TWO

0 0 0
                                        

Napaisip ako sa nangyari kanina lang. Angel ba sya?

"I'm not an Angel, Mandy." Sagot naman nya ng nakapikit.

Napatayo ako bigla na syang nagpamulat naman sa mga mata nya.

"Nakakabasa ka ng isip?" Gulat kong tanong.

"No. Sinabi mo yun kanina, mahina nga lang"

Napatakip ako ng bibig.

"Nagtatagalog ka?" He rolled his eyes like I just said a very lame question. "By the way, diba sabi mo mamamatay yung lalake kanina? Bat hindi mo sya niligtas?"

He looked at me and nodded.
"It's his fate. Nakatagda sa iba ang babae. Maybe in their next lifetime, magiging sila talaga." Nakakalungkot pala. Tumayo sya bigla. "Let's go."

Hindi ko alam kung ano yung dinaanan namin ni Cupid dahil bigla ko nalang narating ang kwarto ko na hindi dumadaan ng gate. At bigla syang sumpot sa likod ko. "Goodnight Mandy" Tapos bigla na lang syang nawala.

"Good night, Cupid" I whispered. And I close ny eyes to sleep.

Nagising ako sa isang wierd na panaginip. Nakarating raw ako sa isang park at kasama si Cupid. Like, imposible ba yun?

Pagkalabas ko sa kwarto, nakita ko agad si mama na nagbabasa ng radyo. Maaga na namang umalis si papa para sa trabaho.

Weird. Ang sakit ng paa ko. Hindi nga ako naglalakad ng malayo e.

"I exist Mandy"
"Umalis ka ba kagabi, Mads?"

Sabay nilang sabi sa akin na sobrang ikinagulat ko dahil sa biglang pagsulpot ni Cupid. Wait, nananaginip pa rin ba ko?

"You're not dreaming." Tapos lumapit sya sa mesa at umupo. Sinundan ko sya ng tingin at tinapik ako ni mama.

"Kanina pa ko nagsasalita, Mads. Ano bang nangyayari sayo?" Tinitigan nya ako ng mabuti at sumulyap kung saan umupo si Cupid. "Sinong tinititigan mo dyan?" Nguso nya sa banda ni Cupid.

I looked at Cupid with curiousity in my eyes. He just shrugged.

"Wala po ma, may naalala lang" Tinitigan nya pa ako ako ng saglit at tumango tapos tumalikod. "Umayos ka, Mads ha!" At nagpatuloy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Bakit hindi ka nila nakikita?" Taka kong tanong sa kanya.

"It's fate, Mandy. We are destined to meet." Bigla na lang ulit syang nawala sa paningin ko.

My Magical World With CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon