Chapter 6 - First day of School

32 3 0
                                    

Lex's Point Of View

Nagising nalang ako sa gulat nang sumigaw si Klea.

"Lex! Gising na! Wala ka bang balak na tumayo dyan sa higaang yan!?" May halong pagtatanong na sermon saakin ni Klea, daig nya pa Mommy ko kung manermon.

"Psh! Ang aga pa eh! At saka look 7:30 palang!"sabi ko. Para kasing tanga. Ang aga aga palang mang-gigising na.-,-

"Yun na nga eh. 7:30 na! Ma-le-late na tayo! It's our first day of school"

"Oo na! Di mo kailangang sumigaw! First first ka pa dyan" at dali dali akong tumayo sa pag kakahiga at pumunta sa CR nang aking kwarto.

Pag katapos kong maligo ay agad agad akong nag bihis ng uniform at bumaba na para kumain.

"Uyy! Lex! Kumain ka na!" Ani ni Bella

"Kunin mo narin ang gamit mo sa taas at sabay sabay na tayong pumasok." Mahinahong sabi ni Cass

"Yan kasi! Sabi nya kagabi bago matulog maaga kayong gumising bukas ah para di tayo ma late" at ginaya pa talaga ni Suzz ang boses ko.

"Kasalanan ko bang masarap tulog ko?"kulang pa nga ako sa tulog eh. Batukan ko kaya  mga 'to

Nang matapos akong kumain ay nag mamadali silang lumabas nang bahay at sinundan ko nalang sila.

"Wala kang balak mag dala nang bag?" Medyo patanong na sabi ni Suzz. Tinignan ko ang kamay ko at wala nga akong dalang bag. Dali dali akong pumasok sa loob at Umakyat sa kwarto ko at kinuha ang bag ko at bumaba na

"Tara na"sabi ko habang nilalagay ang bag ko sa saking likod

***

8:14 na kami nakarating sa Royal Heart Academy ang bago naming school.

Pag pasok palang namin ay halata na puro mayayaman lang ang pumapasok dito. Malaki ito kaysa sa dati naming school.

"Wow! Ang laki nang school na 'to!" Manghang sabi ni Bella

"Nag kamali ba tayo? Masyadong malaki tong school eh" parang di naman 'to maniwala si Klea.

"Dito tayo binaba eh. Dito yun" sabi ko sakanya. " At saka nasa labas palang tayo. Tara na nga at pumasok na. Ma late pa tayo"pumasok na kami pag tapos kong sabihin iyon.

"Diretso na ba sa room?" Tanong ni Cass samin.

"Magtanong kaya tayo. Bago lang naman tayo kaya di natin alam" suhestyon naman ni Suzz at tinawag ang isang babae ngunit di sya narinig.

"Binge si ate. Tawagin ko pa" natatawang sabi ni Suzz. " Ate!! Ate!! Ate!!" Sigaw ni Suzz.

"Ako na nga lang tatawag ang hina kasi nang boses. Ateng nakatayo!!! Tinatawag kita kaya lumingon ka!!!!" Sigaw ni Bella dun sa babae, actually nakakahiya na-,- parang sa mga oras na 'to ay gusto kong kalimutan na mga kaibigan ko sila.

"Lapitan nyo nalang kasi,nakakahiya na eh" sabi ko sa kanila kaya naman nilapitan nila ang babae at tinanong nang kung ano man. Di ako lumapit kaya di ko alam pinag sasabi nang mga yun. Nang lumapit na sila saakin ay agad na nag salita si Cass

"Mamayang 8:30 pa daw ang start nang mga klase. Diretso na raw sa room at hintaying dumating ang lecturer" paliwanag ni Cass saakin.

"Yes! May time pa para mag libot! Tara libutin natin!" Nasasabik na sabi ni Klea.
"Tara Bella samahan moko mag libot alam naman natin kung saan room natin eh. Kita kita nalang tayo sa room" at tuluyan na nga nyang hinila si Bella para libutin 'tong School

"Tara tayong tatlo nalang mag libot" sabi ni Suzz

"Kayo nalang ni Lex, Suzz. Pupunta lang akong library. 'dun muna ako hanggang sa mag ring na ang bell" ani ni Cass

When The BadBoys InLoveWhere stories live. Discover now