ONE

0 0 0
                                    

"Mandy naman! I already told you many times! Walang multo!" Kung bibilangin ko kung ilang ulit nya na tong sinabi sa akin sigurado akong maiinis ka, kaya hindi ko na binilang.

"Reese, hindi sya multo. May dala syang arrow" Paliwanag ko sa kanya at dinetalye ang nakita. Kase totoo, nakita ko. Katangkaran sya at nakaputing tshirt. May hawak pa nga syang arrow eh. As in, literally. I know for sure that It's not hallucinations. Kitang-kita ko.

Habang nasa kwarto ako, nilibot ko muna ang buong kwarto at nahiga sa kama. Punong-puno ng kulay asul ang kwarto ko at isang itim na kurtina. Habang nakapikit ako, may naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya napaupo ako bigla.

Nakita ko ang isang lalaking kulot na kulot at puting-puting ang kutis. Nakaputing tshirt at may hawak na itim na bilugang sumbrero.

"Minumulto mo ba ako?" Tanong ko sa kanya ng nakapikit.

"No." Dumilat ako. "And I'm not a ghost. I'm Cupid" Sagot nya at tumayo.

"So, bakit ka nandito? At bakit ka Inglesero?" Taka kong tanong sa kanya. Makurba ang labi nya at ang tangos-tangis ng ilong nya.

"Business" Sagot nya.

"Negosyante ka?"

He rolled his eyes. "No. You're my business here. Get up and stop staring" Saad nito at sinuot ang sumbrerong itim.

----
Dinala nya ako sa isang park. Meron isang babae at lalake na magkabi sa duyan. Nagdadate ata.

"Bakit di mo na lang sinabi na gusto mo pala akong makadate?" Sabi ko sa kanya na nagpahinto sa lakad nya. He rolled again his eyes.

"No, we are not dating. We are here because that girl will need your help" huminto sya at tinignan ang relo nya " in 20 minutes from now on" Turo nya sa babaeng kasama ng lalake na nakaupo sa duyan.

"Bakit? Maghihiwalay ba sila ngayon" tanong ko naman sa kanya dahil sa pagtataka.

"No. But the boy beside her will die and she needs your comfort" Tapos tumayo sya. "Time's up! I'll get going." Tapos tumalikod at humarap ulit "And please, do comfort her" Sinuot nya ulit ang bilugan nyang sumbrero pero nag-iba ang kulay nito, naging puti.

------------------------------

Umalis si Cupid para sundan ang lalake, ako at ang babae nalang ang natira sa park. Matagal-tagal ko na ring sinubaybayan ang babae ng bigla syang tumayo at mabilis na naglakad. Sinundan ko sya at nakita ko syang lumapit sa nagkakagulong tao.

Tama si Cupid, mamamatay nga ang lalake.

Biglang nagkagulo sa gitna ng kalsada. Nagsiingay ang mga sasakyan at biglang dumating ang ambulansya. Nilapitan ko ang babae at pinigilan.

"No, babe! Wake up! Wake up!" Nakaupo na sya sa kalsada at walang pakialam sa mga taong nakapalibot sa kanya. "Magpapakasal pa tayo e! Bakit ganun?" I tapped her shoulder but she didn't recognize that I'm beside her. Nakaalis na ang ambulasya pero umiiyak pa rin sya. Inakay ko sya patayo para tumabi sa kalsada. Umiiyak pa rin sya. Ilang oras kong hinintay si Cupid na magpakita pero wala pa rin akong nakita ni'anino nya.

Nangtumahan na ang babae ay meron syang tinawagan sa kanayng cellphone at nagpasundo kung saan kami nakaupo. Umiiyak pa rin sya at parang hindi nya pa rin ako napapansin which is so wierd dahil ako naman ang nagbibigay sa kanya ng tissue.

Nang biglang dumating ang sasakyan sa harap namin biglang tumayo ang babae at umalis na lang bigla. Napakamot ako sa ulo, nakita nya kaya ako?

"Kawawa naman" bulong ko.

"It's their fate. Maybe in their next lifetime, they will end up together" Nagulat ako sa bigla nyang pagsulpot. "Let's go home" Naglakad sya ngunit hindi pa rin ako gumagalaw kaya huminto sya at liningon ako. "Why?" Taka nyang tanong.

Napatitig ako sa bilugan nyang sumbrero na kulay itim na ulit tapos balik sa kanya.

"Taga sundo ka ba, Cupid?" Gulat kong tanong. "Sinusundo mo na ba ako?" Sunod kong tanong na nagpabalik sa kanya ng lakad patungo sa 'kin.

"No. I'm not a grim reaper, I'm Cupid" Lumapit pa sya sa akin na dahilan ng pagkatalisod ko at pagkatumba. "I'm Cupid, the god of love. And I can't help you if you're clumsy as like that" Imbis na tulungan nya akong tumayo. Sinabayan na nalang akong umupo sa damuhan. "This would be nicer" At biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin.

My Magical World With CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon