Envelope

2 0 0
                                    


"Una na kayo bro. Pupunta pa akong Pharmacy. May pinapabili si Nanay."

"Sige, boy. Bukas na lang."

Pagkatapos kong magpaalam sa barkada, pinara ko ang paparating na traysikel at nagpahatid sa Pharmacy. Nagpapabili si Nanay ng maintenance niyang gamot.

Pupunta sana kami ng barkada sa Municipal Gymn ng lugar namin, manonood ng basketball kaso walang ibang mautusang bumili.

"Salamat, manong." Sabi ko sa driver at binigay ang bayad nang makarating sa Pharmacy.

Nagmadali akong bumili dahil sabi ni Nanay kailangan niya ang gamot ngayong alas-singko ng hapon at 4:37 na.

Mabilis akong nakabili at habang palabas ay may nakabanggaan akong babae. Nagmamadali ako kaya medyo malakas ang impact at napaupo siya.

Shit!

"Miss okay ka lang? Sorry. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na talaga."

Tinulungan ko siyang makatayo at pinulot ko ang mga libro niya na nagkalat sa semento.

Nabigla ako nang bigla niyang hinablot ang mga napulot ko at kumaripas ng takbo. Sinundan ko na lamang siya ng tingin at napailing. Hindi man lang nagpasalamat.

Hahakbang na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang kulay asul na envelope.

Naglaban ang isip ko kung dapat ko ba itong pulutin o iwan na lamang kasi hindi 'yon sa'kin. Pero hindi ko alam kung bakit mas pinili kong ipasok iyon sa bag ko at iuwi.

Nang makarating sa bahay, dumeretso ako sa kwarto matapos ibigay kay Nanay ang mga gamot.

Kinuha ko ang envelope at humiga sa kama.

Paniguradong pagmamay-ari 'to nung babae. Pa'no ko ibabalik sa kanya ito? Ni mukha niya di ko nakita. Natatakpan kasi ang mukha niya ng itim at mahaba niyang buhok tapos nakayuko pa siya nang tulungan ko siyang tumayo. Nagtatakbo rin siya agad at hindi na humarap.

Ang alam ko lang, nakasuot siya ng pulang long sleeves na checkered at pants na itim. Itim din ang backpack niya at maraming librong dala. At ang pabango niya, Lavender. Paboritong amoy ni Nanay.

Dark blue ang kulay ng envelope at may nakalagay na itim na lace na binuhol sa harap upang siguro ay hindi ito mabuksan. Plain lang ito. Walang kahit anong disenyo maliban sa nabuong ribbon galing sa lace.

Love letter ata 'to.

Dinala ko ang envelope sa ilong ko at nilanghap ang pamilyar na amoy. Amoy Lavender. Kumpirmadong sa kanya ito.

Hay. Ano bang gagawin ko dito? Itapon ko kaya? Pero sayang naman kasi 'yung effort niya para gawin ito. Baka kasi love letter talaga ito. Mabango eh.

Kaso paano ko nga ito ibabalik sa kanya? Wala akong clue kung sino siya. Kung basahin ko kaya? Hindi rin makatarungan kasi hindi naman para sakin 'to.

Napabuntong hininga na lang ako at tinago ang envelope sa bag. Hahayaan ko na lang na mabulok 'yun. Bahala na.


"Maiko boy, covered court na tayo. Ayokong maparusahan ulit."

Natawa kami ng mga kabarkada ko sa sinabi ni Joshua pero mabilis ding tumungo sa gymn.

Lima kaming magkakaibigan at lahat ay varsity sa basketball. Masyadong mahigpit ang coach namin. Ayaw na ayaw niya ng late kahit isang segundo lang. Matindi siya kung magparusa kaya takot kaming ma-late.

May sports fest na gaganapin next week kaya puspusan ang practice ng mga players dahil kalaban namin ang ibang schools.

Kinalabit ko ang katabi kong naglalakad.

Glimpse Of Their StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon