Lex's Point Of View
*One Month Later*
Nagising akong may bigat ang loob. Masakit isipin na lahat nang araw na kasama ko ang mga kaibigan ko, bawat sakit nang ulo ang binibigay nila sakin ay ito ang mangyayari.
Pvta-,- ang drama ko
Bukas lang naman na ang Unang pasok namin sa bago naming school. Ang bilis nang araw parang nung isang araw lang ay kakalipat palang namin dito sa bahay na 'to.
Habang nakatingin ako sa kisame ay iniisip ko kung mababait ba ang mga kaklase ko, mga teacher ko, i mean namin. Mag kakaklase kaming lima kaya no prob tulungan kami sa lahat nang bagay.
Habang nakatunganga ako ay biglang bumukas ng malakas ang pinto. Di ko na kailangan tignan kung sino yun.
"Bakit? Ano kailangan mo?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa kisame.
"Wala lang naman" hinto nya sa sinabi nya at humiga sa tabi ko" Wala kasi yung tatlo eh, nag mall ata"patuloy nya habang nakatingin narin sa kisame
"Bakit di ka sumama? Last day nalang nang summer 'tong araw na 'to ah"tumingin ako sakanya at tumingin ulit sa kisame
"Wala lang din. Masama na bang di sumama?" Sabi nya na patawa tawa pa " at saka iniisip ko kung anong klaseng ugali meron mga magiging kaklase natin dun" nang tignan ko yung mukha nya ay seryoso sya.
"Para kang tanga. Ayusin mo nga mukha mo! Di bagay sayo mag seryoso" natatawang tinignan ko sya habang yung mukha nya ay nag tataka " Ayy ewan. Tignan nalang natin bukas. Kung ano mangyayari" actually kinakabahan din ako kasi malay mo, walang pinagka iba yung mga kaklase namin sa bago naming school at sa dati naming school?
"Sabagay, bahala na si batman" sabi nya at biglang tumayo. Lalabas na sana sya nang room ko nang bigla syang huminto at tumingin sakin " may tanong lang ako. Paano pag ikaw si Batman? Sino bahala sayo? Sasabihin mo rin bang 'Bahala na si Batman' kung ikaw naman si Batman?" Imbis na sagutin ko yung tanong nya ay binato ko lang sakanya ang unan na katabi ko agad naman nya itong nasalo.
"Alam ko namang di mo masasagot yun eh. Ang talino ko talaga" aba't pinuri pa nya ang sarili nya -,- " bumaba na nga tayo may pagkain na dun, kumain ka na" at tuluyan na ngang umalis si Cass nang room ko.
Minsan masasabi ko rin na may pag ka weird din yan si Cass, ewan ko ba siguro naging ganun dahil sa sobrang talino
Sinundan ko nalang si Cass at kumain na. Inalok ko sya ngunit sabi nya lang na kumain na daw sya. Actually late na akong nagising mag wa 1:00 na kasi eh.
Pag tapos kumain ay naligo na ako at nanood na lang nang TV. Wala kasing magawa dito sa bahay eh. Si Cass as always nag babasa nanaman nang libro. Wala kasi yung tatlo eh, wala tuloy maingay, kahit minsan namimiss ko rin sila kahit papano nuh.
At dahil sa boring nga dito sa bahay ay ang tagal nang oras. Wala lang akong ginawa kundi manood nang manood nang TV hanggang sa dumating na nga yung tatlo na may dalang mga shopping bags.
"Hayy!! Ang init talaga sa Pinas!!" Halata naman eh.. parang naligo sa pawis si Klea
"Nakakainis kasi eh. Naglakad tuloy tayo" ganun din si Suzz. At parang sasabog na, pawis at namumula pa sya
Natatawa nalang kami ni Cass sa mga itsura nila.. para silang di tao.
"Matanong lang ah. Anong nakakatawa? Alam nyo bang nakakainis mga nang yari samin?" Parang anytime ay masasapak na kami ni Bella. Halata namang naiinis sila eh
"Baka gusto nyong tanungin kung bakit kami naiinis diba?" Sabi ni Suzz saming dalawa ni Cass
"Di kami interesado"sabay na sabi namin ni Cass at bumalik sa mga pinag gagawa namin. Narinig ko pang ginaya ni Suzz ang sinabi namin.
"Maligo nga ulit kayo! Ang baho nyo amoy pawis" sabi ko habang tinatakpan gamit nang kamay ko ang ilong ko..
" Anong gusto mo? Amoy candy kami? Alangan pawis kasi galing kami sa labas" letche tong si Klea. Babatukan ko na to eh.
Nag si pasukan na ang tatlo sa kanilang mga room habang dala ang mga gamit nila galing sa mall.
Tahimik nanaman kami ni Cass hanggang sa bumaba ang tatlo. Inagaw nila sakin ang remote at manonood daw sila nang k-drama, may bago daw kasi silang nabiling CD.
"Napanood ko na yan e, si Park Bo Gum pa nga yung bida dyan e" pag mamayabang ni Suzz sa dalawang babaita na nanonood nang Love In The Moonlight ata. Nakita ko sa CD eh. Iyon daw yung title
"Share mo lang? Ganun ba Suzz?" Trip kung asarin si Suzz ngayun.
"Share nya lang daw"sinakyan naman ni Bella ang pang aasar ko kay Suzz
"Pake nyo ba? Share ko lang. Bakit ba?" Hihi halatang naiinis ko na si Suzz
"Alam mo ba Suzz, kung ako sayo wag ka nang bumili nang mga Teddy Bear mo. Sa huli itatapon mo lang naman" ayaw na ayaw nya ang pinapakealaman ang mga Teddy Bear nya kaya mas magandang yung Teddy Bear nya ang Gawin kong pang asar sa kanya.
"Wala kang pake. Teddy Bear ko naman yun eh" di halata sa boses ni Suzz na naasar na sya pero kung titignan mo mukha nya ay parang kumain nang sili. Hahaha naiinis ko na sya^__^
"Mukha namang chaka doll at Anabelle yang mga Teddy Bears mo eh. Kung ako sayo matagal ko nang tinapon yan" tinignan ko lang sila Klea at nakita kung nakatingin sila saakin pati narin si Cass ay nag pipigil nang tawa-_-.
"Ano ba Lex?! Nakakaasar ka naman eh! Trip mo nanaman ako! Tapos yung mga Teddies ko pa inaasar mo! Alam mo namang mabilis akong maasar pag dating sa mga Teddy bears ko eh!" May halong sigaw at inis na sabi sakin ni Suzz at parang iiyak na sya kaya di ko mapigilang tumawa nang malakas. Nakitawa narin yung mga kasama ko. Habang si Suzz ay iiyak na. Kaya lalo akong tumawa^_________^
"Hahahahaha sorry na hahahaha sorry di na ako tatawa promise hahahahahaha" nakakatawa talaga mukha ni Suzz pag inaasar eh. Lumapit ako sakanya saka sya niyakap. Sweet ako minsan at alam ko yun. Niyakap naman nya ako pabalik "sorry na. Gusto ko lang naman mawala sa isipan ko yung First day na natin bukas sa school eh" medyo mahina kung sabi sakanya at hinahagod hagod pa ang likod nya.
Nang parang matauhan sya at bumalik sa realidad ay bigla syang tumingin sakin na may halong pagtataka.
"First day? Bukas? School? Ano yun?"binatukan ko sya, mahina lang naman, minsan talaga parang walang saysay mga tanong nito ni Suzz isama na natin mga sagot nya.
"Ewan ko sayo Suzz. Pasalamat ka at sweet ako sayo ngayun" sabi ko sakanya. Bigla namang nag si hiyawan mga kasama ko.
"Wohhh!!!!"
"Sweet daw?? Sino nag sabi nun??"
"May narinig ba akong nag sabing sweet si Lex?"
Natawa nalang ako.. haystt kahit minsan namiss kong ganto lang kami, puro harutan lang at tawanan.
"Sweet? Bakit parang kanina inaaway moko?" Sabi ni Suzz saakin at naka pa maywang pa..
"Wala lang. Namiss ko lang yun. Yung puro asaran lang tayo. Kasi alam ko naman na pag school days na busy nanaman tayo eh. Di na tayo makakapag bonding" may pagka malungkot na sabi ko.
"Ang drama ampp.. but true Lex. Magiging busy nanaman tayo." Sabi ni Klea at pinost ang pinapanood nilang k-drama at lumapit saamin. Sinarado narin ni Cass ang libro nya at lumapit din saamin. Bigla namang sumigaw si Bella nang
"Group Hug!!!!!"
Nag silapitan sila at nag yakapan kaming lima. Wow! I hope mag stop ang time na to... I miss this. Sana ganto kami araw araw
YOU ARE READING
When The BadBoys InLove
Fiksi RemajaD@híl Sä MAgAnDa Ak0 At ALAm K0 NamAn YuN DE JoKe😂 PeRo MAgAnDa TalAGa aK0...OkAy BacK TO ABnOrMal -,- THIs Is MY FiRst StoRy DaHil MAgAnDa Ak0-,-.. OkAy UUlitIn k0 THIs Is MY FiRst StoRy KAya PleAsE SUpPorT nAlAng-,- DaHil NgA Sa PanGet Ak0 GumAWa...