Ch.13 - Christmas Week

121 6 0
                                    

Ch.13 - Christmas Week

*Charity's POV*

Day 1 na ng Christmas Week namin at gaganapin lang sya ng 5 days pagkatapos Christmas break na! :D

Katulad nga ng napag usapan, nagtayo na kami ng mga booths at nandito kami ng SMP kasama ang TLE Department sa mga food stand.

"Uy Bliss, dito na muna kayo ah? Magroronda lang ako" sabi ko kay Bliss at iniwan ko sa kanya yung phone ko. "Sige. Teka, tawagan mo na lang kaya si Davis? Dalawa naman kayong nakatoka sa pagroronda diba?" tanong nya sakin.

"Oo nga Charity. Aksaya ka pa ng panahon" sabi ni Dafne habang kumakain ng inihaw na hotdog. Kanina pa sya kumakain dyan. Alam mo yung feeling na nagpipigil kayong di kainin yung mga paninda nyo kasi para nga sa school toh pero yung isa sa mga kasama mo nagsave ng maraming pera para makabili ng pagkain? Ganun ang nararamdaman naming dalawa ni Bliss -____-

"Dafne, itigil mo na nga yan!" saway ko sa kanya, "Sige na, aalis na ako. Bye" tapos naglakad na ako papuntang court kung san makikita ko si Davis.

Nakita ko syang nakaupo sa taas ng stage nag gigitara at nagpapractice sila kasama ang Music Department. Siniko sya ng katabi nya kaya napatingin sya sakin tapos ngumiti sya ng malaki.

Bumaba sya sa stage at naglakad ng dahan dahan papunta sakin habang nagsstrum sya ng guitara.

"Wherever you go, I'll be with you. Whatever you want, Ill give it to you. Whenever you need someone, to lay your heart and head upon. Remember after the fire, after all the rain, I will be the flame. I will be the flame"

"Nagustuhan mo ba?" tanong nya sakin tapos hinalikan nya ako sa pisngi at naghiyawan yung mga kabanda nya. "Oo naman. Tss. Kaw talaga. May ganun ganun ka pa" sabi ko sa kanya

Nagpaalam na sya sa mga kasama nya at nagronda na kami sa school habang hawak nya yung kamay ko.

Her Unexpected Husband (BabeTaba & SexyBabe Lovestory) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon