SCENE 2

17 2 0
                                    

Tyrone Villanueva sa right. Pogi ba?

________________________________________

Tyrone's POV 

Grrrr talaga tong araw na toh. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko sya lang ang nagpahiya saken ng ganun. 

"uy pare! kanina ka pa ganyan ah?" isa pa tong si Mark. Eh alam nga nya kung bakit ako badtrip. Napag-usapan kasi namin kanina sa mall na kapag nalaman ko yung name ng bruhang yun ay papayag na syang maging kami ng kapatid nyang si Hannah. Tutol kasi sya saken kasi babaero daw ako tss. 

Noon pa kaya yun tsaka Nagbago na ako. Lapitin lang talaga ako ng mga girls dahil sa badboy image ko. 

Isa rin sa ikinaba-badtrip ko ay malabo na maging kami ni Hannah dahil hindi ko natupad yung usapan namin neto. Bullsh*t talaga! at ang malala pa nun ay napagkamalan ng nakararami na girlfriend ko yung babaeng yun. Waaaaahhh!!

"pare alam mo naman na badtrip ako dahil kanina diba?" paliwanag ko. "eh panu na yan? bawas points na naman ako sayo" dugtong ko pa sabay inom ng alak. Yes, umiinom ako ng alak kahit minor pa ako. Hindi ito alam ng parents ko na umiinom ako. And nandito kami ngayon sa bar na pagmamay-ari namin. 

"madami pa naman jan ah. Tsaka ang pogi mo pa at sikat na modelo. Wag mo na pag-aksayahan ang kapatid ni Mark" isa din tong si Michael na epal sabay lagok sa beer nya. Eh mahal na mahal ko sya. And yes im a famous model ang a campus hearthrob sa dati naming school. 

Wala na talaga akong pag-asa. Well, madami pa naman jan pero sana maging kami talaga tiwala lang. 

Pero sa ngayon hindi parin ako maka move on kanina. Halos ma-ospital na ako sa sakit kanina. Sipain ba naman yung ano ko. Sh*t talaga yung babaeng yun. Paano na lang kung mabaog ako? sayang naman ang poging lahi ko noh! At tsaka hinabol ko pa talaga sya para malaman yung name nya ganun talaga ako ka disperado kanina. Tumakbo ba naman. Natakot ata saken.

Madaming tao dito sa bar pero gusto ko munang mapag-isa at gusto ko na ring umuwi. 

"oh ayan na pala yung kambal mong lollipop addict" istorbo ni Mark. I have a twin brother na si 

Tyler na addict sa lollipop. And we're identical twins. Papalapit na sya samin na may lollipop pa sa bibig. "teka nga pare hindi ba sumasakit yang ngipin nya? at sobra pa sa bata na mahilig sa candy" nagtatakang tanong nya. 

"hindi eh, ewan ko ba bakit sya mahilig sa lollipop" paliwanag ko. Bakit kaya mahilig to sa candy? At sa wakas nakarating na din sya sa sa pwesto namin. 

"uy! umiinom ka na naman? Sige ka pag nalaman to ni Daddy patay ka talaga" saway ng kambal ko na may lillipop pa sa labi. 

"sha sha hindi na. At gusto ko na umuwi sa condo. Tsaka may klase pa tayo bukas sa new school natin. Tara uwi na tayo" aya ko sa kanya at tumayo na din. "sige mga pare uwi na kami. See you nalang sa new school natin" paalam ko. Lumipat kami ng school. Yung school kasi ay iba sa lahat ng school basta may kakaiba dun.

Undiscovered Cherish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon