"Ouch!" Daing ko. Idinilat ko ang mga mata ko at napag alaman na nandito ako sa tunay na kwarto ko.
Tinanggal ko ang earphones ko at tumayo ng kama. It's four in the morning. Masyado pang maaga.
Pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Napaka sakit ng ulo ko.
Kinapa ko ito at sobrang sakit. Agad akong kumuha ng yelo at inilagay sa damit baka sakaling mawala yung sakit.
Binuksan ko muli yung ref para kumuha nang tubig. Nakita kong may tupperware sa loob, hindi ko alam ang tawag sa ulam na to pero parang nakita ko na to.
Nagsandok na lamang ako ng kanin at kumain. Biglang may naalala ako sa pagkain na to.
"Sis, kaya mo na bang kumain? I can bring your dinner in your room." Isang babaeng may mahaba at mapungay na mga mata ang nagsalita.
"As if Dad will allow you." Sabi ng isang lalaki na mukhang mas matanda doon sa babae. Well groomed and mailalarawan ko sa kanya.
"Let's just eat. Fritzie, sige na umupo ka na." I joined them. Tumabi ako sa babaeng nagsalita kanina.
"Ang daming inihanda na pagkain. Alam kong matagal ko ng gustong kainin ang mga 'to." Inulit ko ang mga naalala ko.
Tama! Eto yung pagkain na nasa panaginip ko.
Pilit kong inaalala lahat ng napaginipan ko ngunit kakaunti lamang ang naalala ko.
"Aria, gising ka na pala. Magluluto pa lang sana ako--" Nagulat si Mama nang makitang kumakain na ako.
"Nagluto ka anak?" Dagdag niya pa.
"Hindi Ma. Nakita ko lang to sa ref. Bawal po ba kainin to?" Lumapit siya sa akin at tinignan ang kinakain ko.
"Hindi ko maalala na bumili ako nang ganyang pagkain." Nagtaka naman ako.
"Eh sino po ang naglagay dyan sa ref?" Pagtataka ko. Wala namang ibang pwedeng pumasok dito.
Except kung minumulto kami diba? Pssssh. As if!
"Hindi ko rin alam anak. Baka galing kay Aling Tinay. Alam mo naman na may extra siyang susi nang bahay hindi ba?"
Napatango nalang ako.
"Ma, hindi pa po ba tayo nagbabayad nang renta?" Lumingon sa akin si Mama.
Alam kong may problema siya at nakakasiguro akong tungkol ito sa financial.
"Ang totoo niyan, kinulang ako sa pambayad sa tuition fee mo sa susunod na semester." Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Anak alam ko nalulungkot ka. Pero wag kang mag alala. Gagawa ako ng paraan ha?" She hugged me.
I know this will happen. Hindi naman ako umaasa na kakayanin ni Mama ang tuition fee ng school ko.
Oo, maganda nga ang school ko ngunit isa rin na dalahilan ang pera para makapag aral doon.
Kumilos na ako para pumasok. Kailangan ko pa rin bumawi sa Thermodynamics.
Bigla akong nahilo nang pumasok na ako sa banyo. Napaupo ako dahil sa kirot.
"Ma!! Sobrang sakit ng ulo ko!" Sumigaw pa ako pero parang hindi ako naririnig ni Mama.
Ano ba tong nangyayari sakin? Tumayo ako at pumunta muna sa kama. Baka kinakailangan ko lang ulit ng pahinga.
Pumikit na ako at pinilit na tanggalin lahat ng stress sa utak ko.
"Hi Miss Fritz, ginamot ko na po yung bukol niyo. Medyo malaki po siya kaya wag nalang po muna kayo maglilikot." Idinilat ko ang mga mata ko.
Kinurot ko ang sarili ko para magising. Isa na namang panaginip!!
Idinilat ko kaagad ang aking mga mata. Hindi ko na kakayanin na mapaginipan muli yon.
Pinilit ko na lamang bumangon kahit masakit yung ulo ko.
"Late ka na naman." Bulong ni Athan sakin nang tumabi ako sa kanya.
Medyo mainit ang panahon ngayon kaya hindi rin maganda ang mood ko.
Inirapan ko nalang siya. Sa mga nangyari netong nakaraan na mga araw, napapadalas ang late ko sa klase.
Naging dahilan iyon nang lalong pagsusungit sakin ng mga prof ko.
"Maglunch ka ba or tatambay ka lang dito sa room?" Tanong sakin ni Athan nang mag dismiss na ng klase si Ms. Sevillano.
"Athan, nagkaroon ka na ba ng panaginip na kabaliktaran ng pamumuhay mo sa realidad?"
Tila'y nagiisip siya nang sasabihin.
"Masasabi kong lahat naman ng panaginip eh kabaliktaran ng nangyayari sa totoong buhay."
Hinawakan ko yung kamay niya na siyang ikinagulat niya.
"Athan, nagkakaroon ako nang ganoong panaginip." Tumawa siya.
"Lahat naman tayo siguro nanaginip nang ganon." Umiling ako.
"Hindi siya basta basta na panaginip. Noong nahimatay ako habang nag qquiz, doon nagsimula lahat." Napawi ang mga ngiti niya at napalitan ng pagiisip.
"At sa bawat panaginip ko, parang tuloy tuloy ang nangyayari."
"Aria, ayaw mo ba magpacheck up?" Pag iiba niya ng usapan.
"Athan, hindi to biro. At hindi Aria ang pangalan ko sa panaginip kundi Fritzie. Isa akong anak ng Del Valle at mayroon akong tatlong kapatid."
"So tell me, itong panaginip ba na 'to ay mayaman ka at napakalaki ng bahay niyo? At mayroon kang napakagandang lovelife na kasing pogi ko?" Tinaas taas niya pa ang dalawa niyang kilay.
"Ummm. Partly yes?" Tumalon siya na siyang ikinagulat ko.
"Sabi ko na nga ba pogi ako eh!!" Tumawa ako ng malakas. Kahit kailan talaga to si Athan.
"So ano maiiaadvice mo sakin?" Tumingin naman siya sa itaas na para bang nagiisip.
"Panaginip lang naman yan Aria. No big deal. Sakyan mo kung anong trip ng panaginip mo. Atleast mafeel mo manlang maging mayaman."
Sa buong araw na lumipas, nasa isip ko pa rin yung sinabi ni Athan sakin.
What if, ganun nga ang gawin ko? Wala naman mawawala hindi ba?
Baka kahit sa panaginip eh magkaroon ako ng sigla kahit papaano.
Baka kahit sa panaginip ay makaramdam ako ng pagmamahal sa ama at mga kapatid.
Baka sakaling matutunan ko maging masaya at walang iniisip na problema.
Pagkauwi ko ng bahay ay ginawa ko ang mga routines ko bago matulog at humiga na sa kama ko.
I closed my eyes and relaxed my body. I want to be happy, kaya ko ginagawa to.
Habang nakapikit ako ay iniisip ko na ang mga gagawin ko sa panaginip ko para sumaya.
I never felt this excitement before. Para akong sasabog sa sobrang atat makatulog.
"Aria!! It's 6 in the morning! Bangon na anak." I forcily opened my eyes.
I checked the time. Six na nga ng umaga. Shit! Nakatulog na ko?
Bakit hindi ako nanaginip?
But whyyyyyyy?
This is really weird. Ugggggh!
BINABASA MO ANG
Dreams Into Reality
Teen FictionWhat if you're dreaming about the things you really want in real life? Mas gugustuhin mo bang managinip na lamang o haharapin ang mga hirap at sakit sa katotohanan ng iyong buhay? Your sweetest dreams can turn into a nightmare that could cause death.