Friday - Something Cute

409 3 0
  • Dedicated kay Kathlea Cruz
                                    

Ngayon na ang first na monito monita. Something Cute daw. Sana makita ko kung sino nakabunot sa akin. Tsaka sana si crush yung nabunot ko. Para sa kanya talaga tong gift ko eh. Sana rin magustuhan nya to.

Excited na ko! Lunch Break pa lang pero gusto ko na mag-uwian. Sana maganda yung makuha ko.

“Hello!”

Lumingon ako at nakita ko si Sid, papalapit sa akin. Kasama nya si crush! Kyaa~!!! XD

“Oy! Sabi ko kumain ka na ba?”, tanong ni Sid. Nakaupo na sya ngayon sa harap ko. “Kung hindi pa, sabay ka na samin ni Ethan.”, dugtong nya pa.

Syempre kahit kumain na ko, sabi ko nagugutom ako. Yes! Makakasama ko si crush kumain. Hahaha! XD

Nag-uusap sila ni Sid habang kumakain. Paminsan minsan, nagtatanong din sya tungkol sa akin. Finally nakakausap ko na si crush!! Haha!! Thank you talaga Sid!! Kaya bestfriend kita eh.. XD

Pagkatapos nila, umalis na din si crush, pumunta sa iba nyang friends sa kabilang section. Umakyat na rin kami ni Sid sa classroom para dun tumambay.

“Sino nabunot mo?”, tanong nya sa akin.

Sasabihin ko na sana, kaya lang naalala kong boy nga pala yung nabunot ko kaya pwedeng si Sid yun.

“Sige na sabihin mo na. Lancelot ba nabunot mo? Yun yung codename ko eh.”, sabi pa nya.

“Hindi. Darthvader yung nabunot ko. Kilala mo ba yun?”, tanong ko sa kanya.

Nag-isip sya sandali tapos sabi nya hindi daw nya kilala. Sinabi ko rin sa kanya yung codename ko para malaman ko kung alam nya nakabunot sa akin.

“Hindi eh. Boy din nabunot ko kaya hindi ko alam.”, sabi nya. “Sandali lang ah. May naalala lang akong kailangan kong gawin.” Tumayo na sya para umalis, pero pinigilan ko muna sya sandali.

“Thank you ha. Nakasabay ko si crush kumain dahil sayo.”, sabi ko sa kanya.

“Hindi ka naman kumain eh.”, sabi nya. “Tinitigan mo lang sya hanggang matapos. Ok lang yun. Alam ko namang gusto mo sya eh.”

Pagkatapos umalis na sya.

Yes last subject na. After nito Monito Monita na. Excited na talaga ko! :D

“E.J!”

Paglingon ko, si crush pala! Kyaa~!! Tinawag nya ko!! Lumalapit sya sa akin!

“Alam mo ba kung nasan si Sid?”, tanong nya.

Si Sid? Bakit nya hinahanap si Sid?

“Hindi eh. Kanina sabi nya may gagawin sya. Tapos hindi ko na nakita.”, sabi ko sa kanya.

“Ahh.. Ganun ba? Sige Thanks.”, sabi nya sabay ngiti.

Kyaaaa~~!!! Ang gwapo talaga nya!! XD

“Classmates lahat ba kayo nakapaglagay na ng regalo sa box?”, sigaw ni Ms. Pres. “Kung wala na, start—”

“Sorry late na kami.”, sabi ni Sid mula sa pinto.

“Ok lang yun. Nasan na mga regalo nyo?”, sabi ni Ms. Pres.

“Yung kay Jenny nandyan na. Pero yung akin nandito pa sa labas.”, sabi nya.

Tsaka ko lang napansin na kasama nya pala si Jenny na dumating. Saan kaya sila nanggaling?

“Ok lng wag mo na ipasok. Ililipat na rin namin dyan yung box.”, sabi ni Ms. Pres.

Nag start na pumili yung mga classmates namin. Nahuli ako kaya sa likod ako napunta. Buti na lang, nakita ako ni Sid. Pinapila nya ko sa harap nya. Tapos sa harap ko si crush. Lumingon sya at nang makita nya ko, ngumiti sya. Kyaa~~!! Kahit likod lang nya nakikita ko masaya na ko, tapos nginitian nya pa ko!! Kung mamamatay ako ngayon, magiging masaya ko sa naging buhay ko sa mundo. Pero hindi pa pala ko pwedeng mamatay. Gusto ko pang makita at makausap si crush.

“EJ lumabas ka na daw.”, sabi ni Sid sa likuran ko. Nasa tapat na pala ko ng pintuan at pinapalabas na ni Ms. Pres.

Paglapit ko sa malaking box na may lamang mga regalo, hinanap ko kaagad yung regalong nilagay ko. Wala na sa loob. Ibig sabihin may nakakuha na. Kyaa~~!! Sana si crush yung nabunot ko. Sigurado ko magugustuhan nya yung regalo ko.

Dahil nga sa wala yung regalo ko, hinanap ko naman yung para sa akin. Pero parang wala. Hindi ko mahanap. Nilapitan na ko ni Pres para tulungan, pero wala talaga.

“Pres baka walang dala yung nakabunot sa akin. Ok lng.”, sabi ko sa kanya. Ang tagal na kasi namin eh.

“Eh lahat naman may dala.”, sabi ni Pres. “Ahh.. Baka eto yung para sayo.”

May kinuha sya sa likod ng malaking box na isa pang box. Kasing laki ng bag ko.

“Ikaw ba yung.. TheJane09?”, sabi nya.

“Oo.”, sabi ko sa kanya.

Binigay nya sa akin yung box tapos pinaalis nya na ko.Wow! Ano kayang laman nito? Hindi naman mabigat pero mukhang malaki yung laman. Excited na ko!

Nandito na ko sa kwarto. Inaalog alog ko yung box para magka ideya kung ano yung laman. Sana magustuhan ko to. Ang ganda rin nung pagkakabalot. Sige na bubuksan ko na.

Kyaa~~~!! Ang cute~!!! I love it!!.. hahaha!!.. :D Isang super cute na blue magic teddy bear yung laman nung box. Kung sino man yung nakabunot sa akin, thank you thank you thank you!!

Sa sobrang saya ko kanina, hindi ko pala napansin na may kasamang letter sa loob ng box yung teddy bear. May nakalagay sa likod ng envelope na TheJane09. Ano kayang nakasulat?

TheJane09,

You don’t know who I am, but I know you. I’ve known you for a long time now, but you never so much as look my way. But it’s okay. It doesn’t matter. What matters is that now I have a chance to show you who I am, and how I feel.

I won’t ask anything from you other than please bear with me for a while. I’ve wanted to show myself to you. To make it known how much I care about you. How much I love you.

I know you will listen to me, even though you don’t know me. That’s who you are. And for that I thank you. I hope you can forgive the intrusion on which I indulge myself with this letter.

Sincerely,

Your Secret Admirer.”

Secret Admirer?? Loveletter?? Ano bang nangyayari?? O_o

Pagkatapos mawala ang initial shock mula sa nabasa kong loveletter, nakapag-isip ako ng malinaw. Tatlo lang naman ang pwedeng explaination kung bakit may nakalagay na loveletter dito. Una, nanloloko lang yung sumulat. Pangalawa, baka sincere and honest sya, pero baka mali sya ng iniisip na TheJane09 at pangatlo, seryoso talaga sya at alam nyang akin talaga yung nickname.

Hayy... Sana yung pangalawa na lang yung totoo. Pero kung galing to kay crush, sana yung pangatlo. Haha.. Wishful thinking.. XD

Monito MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon