Chapter 7 - Second day of School

19 2 0
                                    

Suzzane's Point Of View

4:00 palang ay gising na ako. Nag hahanda na papasok sa school. Kung nag tataka kayo kung bakit ang aga. It's because gusto kong libutin ang buong school as in buo! Kahapon kasi na first day ay di ko masyadong na enjoy at na libot yung school at yung kasama kong si Lex naku! Walang emosyon parang naglalakad lang sa Rizal Park! Ang bagal pa. Di pa nga kami nakakakalahati nag ring na agad dahil sa ang bagal nya mag lakad tapos daldal ako nang daldal di pala sya nakikinig. Kaya heto ako ngayun nag hahanda na papasok nang school.

Bumaba na agad ako nang naayos ko na ang mga gamit ko. Nilagay ko na rin yung maliit na Doraemon ko sa bulsa nang bag ko. Nag luto ako nang sampung hotdog para narin sa apat na hanggang ngayun ay tulog pa. Binawasan ko ito nang dalawa para sa sarili ko alangan namang di ako kakain diba?-__-

Pag katapos kong kumain ay agad kong kinuha ang bag ko at nilagay ito sa likod ko at lumabas na nang bahay. Dahil sa maaga pa talaga ay naisipan kong mag lakad nalang papunta nang school medyo di naman malayo yung school at di naman masyadong mainit. Di pa nga ako nakakalahati nang pag lalakad ay tinamad na agad akong mag lakad-,- pero pinatuloy ko parin ang paglalakad ko. Habang nag lalakad ay may babaeng parang mas matangkad lang ako nang unti sa kanya ang sumabay sa paglalakad ko, di ko lang sya pinansin at patuloy parin sa paglalakad nang bigla syang nag salita.

"Hi! Suzzane right? My name  is Kitty Dein Creis!" Huminto sya at biglang inabot saakin ang kanyang kamay na parang gustong makipag shake hands. Inabot ko naman yun at nakipag shake hands alangan naman na pabayaan ko lang? Nakakahiya yun para sa kanya.

"Hello! Nice meeting you Kitty" nakangiting sabi ko naman sakanya. At nag bitaw na kami nang kamay at nag simula na ulit mag lakad.

"By the way kung di mo ako kilala. Classmate mo ko. Hihi sorry sa pagiging feeling close ate ah" at nag peace sign sya sakin. Haha ang cute.

"It's alright. Ang cute mo by the way" then i pinch her cheeks

"Thanks ate! Ang ganda mo po hehe" aww nang bola pa sya. Pero i know naman di na nya kailangang sabihin.

"Thank you. Bakit nga pala ang aga mo?" Tanong ko sakanya habang nag lalakad parin.

"I don't know. Gantong oras talaga ako pumapasok." She said. At umupo sa bench na nadaanan namin "Pahinga muna tayo ate ang bilis mo mag lakad eh 5:15 pa naman eh"sabi nya at sabay bulsa nya sa de keyboard nyang cellphone.

"Okay" at umupo na rin ako sa tabi nya " Oo nga pala why do you keep calling me ate? Matanda na ba ako?" i ask her.

"I don't know pero gusto kong tawagin kang ate eh. Can i? Please" at nag puppy eyes pa sya saakin. Anong gusto nya? Tawagin nya akong ate? Ayaw ko nga!

"Okay cute ka naman eh" i said to her. What the-- did i really said that? No ayaw kong may tumatawag saaking ate ehh.. "Tara na nga punta na tayo sa school at doon nalang mag kwentuhan" anyaya ko sakanya at agad naman syang tumayo at nag lakad na ulit papuntang school.

Habang nag lalakad ay nag kwekwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay namin. Nalaman ko rin na yung Auntie nya pala ang nag aalaga sa kanya since na ang mommy nya ay nasa ibang bansa at ang daddy naman nya ay nang ibang babae na. Bakit kaya ganun? Maraming family ang broken na. Kawawa naman 'to si Dein. Ang kwento pa nya yung mga pera na pinapadala nang mommy nya para sa kanya ay di na pupunta sa kanya kundi sa Auntie nya. Habang nag kwekwento sya ay parang nakaramdam ako nang galit sa Auntie nya. Parang gusto kong sapakin ang Auntie nya. I don't know kung bakit. Siguro sa mga masasamang ginawa nya kay Dein.

Di ko namalayan na nasa harap na pala kami nang school. Agad agad kaming pumasok doon at pumunta sa Garden at umupo sa bench. Nag kwentuhan nanaman kami, na kwento ko rin sa kanya tungkol doon sa mga kaibigan kong apat. Sabi pa nya masaya siguro kaming maging kaibigan. Haha masaya talaga. Habang nag kwekwentuhan ay biglang may kung sinong lalakeng nag salita.

When The BadBoys InLoveWhere stories live. Discover now