Amelia
Hulyo 14, 1880"Amelia, anak! Saan ka ba nanggaling?" nag-aalalang tanong ni ina atsaka patakbong pumunta sa kinaroroonan ko. Nandito kami ngayon sa harap ng pinto ng mansyon ng mga Baldemores at kasama na ngayon ni ina si pápa. Nag-mano ako sa kanya at ngumiti naman siya ngunit kinulit ulit ako ni ina. Hays.
"Nagpahangin lamang po ako sa labas, ina, pápa, kasi naiinitan po ako sa loob. Pero wala po akong ginawang masama, pangako po!" sabi ko na medyo may pagpipilit pa sa boses. Hindi naman kombinsido si ina kaya kay ama na lamang ako bumaling. Baka mabuking pa na may nakasama akong lalaki sa madilim na kakahuyan ng Narra at nahawakan n'ya pa'ko. Jusko 'wag naman po sana!
At isa pa! Si Joaquin Baldemores pa iyong lalaki kanina! Iyong lalaking plinano ko sa isipan ko na gagawing nobyo para hindi na matuloy ang kasal namin ni Francisco! Juskong mahabagin, patawarin mo po ang aking kapusukan kanina.
Sayang at hindi ko siya nakita kasi madilim. Hmm, hindi n'ya rin siguro ako mamumukhaan no? Hay, sana nga.
"Hija, halika't ipapakilala kita sa aking mga amigo." sabi ni pápa kaya humawak ako sa kaliwa n'yang braso. Si inay naman sa kanan at magkahawak kamay naman na sumunod sa amin ang aking kambal na kapatid na sina Santino at Tobias.
Ambabait namang tignan hehe mana sa ate.
"Amigo!" sabi ni pápa at nakipagyakapan sa isang malaking lalaki na malaki rin ang bigote na nakasuot ng malaking sombrero. Magara ang pananamit at halatang negosyante base sa tindig at ayos. Kasama n'ya naman ang kanya sigurong asawa kasi nakadikit masyado sa kanya na parang aagawin siya ng kung sino mang kababaihan dito sa loob. Mabait at pormal naman siyang tignan base sa hitsura. Maganda pa kahit may edad na gaya ni ina. Siguro ay malambing lang talaga siya sa kanyang asawa at takot na maagawan hehe ang galing.
"Dahil kilala mo na ang aking asawa at ang aking kambal, ipapakilala ko naman sa iyo ang aking nag-iisang dalaga. Si Amelia." nakangiting pakilala ni pápa sa akin kaya parang nahiya ako kasi karamihan sa kanila ay nakatingin na sa akin kaya ngumiti na lamang ako at bahagyang yumuko.
"N-Nagagalak po akong makilala kayo." sabi ko. Tinapik naman ni pápa ang balikat ko at napahalakhak.
"Hahaha! Amigo paciente (pasensya na kaibigan), mahiyain kasi ang aking anak." nakangiting sabi ni pápa atsaka bumaling sa akin.
"Hija, sila sina Don Jose at Doña Franchesca Baldemores. Magmano ka." utos ni pápa kaya ginawa ko ang gusto n'ya. Lumapit ako sa dalawa at magiliw naman akong tinanggap ni Doña Franchesca atsaka Don Jose.
"Kay gandang dalaga ng iyong anak, amigo. Ang lakas ng iyong dugong espanyol!" puri ni Don Jose atsaka nakangiting tumango lamang si Doña Franchesca. Napatingin naman ako kay ina pero nakangiti lang naman siya nang malaki. Hehe, nahihiya na po ako, paalisin n'yo na po ako.
"Ah, oo nga pala? Nasaan na si Joaquin? Nakita n'yo na ba siya?" tanong ni Don Jose dahilan para pumintig nang malakas ang puso ko dahil sa kaba.
Jusko! Paano kung makita n'ya ako at isumbong n'ya ako kina ina at pápa?! Paano na'to?!
"Nandito na po siya, Don Jose." sabi ng isang lalaki na pakiwari ko'y ang naghanap kay Joaquin kanina kasi may dala siyang lampara.
Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Sumasakit na rin ang t'yan ko dahil sa kaba. Pakiramdam koy mauutot na talaga ako o matatae pag nagpatuloy ang kabang 'to.
BINABASA MO ANG
The Half Filipina
Fiksi SejarahIsang babaeng dugong pilipina pero... Mestiza. May dugong espanyola pero... Pilipina.