Umuwi ako ng bahay ng lutang dahil sa sinabi sa akin ni Cupid. Hindi nya man lang ginamit yung powers nya para makauwi ako agad ng walang kahirap-hirap. Napagastos pa ako ng gasolina at natrafic pa. Kung pinasabay sana ako ni Cupid sana nasa kwarto na ako ngayon.
"Mandy!" Tawag sa akin ni ate. "Kuhanan mo nga ako ng picture, magpapalit ako ng profile picture" I rolled my eyes. Pang-apat nya na kaya tong palit ng Profile picture ngayong buwan. "Sige na, please" Wala akong nagawa kundi ang sunid sa kanya. Sana tumae nalang ako sa clinic e. Kainis.
"Kadiri ka Mandy." Biglang sulpot ni Cupid sa kin. Na sobrang ikinagulat ko na ang kinalabasan ay ang pagka-blurry ng kuha ko at ang pagmamaktol naman ni ate. Akala nya kagandahan sya.
Ilang shots pa yung ginawa ko para makontento yung kaluluwa nya at dahil na rin sa ingay ni Cupid.
"Bakit ka ba sulpot ng sulpot?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad ako patungo sa kwarto.
"I'm guarding you" sagot nya at nauna na sa paglalakad.
"Dati ka bang guard?" Tumango sya. "Totoo? Saan? Dito ba sa loob ng subdivision?" Patuloy kong tanong sa kanya.
"No. And what are you talking about?"
Tumalikod sya at pumasok sa kwarto ko na hindi man lang binubuksan ang pintuan. Akala ko bubuksan nya ako sa labas pero hindi nya gianawa, kaya kinatok ko sya.
"Ano ba! Buksan mo nga to!" Napalakas yata yung sigaw at katok ko dahil bigla namang umeksema naman yung ate ko na pala selfie.
"Hoy Mandy! Anong kinakatok mo dyan? Kwarto mo yan!" Sigaw nyang pabalik sa kin.
"Wala! Sinisigurado ko lang!" Tapos binuksan ko agad yung pintuan ko kaya lang nakatukod pala ang kamay nya sa pintuan kaya bigla kong nahawakan.
Hindi ko alam pero bigla syang napaiktad sa nangyari, na para syang napaso.
Nataranta ako pero ng lapitan ko sya pinigilan nya akong lumapit.
"Don't" Hawak-hawak nya ang kanyang dibdib na parang hindi makahinga. "Just please, don't touch me"
Hindi na ako humakbang pa at tinitigan lang sya sa mata. "I can injure the pain, just stay there. Don't leave me. I don't want to risk it again, I dont want to lose you again."
Hindi ko alam ang nangyari pagkatapos ng mga salita na yun galing sa kanya dahil bigla na lang akong nahilo at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
My Magical World With Cupid
Fantasy"You can't make me stay" He said. "Cupid!" Tawag ko ulit sa kanya. Huminto sya at humarap ulit sa 'kin. "No." Lumapit ako sa kanya. Alam kong magagalit na talaga sya sa 'kin dahil matagal ko na syang kinukulit. "Mandy, We can't do this okay? Hindi m...