Chapter 23- Last Minute

4 0 0
                                    

Catrina's POV (The ti-tibo tibo gurl)



Natapos ang umaga at naging enjoy naman to. Kahit may kaunting ka weirdohan... masaya, pilitin nating maging masaya para mahawa sila. Ngayon naman ay kasalukuyan kaming naghahanap ng mga Dress sinabi nang ayaw ko  nang mga dress eh! pero eto pinilit pa din nila ako wala akong magawa. Jsq naman day! Puting puti naman yung pinili nila sa ken... long sleeve siya tapos manipis lang yung tela sa sleeve na may design na flowers tapos above the knee nga eon. Sinukat ko siya ngayon at tinitignan yung sarili ko sa salamin... di naman siya ganon kahalay pero ndi ako sanay sayang lang to isang beses ko lang magagamit tapos ipapamigay na agad sa iba.


Lumabas ako ng Fitting Room at sinalubong sina mama at papa na kasama ang sales lady'ng todo ang ngiti akala mo naman talaga totoo yung ngiti niya pero deep inside nakikipag plastikan lang yan sa mga customer nila. Dyan naman sila magaling ehh.... mang-akit sa imbentong salita.


"Oh dear... you look so gorgeous! " nilapitan ako ni mama at inayos yung buhok ko sa likod si papa naman nag like sign lang siya sakin . Tapos lumabas naman sa Fitting room si Catharina suot ang peach off shoulder dress.. Fit sa kaniya kaya bumagay sa kaniya.



"Ate! bagay sayo! Ang ganda mo!" Napa irap na naman ako sa ere. Ayokong maging assumera pero alam kong matagal na kong maganda. May pagka boyish nga lang.



"Sayo den."Humalakhak siya sa harapan ko na akala mong ikinaganda niya. Parang luneta park ang lawak ng bunganga niya sa pag tawa niyang yun.




"Of course ate! Ako ang pumili... kaya dapat talagang bumagay saken to no! Ayiiee! Ganda ganda ng ate ko!" Sinudot sundot niya yung tagiliran ko umiwas ako sa kaniya para di niya ako mahagip. Masyadong makati sa katawan tong dress kaya bumalik ako sa Fitting room at hinubad na to. Btw, kanina pa palang umaga binigay ni Mharky kay papa yung invitation card para makapasok sa venue.


 "Psst ! tama na nga yan! mamili pa tayo !" Sinundan naming dalawa ni Ctharina sila mama. Ang sweet nila... sarap ingudngod sa asin... para mabawas bawasan naman yung kasweetan nila.



bili rito...bili duon... punta dito.. puntaduon... kain dito kain duon.



yan lang naman ang ginawa namin sa mall buong mag hapon... Nakakangalay kasi lakad ng lakad onteng pahinga lakad na naman. HAY NAKO! walang katapusan lakaran.



Naka uwi kami sa bahay mga bandang 8pm na medyo na traffic kami kanina eh. Tapos ang tagal tagal pa nilang mamamili nang mga damit nila. Tsaka kung ano yung hindi kailangan ay siya yung binibili. Tss


agad akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis pangtulog. Humiga din naman ako kalaunan... ipinatong ko yung braso ko sa mata ko para matakpan yung aninag na silaw mula sa lamp shade . Ramdam ko naman ang presensya nang pag pasok ni Catharina hanggang pagupo niya sa kama niya... ang dami niyang ibinubulong pero di ko maintindihan. Tapos mahina siyang tatawa, naka singhot siguro to no? masyadong maligalig.

Twins LoveWhere stories live. Discover now