Chapter 10- Ms. Cutie

20 3 0
                                    

Salamat sa mga nagbabasa pa, sa nag vote, nag comment sana madagdagan pa yung mga nagbabasa.





-Catharina
Catrina
Mark
Mharky



Twins Love.



Ms.Cutie



CATHARINA'S POV



Nakakaloko talaga minsan yung review ka ng review kahit wala namang i re-review. Dati pa sa akin sinasabi ni ate na mag review daw kapag may test... Kahit inventory test lang naman, masyado kasi siyang grade conscious. Lalo pa akong naloloka kapag pumapasok sa isipan ko yung mukha ng tamawo iyon. Yung mukha niya kasi nakangisi pa kaya nag mukha tuloy siyang naulol na Dalmatian.



Kagabi lang eh nagre-review kami ni ate tapos ngayon ay nag i-inventory test na kami. Wala man siya duon sa ni-review namin ay alam na alam naman namin ito. Math ang subject namin ngayon kaya obviously math din ang tine-test namin, Halatang hirap ang mga ka-classmate namin dahil lahat sila ay nakakunot ang noo, yung iba naman ay pinagpapawisan sa noo. 'Di ako masyado nahirapan kasi noon sa dating school namin ay pinapatayo isa-isa tapos alphabetical order kaming tinatawag para sa graded recitation tapos ay kadalasan ay minamalas ako dahil kapag pa baliktad yung pagtawag sa apelido natural unang una kami ni ate ko lagi kaming huli sa listahan eh.



"Pass your answer sheet forward" agad namang nag atungalan ang mga ka classmate namin buti na lamang ay tapos na ako.



"Ahhhh... "



"Ang hirap naman kasi iihh... "



"Naloloka na ako!"



"Ang daming pasikot sikot kasi ng math !"





Napatingin ako sa gawi ng ate ko kaya naman ay nakita ko na hindi niya pa ipinapasa yung papel niya



"Pass your answer shit forward" nakangising bulong ko sa kanya.



"Loko ka talaga"



                              ~***~

Canteen.





Okay. Kasalukuyan akong nakaupo habang pinaglalaruan ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Ni hindi ko na ito magalaw eh.... Parang, wala akong gana....





"Woii, wag ka nga tumunganga dyan, lalamig yang pagkain mo baka malipasan ka ng gutom " pagpapaalala sa akin ng ate ko, kahit may pagkataray yan susundan ka naman ng pag aalala niya.





"Ahm... Kasi ate wala pa akong ganang kumain ngayon eh."





"At bakit naman?" Gusto kong sabihin kay ate na tulog pa yung bulate ko Sa tiyan kaya wala akong ganang kumain---eh ang kaso baka madiri naman si ate sa kinakain niya tas ihampas pa sa mukha ko yung kinakain niya, No...... That's a big big no for me... Baka mabawasan yung kagandahan ko BWAHAHAHAHA "Ah tignan mo siya nangiti mag isa!" Napatigil ako Sa pag iimagine nang naramdaman ko na nakangiti nga ako , FYI porket di ko naramdaman na nangiti ako ay manhid na ko..... At lalong lalo na maging baliw HA! Ang ganda ko naman yatang baliw pag nagkataon





Twins LoveWhere stories live. Discover now