"Okay, class dismissed!"
Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko nang marinig ang school bell. Yes! Recess na talaga.
"Hoy, Rosalinda dali na bilis! Makikipagtulakan na naman tayo ngayon sa canteen!"
Nagmadali naman akong ligpitin ang notebook ko dahil sa sigaw ng pinakabungangerang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.
"Piste ka! Sinabing 'wag mo akong tawagin sa pangalang 'yan Jinnie, ha! Ang bantot masyado."
Binatukan ko nga siya. Nakakainis! Alam na ngang pang-matanda 'yong pangalan ko eh. Nakakahiya.
"Hahahaha! Kasalanan ko ba kung 'yan ang pangalan mo? Duh. Takbo na tayo! Dadami na 'yong tao!"
Hinila niya ako papuntang canteen kaya 'di na ako nakaangal pa.
"Takbo lang Jinnie, WALANG TAYO."
Nakairap kong sabi sa kaniya habang pumipila na kami sa canteen. Natawa naman siya sa sinabi ko at tinanong kung sa'n ko napulot iyon."Wala. Nabasa ko sa my day 'nong ewan sino 'yon." Sagot ko habang naglalakad na kami pabalik ng room.
*
"Rosa, uuwi ka na?"
Tanong sa'kin ni Trisha, classmate ko, noong nagliligpit ako ng gamit para umuwi. Magkaibigan kami pero hindi kami close talaga. Nagsasabay lang kaming umuwi minsan kasi nadadaanan iyong bahay nila papunta sa'min."Yup. Sasabay ka sa'min?"
Tumango naman siya at hinintay ako sa labas ng room. Si Jinnie talaga 'yong best friend kong maituturing. Siya yung pinaka-close ko sa room, I mean pinaka-close kong babae sa room."Tara mga chicken." Sabi ko pagkalabas ng room. Nakita ko silang naglalaro na naman noong nagsasabi ng Winner Winner Chicken Dinner pagnananalo. Nakalimutan
ko ang tawag.Nagsitayuan naman sila nang marinig ako pero hindi pa rin talaga naaalis 'yong tingin nila sa mga cellphone nila.
"Hoy mga gago may tae!" Agad naman silang napahinto sa paglalakad at hinanap ang sinasabi ko. Tawang-tawa ako sa reaksiyon nila. Ang sasama ng mga tingin. Ayaw talagang iniistorbo kapag naglalaro. Hay. Mga lalaki talaga. Pero sanay na ako sa kanila.
Ganito ako araw-araw. Best friend ko si Jinnie pero mas marami akong close sa mga kaklase kong lalaki. Halos lahat nga. Saba-sabay kaming lumalabas ng school kapag uwian pero naghihiwalay din kasi pupunta pa sila ng computer shop. Alam niyo na, mga adik.
Mahilig ako sa lalaki. Pero hindi ako malandi ha! Gusto ko yung mga trip nila. Tapos hindi sila nang-babackstab tulad ng ibang babae. Tsaka wala ring plastikan, puro lang asaran. Hindi rin ako tibo. Sadyang mas gusto ko lang silang kasama.
Last school year may naging best friend akong lalaki. Nasa point kami ng pagkakaibigan na sobrang lapit namin. Halos kami na 'yong magkasama at magkatabi lagi. Hindi rin natatapos ang araw nang hindi kami nagmumurahan. Parang kapatid na ang tingin ko sa kanya. Kaso nakarating din kami sa point na kailangan namin iwasan ang isa't isa kasi napagkakamalan na kaming may relasyon.
Actually, siya lang naman 'yong may gustong mag iwasan kami. Ayoko ng gano'n kasi alam ko na may ibang paraan pa pero nirespeto ko na lang 'yong gusto niya kahit mahirap. Napakaimportante niya kasi sa'kin. Oo. Totoong gusto ko siya pero hindi iyon ang rason ko kung bakit ako nasasaktan, well partly, pero hindi talaga iyon ang big deal. I can always set aside my feelings for him para sa friendship namin. 'Yong pinagsamahan namin ang nakakapanghinayang.
Nawasak kami. Hindi na siya namamansin, hindi na rin nagpaparamdam man lang kahit sa chat. Ang pampalubag-loob ko lang ata ay ang hindi niya pag-block sa'kin. Ginawa niya na kasi yun sa dati niya ring kaibigan.
BINABASA MO ANG
Glimpse Of Their Stories
Short StoryThis is a compilation of random one shot stories.