Why Are You Crying?

3 0 0
                                    

Humahagulhol na naman siya ng iyak habang nakasalampak ang earphones at nakatuon ang pansin sa cellphone.

Ilang beses ko na siyang nakikitang nagkakaganyan pero hindi ko siya matanong o malapitan man lang. Ilag siya sa ibang tao sa hindi ko malamang dahilan.

I've always wanted to offer her friendship but I couldn't. She's turning down everyone. Saksi ako sa mga taong umalis na disappointed dahil sa pagtanggi niya.

She is my classmate for 2 years now. She transferred from Manila. Kaya siguro ayaw niyang makipagkaibigan sa kahit kanino dahil hindi siya sanay sa mga tao dito sa probinsiya.

Ang alam ko lang sa kanya ay ang buong pangalan niya at ang pagkahilig niya sa paggamit ng cellphone. She's pretty kaya maraming gustong makipagkaibigan sa kanya lalo na lalaki.

Nagtataka na rin ang mga kaklase ko sa kanya. Bigla na lang kasi siyang iiyak sa sulok. Halos araw-araw siyang ganito simula noong nakaraang buwan.

Ano kayang problema niya? Nag-aaway ba sila ng boyfriend niya? Bakit parang araw-araw naman ata? At ang alam ko wala siyang boyfriend kasi nga wala siyang kinakausap dito. O baka nasa Manila?

"Rose, umiiyak na naman siya." Sabi ng kaibigan ko na nakatingin din sa kanya.

"Gusto ko siyang tanungin kaso alam kong hindi niya ako papansinin." Sagot ko.

Hinayaan na lang namin siya hanggang sa dumating na ang teacher. Namamaga ang mata niya lagi ngunit hindi na ito napapansin ng mga guro kasi nasa pinakasulok siya nakaupo. Kadalasan din siyang tulog sa klase.

Weird. That's how I am going to describe her. She's distant and mysteriously weird. I am somehow interested.

Ilang linggo pa ang lumipas at nanatili siyang ganoon. Minsan nakikita ko pa siyang umiiyak habang naglalakad sa field o di kaya ay sa hallway. Halos lahat ng nakakakilala sa kanya ay natatakot o nawiwirduhan.

Minsan na ring sumagi sa isip ko na baka naman sinasaktan siya sa kanila o di kaya may malaking problema ang pamilya niya.

"Ma'am masayahin po ang anak ko kahit hindi siya palakaibigan. Hindi ko pa po siya nakikitang umiyak. Sinasabi niya rin po kung may problema siya."

Sabi ng Ina niya sa adviser namin. Hindi na nakatiis ang mga kaklase ko kaya't sinabi na nila sa guro namin ang kalagayan niya. Our adviser observed her for 3 days at nasaksihan niya ngang palagi itong umiiyak habang nakatingin sa kanyang telepono kaya pinatawag niya agad ang Ina nito para ipaalam ang sitwasyon niya.

She and her mother insisted that nothing's going on. Iginiit niya na wala lang daw iyon, na ayos lang siya. Akala namin pagkatapos silang makausap ng guro ay hindi na namin siya makikitang umiiyak pero nagkamali kami. She remained crying at ang pinagkaiba lang nito ay minsan na lamang sa isang linggo. But I know she is still crying everynight. Her swelling eyes say it all.

"Mari, hindi ko na matiis. Kakausapin ko siya." Sabi ko sa kaibigan ko.

"Pero hindi ka niyan papansinin." Nag-aalalang sagot niya pero determinado na akong tanungin siya kung bakit siya umiiyak. Hindi ko na talaga matiis. Baka kasi matulungan ko siya kung may problema siya o kaya naman baka kailangan niya lang ng mapagsasabihan.

"Bahala na."

Tumayo ako at walang pag-aalinlangang lumapit sa kinaroroonan niya. Kung hindi niya ako papansinin ay kukulitin ko siya. This day won't end without me knowing what's going on with her. Halos hindi na ako nakakatulog sa gabi dahil sa kakaisip sa kanya.

"Why are you crying?"

Lakas na loob kong tanong sa kanya nang makarating ako sa kanyang harapan. Nabigla ako ng mas lalong lumakas ang iyak niya. Shit did I say something wrong?

"H-hey may nasabi ba akong mali? I'm sorry I just wanted to know why you are crying."
Hindi magkaugaga kong sabi. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya o lalayuan na lang. God!

Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesa at nagpatuloy sa paghagulgol. Lumuhod ako sa harap niya at hinahagod ang kanyang likod. I don't know what to do!

"Cassy, why are you crying? You can tell me, you know. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Promise."

I am trying my best to comfort her but she is not calming down. Iyak pa rin siya ng iyak.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko upang humingi ng tulong kaso pati sila ata hindi alam ang gagawin base sa mga mukha nila.

"W-why are you crying?"

For the third time, I asked.
Nabigla ako ng tumahimik siya at nagsalita.

"You won't understand me if I tell you."

Ano ba talagang dahilan para isipin niyang hindi ko siya maiintindihan? Is it that complicated or hard to believe?

"I will understand whatever your reason is, Cassy. Sige na, sabihin mo na sa'kin. Maiintindihan ko kahit ano pa 'yan."

"No. Pagtatawanan mo lang ako." She insisted. God, she is hard-headed.

"Hindi, Cassy. Promise." I patiently said. Humihikbi pa rin siya.

"A-ang sakit lang kasi." Sabi niya at muling humagulhol.

"Bakit? Ano bang nangyari sa'yo? Hiniwalayan ka ba ng boyfriend mo?"
Iling lang ang sinagot niya sa akin.

"Hmm? Why are you crying, then?"

Binalot kami ng katahimikan matapos kong magtanong. Nangangalay na ang mga paa ko sa posisyon ko ngayon pati na ang kamay kong humahagod sa likod niya pero hindi ako hihinto. She already talked to me. Alam kong sasabihin niya rin ang problema niya. Kailangan ko lang maghintay.

"S-si Taehyung kasi." She said, breaking the silence.

Huh? Anong sabi niya?

"Hmm? Bakit, anong ginawa ni Ti--?" I asked. Hindi ko masyadong narinig yung pangalan na sinabi niya kaya hindi ko naipagpatuloy ang tanong.

"Taehyung. A-ang sakit lang kasing isipin na hindi ko siya maabot. H-hindi niya ako kailan man makikilala. H-hanggang sa cellphone ko lang siya makikita."

Mas lumakas pa iyong pag-iyak niya at wala akong nagawa kundi hagurin ang likod niya at kumbinsihin siyang magiging maayos din ang lahat.

"Tahan na, Cassy. Magiging maayos din ang lahat."

Naguguluhan talaga ako. Sino ba 'yong tinutukoy niya? Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon.

Sino ka ba Taehyung at parang napakahalaga mo para iyakan niya?

-

Glimpse Of Their StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon