dumiretso sa banyo para maligo.

Bakit parang di ko masabing kumpleto ang tulog ko, parang kulang?

"Kakain na anak, di ka pa rin ba tapos diyan?" Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, parang may naalala ako na hindi ko malaman kung ano.

"Pababa na, nagbibihis na po."

Pagkatapos ko mag-ayos ay dali dali akong bumaba dahil thirty minutes nalang magsisimula na yung klase ko.

Umupo na ko para kumain. Kinausap ako ni Mama tungkol sa mga gagawin ko mamaya pag uwi dahil mag oovertime siya at baka madaling araw na makauwi.

Dalawa lang kami ni Mama sa bahay dahil hindi ko nakilala ang Papa ko na nawala sa lumubog na barko.

Simula daw ng mawala si Papa, hindi na naging maganda yung buhay namin ni Mama.

Hindi pinagtrabaho ni Papa si Mama, gusto niya na nasa bahay lang siya para maging healthy ako sa pagbubuntis ni Mama noon sa akin.

Naging dahilan iyon na mahirapan si Mama makakuha ng trabaho dahil hindi siya naka graduate ng college.

Kaya ngayon, kinakailangan ni Mama mag over time para sa gastusin. Bukod sa tuition fee ko at monthly bills namin eh talagang kulang pa ang sinusweldo ni Mama.

Siya na ang Mama kong hard working at sobrang mapagmahal, kaya kahit hindi ko man ginugusto ang mga ulam, wala miski isang reklamo ang lumabas sa bibig ko.

Kinakakailangan ko makatapos ng college. Para kay Mama, ayoko ng ganitong buhay hanggang tumanda ako. Gusto ko makahiga sa mala queen size na kama, at kumain ng mga mararangyang pagkain.

Tinapos ko na ang pagkain ko at kinuha ang bag ko. Nagpaalam na ko kay Mama.

Sumakay na ko ng tricycle papuntang eskwelahan. Kahit na alam kong wala kaming kaya sa buhay, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa magandang school ako nag aaral.

Bumaba na ako ng tricycle at bumungad sa harap ko ang napakalaking pangalan ng eskwelahan ko.

GRAY UNIVERSITY OF LAGUNA

Since highschool ay dito na ko nag aaral. Simple lang na babae dito sa school na to, in short, hindi napapansin.

Walang kaibigan, walang kasama. Walang kahit sino man.

"Para kang nababaliw Aria, kung makatingin ka sa school natin kala mo ngayon ka lang nakarating dito."

Napangiti ako. Mali pala, at least I have one. Isang kaibigan, enough na para may makaalam na nag eexist din ako sa school na 'to.

Lumingon ako sa kanya.

"Tara na nga, malalate na tayo." Hinila ko na siya papasok ng gate sumunod naman siya.

"Oo nga pala Nath, may quiz tayo sa Thermodynamics, nagreview ka ba?" Kumunot ang noo niya.

"Sinabi ko sa'yo Aria, wag mo kong tatawaging Nath. Hindi ako babae. Athan, Athan itawag mo. Para ka namang bago eh!!"

"Sige, Nathaniel." He just look away. Pikon. I laughed.

"Ano? Sasagutin mo ba yung tanong ko o hindi?"

"Hindi ako nagreview. Masyadong mainit sa atin yung prof natin dun, kahit magreview tayo, ibabagsak tayo."

"Napaka negative mo. Huling quiz na 'to Nath."

Dreams Into RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon