Monday - Monito Monita

227 4 0
  • Dedicated kay Laurence Geron Gonzales
                                    

Hay.. December na naman. May Christmas party, tapos Christmas vacation na. Mami miss ko ulit si crush.

“Class please listen!”, sigaw ng president namin dahil sa sobrang ingay ng klase. “Makinig kayo please! About to sa Christmas party natin.”

Nag start na pala yung meeting about sa Christmas party. Dapat makinig na ko sa kanila.

“Ok. Mga 8 kilo siguro pwede na. Sino magdadala ng kanin?”, tanong ni Ms. Pres. 

Walang nagsasalita. Walang gustong mag volunteer kaya baka mauwi na naman to kanya kanyang dala ng kanin, katulad last year.

“Kami na lang.”, may nagsalita sa bandang likuran. Sa gitna ako nakaupo kaya kailangan ko pang lumingon para makita kung sino.

Ahh.. si Sid pala. Nakataas pa sya ng kamay.

“Kami na lng ni E.J.”, dugtong nya pa. Huh. Makapag volunteer kala mo sya lang, may dinamay pa. Teka??..  EJ b kamo?? Ako yun ah!!..

“Ok! Kayo na bahala. Next naman–” “Teka lang!”, bigla kong sigaw. Bumagsak pa yung upuan ko sa bilis ng pagkakatayo. Nakatingin lang sila sa akin.

“Teka lang, Ms. Pres. Ayoko magdala ng kanin! Si Sid na lang mag-isa!”, sabi ko sa kanya.

“Sorry pero hindi pwedeng isang tao lang, at hindi na ko pwede mag assign ng iba kasi ikaw na napili. Unless merong mag volunteer na pumalit sayo.”, sabi nya.

Alam ko na alam nyang ayaw ko, pero dahil sa wala namang ibang nag volunteer, napilitan na rin ako. Lumingon ako at tiningnan ko si Sid ng masama. Hmp!.. Ngumingiti ngiti pa sya. Kala nya cute sya. Nakakainis! Pagbabayaran nya talaga to.

“Ok. Yun lang siguro. Kung meron kayong gustong i-suggest na iba pang pwedeng gawin, lapit lang kayo sa akin o kaya—”, naputol yung sinasabi nya, kaya napatingin ako sa kanya.

“Yes, sir?”, may kausap sya sa likod. Napalingon kaming lahat para makita kung sino.

Si Principal Epal pala. Tuloy tuloy lang sya pumunta sa harapan, lahat kami nakatingin lang sa kanya.

“I have an announcement to make.”, sabi nya.

Napansin ko na may isa pang tao sa may pinto. Medyo hindi ko kita kasi sa gitnang row ako pero first column, yung wall na katabi ko yung may pinto, kaya yung halos gilid lang ng katawan nya ang kita ko, hindi yung mukha. Pero naka uniform, so baka taga kabilang year or section.

May sinasabi si Principal Epal about sa rules ng Christmas party. Pero ayoko makinig. Iisipin ko na lang si crush. Hay, crush. Kelan mo kaya ako mapapansin?

Ano ba yan ang ingay naman ni Principal Epal. Hay naku! Panira ng day dream. Teka tama ba yung narinig ko?

Napansin ko na lahat ng atensyon, lalo na ang mga girls, ay nakikinig na kay Principal Epal. Ang dami ring lingon ng lingon dun sa tao sa pinto. Sino ba kasi yun? At bakit parang narinig ko ang pangalan ni crush?

“Kaya simula ngayon, dito na sya sa section nyo sasali. Any objections? Good. Well pumasok ka na hijo. Mamili ka na lang kung saan mo gustong maupo.”

Pumasok na sa loob ng classroom yung estudyante. OMG! Si CRUSH!! KYAA~~!! Muntik na kong sumigaw. Anong ginagawa nya dito?

“Aray! EJ ano ba?”, sabi ni Sam, katabi ko. Pinapalo ko pala sya sa braso.  “Sorry. Excited lang.”, sabi ko sa kanya.

Umupo si crush sa bandang harapan, pero malapit lang sya sakin, mga 2 meters lang. Kyaa~~!. I’m in heaven!

“Sam! Bakit sya nandito?”, tanong ko.

Monito MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon