Ikalimang Kabanata

881 26 7
                                    

Amelia
Hulyo 14, 1880

Dahil sa pangyayari noong nakaraang araw ay hindi ako nakatulog nang mabuti sa mga nagdaang gabi. Inisip ko nang inisip ang panyong nasa mga kamay ngayon ni Francisco. Pati sa umaga'y tulala ako kaya madalas akong pagalitan ni ina sapagkat sa mismong harapan niya rin kasi ako natutulala.

Eh kasi namaaaan! Sino ba naman kasi ang hindi mapapaisip at mababahala do'n? Paano kung pagtawanan n'ya ako dahil sa ibinurda kong "Nagmamahal, Amelia" doon sa panyo? Paano kung isipin n'ya na napakadesperada kong babae at hindi pala ako isang mahinhin at kagalang-galang na binibini? Paano kung isipin n'yang madali lang kunin ang kalooban ko dahin dun?

Atsaka paano kung isipin n'ya na mahal ko na siya? Paano na 'yan?!

Waaaaaah Diyos kong mahabagin, tulungan n'yo po akooooooo!

"Ate Amelia, bawal matulala sa hapag-kainan." sabi ng aking kapatid na si Santina kaya agad akong natauhan at napunta sa realidad. Napatingin agad ako kay inay na nakakunot ang noong nakatingin sa akin at pinanliliitan na ako ng mata. Ibinaling ko nalang ang aking tingin sa aking kapatid na lalaking si Tobias na ngayon ay maganang kumakain sa hapagkainan kaya sinandukan ko pa siya ng kanin.

"Alam mo, Tobias, nagtataka talaga ako kung bakit ang lakas mong kumain parati. Seryoso, ilang araw kong pinagtakahan 'yan. Tulala nga ako parati." sabi ko sabay pasimpleng nagnakaw ng tingin kay inay. Ang kaninang nakakunot niyang noo ay mas lalong kumunot pa dahil sa sinabi ko. Tss, bahala ka na nga d'yan nay. Pakiramdam ko nga kasalanan n'ya pa kaya ako nagkakaganito ngayon eh. Siya ata ang nagbigay nung panyo kong ibibigay dapat kay itay kay Francisco. Hmmmp!

"Nga pala," simula ni inay sabay lapag ng mga kubyertos sa kanyang plato at nagpanas ng kanyang bibig. "Magbihis at magpaganda ka. Pupunta tayo sa bahay ng aking dating kaibigan sapagkat kaarawan ng kanyang anak na lalaki na akin ring inaanak. Nandoon din ang iyong papá kaya magmadali na kayo't naghihitay na siya." sabi niya atsaka tumayo. Parang nasa maayos ang pakiramdam n'ya ah. Ano kayang nakain nun?

Umakyat na ako sa kwarto at naligo agad at nagbihis kagaya ng sinabi ni inay. Dahil isang bonggang selebrasyon ang aming pupuntahan, pinili ko ang isang asul na filipiñana na ngayon ko pa lamang maisusuot. Regalo ito sa akin ni ina noong kaarawan ko at nagustuhan ko agad ito nang isinukat ko pa lamang. Sobrang ganda kasi ng tela atsaka sobrang lapad kapag naisuot kaya tuwang-tuwa talaga ako nang iregalo ito ni inay sa kaarawan ko.

Isinuot ko na ang asul na filipiñana at tinignan ang aking sarili sa salamin. Nakalugay pa ang aking paalon-alon na ginintuang buhok. Medyo naiinitan na nga ako eh dahil sa haba na ng inabot nito. Nasasayangan din naman akong putulan dahil ambagal ng pagtubo ng buhok ko kaya hinahayaan ko lang na ganito. Kung puputulan ko man ay sinisigurado kong sa pinakadulo lamang at yung pinakamanipis na bahagi lamang ng aking buhok ang matatanggal.

Hinayaan ko na lamang na nakalugay ang aking buhok at nilagyan ko na lamang ito ng mga palamuting bulaklak at konting dyamanteng pang-ipit. Mas maganda kasi kapag ganito sapagkat nababagay ito sa aking suot ngayon. Kaso pakiramdam ko'y mas maganda ito kung may katulong ako sa paghahanda eh. Ayaw ko kasi ng sariling katulong pagdating sa paghahanda at pagbibihis dahil nasanay na akong binibihisan ang sarili ko. Dahil d'yan ay pinakiusapan ko si papá kung pwede bang hindi na makisali ang aking katulong pagdating sa aking pagbibihis. Sa kabutihang palad ay pumayag naman siya. Basta ba daw eh dapat nagpapatulong ako sa ibang bagay para naman daw may gawain pa sila. Napatawa naman ako sa kondisyon ni papá pero napatango nalang ako.

The Half FilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon