Dahil sa sobrang bored ko, naisipan ko nalang magdrive patungo sa mall. Gusto kong magbasa ngayon. Jennifer Niven's book will do.
Nag-ikot ikot ako sa bookstore at nakita ko si James. Mahilig kase syang magbasa, maybe he is also bored like me.
"Hi. Are you with someone?" Tanong ko sa kanya na nagpahinto sa ginagawa nyang pagbabasa.
He smiled, tapos binaba nya ang binabasa nyang libro at tumayo.
"Mandy? Sure. Nice to see you again" Tapos tinuro nya yung upuan na katapat nya. Umupo ako. Umupo na rin sya at pinakita ang librong binabasa nya. "Nabore ako kaya, pumunta ako dito." I nodded.
"I see. Na bore rin ako sa bahay e." Bulong ko dahil kami na ang pinagtitinginan dito sa bookstore. Ngumise sya.
Ang panirang Cupid bigla–bigla nalang sumulpot sa tabi ko. I rolled my eyes.
"Why? May problema ba?" Bulong ulit ni James.
"Uhm—may naisip lang ako. It's kinda embarassing" Nag peace sign ako sa kanya at tumango naman sya.
"Stop flirting, Mandy." Tinabonan ko ng libro ang mukha ko para matitigan si Cupid. But he is still wearing his handsome face kaya natalo nya ko.
"Mandy" Takang tawag sa akin ni James. Sa gulat ko kaya nahulog ang librong binabasa ko at nakalikha ng ingay. "What are you doing?" Sabay tayo nya at lumapit sa kinaupuan ko para pulutin ang librong nahulog.
Ang dami ng sinasabi sa kin ni James na hindi ko marinig dahil nagsasalita rin si Cupid ng sobrang lakas. Hindi na nahiya. Pasalamat sya ako lang ang nakakarinig kundi, pinatapon na sana sya sa labas.
"By the way, free ka ba bukas?" Tanong nya na rinig na rinig ko, walang halong filter. HD. Sasagot na sana ako ng Oo ng biglang hinulog ni Cupid lahat ng libro ni James sa mesa. Napatayo naman si James at napakamot ng ulo. Tumitig ulit sya sa akin. "Bakit nahulog?" Tanong nya, napa ewan nalang ako at sumulyap kay Cupid. "So, free ka ba bukas?"
Sumulyap ako kay Cupid at handa nya na sanang itumba ang upuan ni James kaya tumayo nalang ako at sinabing hindi ako pwede dahil busy ako.
Like what's your problem Cupid?
Lumabas ako ng bookstore ng galit habang si Cupid ay sumusnld lang sa akin.
Hinarap ko sya.
"Alam mo bang niyaya nya ako ng date ar alam mo bang crush na crush ko sya mula noon pa?" Galit na galit kong singhal sa kanya ng makitang walang tao.
"I know. That's why you're not allowed to go out with him."
-------
Para akong tang sa kakaisip kung bakit yun nasabi ni Cupid. Hindi nya man lang ako pinareact, bigla nalang syang nawala.Ang labo.
Crush ko pa naman si James. Habang naglalakad ako sa mall, bigla kong nakita si Cupid katabi ng isang magandang babae na naka kulay mustard na dress.
Nakikita nya rin kaya si Cupid? Nag-uusap ba sila? Nang biglang tumayo ang babae ay nagtago ako sa isang mesa. Tumayo naman si Cupid at sinundan yung babae. Girlfriend nya ba yon?
Habang nakaupo ano sa mesa at sinusubaybayan ang mangyayari kay Cupid at nung magandang babae, bigla na lang may lumapit sa akin kaya nawala sa paningin ko ang dalawa.
"Hi miss, how can I help you?" Napatingin ako sa babaeng waiter na nakasuot ng robang kulay puti. I smiled. She smiled back. Nang sulyapan ko ulit ang kinaroroonan ni Cupid kanina ay na roon na ulit sya.
"Shake, miss" Sabi ko at nagfocuse sa kay Cupid na nakaupo at binabantayan yung magandang babae. Tumikhim yung babae. "Shake lang po talaga, apple po yung flavor. Thank you" Ngiting-ngiti kong sabi sa kanya.
Medyo natawa naman ang babae kaya nagtaka ako.
"Miss, dentists po ako" Sagot nya na pigil na pigil ang tawa. At tinuro ang loob ng tinaguan kong mesa. Nakita ako ang isang picture ng ngipin. Nakakahiya. Kaya lumabas ako sa tinaguan ko at nagsorry sa kanya.
"Sorry po, natatae po ako kani-kanina lang,. Alis na po ako" Tumalikod agad ako dahil sa kahihiyan. Nakakaloka talaga ngayon, sana hindi na lang ako lumabas ng bahay e.
Sinigurado ko na na ang sunod kong tinaguan ay hindi na clinic. Lumipas ang dalawampung minuto ay bigla nalang tumayo ang babae at meron akong nakita na lalake na may nakapalibot sa kanyang pula na strings. Sinundan ko ang lalake at papalapit sya sa babae, pero biglang natumba ang babae at ang lalake ang nakasalo sa kanya.
Bigla silang nagliwanag dalawa. Takang-taka ako sa nangyari kung bakit sila nagliwanag nang biglang tumayo si Cupid at sinuot ang kanyang kulay itim na sumbrero na biglang naging kulay pula.
"Hey, why are you following me?" Biglang sumulpot si Cupid sa tabi ko at napabalik ako ng tingin sa dati nyang pwesto. Ang daya.
"Hindi a. Napadaan lang" Deny ko. "Tsaka, anong nangyari sa kanila?" Kumunit yung noo nya. "Bakit sila nagliwanag at bakit biglang naging pula yung sumbrero mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil hindi pa rin nya ko sinasagot.
"Dahil nakatakda sila" Sabi nya na nagpahinto sa paglalakad ko dahil napakaseryoso nang tingin nya sa akin kasama ng malulungkot nyang mga mata. "You remind me of someone Mandy, from my past." Tapos bigla nalang ulit syang nawala.
BINABASA MO ANG
My Magical World With Cupid
Fantasy"You can't make me stay" He said. "Cupid!" Tawag ko ulit sa kanya. Huminto sya at humarap ulit sa 'kin. "No." Lumapit ako sa kanya. Alam kong magagalit na talaga sya sa 'kin dahil matagal ko na syang kinukulit. "Mandy, We can't do this okay? Hindi m...