Friday - Something Sweet

118 4 2
  • Dedicated kay Jasmine Palay
                                    

A/N:

Pasensya na late upload. Dapat nung Sunday pa to, kaya lang naging busy. Sana lang matuwa kayo sa mga mababasa nyo. Hehe. Thank you sa mga nagbabasa! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Grabe ang ganda ng simula ng araw ko. Simula nung Tuesday, lagi na ko sinusundo at hinahatid ni crush. Ang swerte swerte ko talaga!! Hahaha!! Teka nandyan na ata sya. Mabuti pa bilisan ko na mag-ayos ng gamit

*doorbell*

“E.J.” Tinatawag na ko ni mama.

“Eto na, sandali lang!” Ano ba namang assignment yan oh. San ko ba yun nilagay?

“E.J., nasa baba na yung boyfriend mo.”, Nasa pintuan na pala si mama.

“Ma, hindi ko boyfriend yun no.”, pero sa loob loob ko, gusto kong tinatawag ni mama si crush na bf ko. Hahaha!! *evil laugh*

“Sus naman. Ayaw pa umamin. Ok lang yun anak, mabait na bata naman si Ethan. Bilisan mo na at inaantay ka nya. Eto yung papel mo baka maiwan mo pa.”

“Talaga ma? Ok lang sayo kung magiging bf ko sya?”, excited na tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Basta ba masaya ka at nirerespeto ko ng bf mo, ok na ko dun. Oh sya sige na, male late na kayo nyan.” Sabi nya habang tinutulak na ko pababa ng hagdan.

“ Bye Ma.”, sabi ko sabay kiss kay mama.

“Bye po tita.”, sabi naman ni crush.

“Sige mag-iingat kayo sa byahe.” Sabi ni mama.

Ngayon alam kong boto pala si mama kay crush, sana talaga ligawan nya na ko. Nafe feel ko na malapit na yung mangyari. Kyaa~~!! Naiisip ko pa lang, kinikilig na ko. Pwede kaya kaming pumasok sa school ng magka holding-hands?

“E.J. Galit ba kayo ni Sid?”, bigla nyang tanong sakin.

“Hindi naman. Bat mo natanong?”

“Kasi hindi na sya madalas sumama satin tsaka lagi nya na kasama sila Jenny. Ok lang ba kayo?” Tanong nya.

“Oo naman. Ewan ko nga dun kung bakit nagkakaganun sya eh.”, pero sa isip ko, parang may clue ako kung bakit.

“Hindi ka ba nagseselos?”, seryosong tanong nya sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko maisip kung bakit nya yun natanong at kung anong pwedeng ras-... teka.. hindi kaya..?? iniisip nyang..??

“Oy. Ano bang sinasabi mo? Friends lang kami non noh. Haha. Nakakatawa ka Ethan.”, sabi ko sabay tawa ng malakas.

Nagulat ata sya kasi hindi sya nakapagsalita agad.

“Oy. Ok ka lang ba?”, tanong ko sa kanya.

“Oo. Akala ko talaga kayong dalawa. Haha. Super close kasi kayo kapag nakikita ko kayo. Kahit dati nung nasa kabilang section ako.”, sabi nya nang nakangiti.

Bigla akong nahiya sa kanya. Alam ko namumula na ako non. Hindi ko alam kung dahil sa akala nya kami ni Sid o dahil sa sinabi nyang dati na nya kami nakikita.

“Sorry E.J. Akala ko talaga kayo. Hindi kasi ako nagtatanong eh. Hahaha.”, ngayon sya naman tumatawa. Para kaming baliw na dalawa.

Haayyy. Magsta start pa lang ang klase, tinatamad na ko. Sana matapos to agad.

“E.J., galit ba kayo ni Sid?”. Tanong sakin ni Sam.

“Hindi naman. Bakit?”

“Kasi samin na sya lagi sumasama tsaka parang lagi syang malungkot. Ano bang nangyari?”

Monito MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon