Tuesday - Something Red

168 4 0
  • Dedicated kay Kathleen Cruz
                                    

Nakakainis. Hindi naman sya dumating. Pinag-antay nya pa ko dito, manong nag text kaagad. Hmmp! Nakakainis! Mabuti pa pumunta na ko sa school, baka lalo pa kong malate.

“E.J!”

May humintong kotse sa bandang likuran ko. Bumaba yung bintana tapos sumilip... si crush!! Kyaaa~~!! Ang gwapo gwapo nya talaga!!

“E.J., Sumabay ka na sakin pagpasok para mas mabilis tayong makarating.”, sabi nya.

Syempre pumayag ako. Tapos magkatabi kami sa likod. Para syang Knight-in-shining-armor tapos ako ang damsel-in-distress. Kinakamusta nya ko!! Hahaha!! Ang saya saya ko feeling ko kasalanang maging ganito kasaya. Thank You Lord!!

Nakarating kami kaagad sa school. Sabay kaming pumasok at umakyat sa classroom. Lahat ng mga estudyante, pinagtitinginan kami. Yung mga boys, nagbubulungan tapos ngingitian si crush. Yung mga girls bulog tapos nang-iirap sakin. Pero ok lang kasi alam kong inggit lang sila. Hindi kasi nila kasabay si crush pagpasok sa school. Hahaha!!

Lunch Break na. Hindi ko pa rin nakakausap si Sid. Hindi ko kasi sya pinapansin. Ngayon hindi sya lumapit habang kumakain kami. Alam nyang galit ako sa kanya. Nakakainis lang kasi kasama nya si crush. Oy.. Papalapit ata sila rito..

“E.J., sabay tayo ulit kumain.”, sabi ni crush.

“O.k.”, yun lang nasabi ko.

Habang kumakain kami, nagsorry si Sid sakin, kasi nga hindi nya ko nasundo.

“Patawarin mo na si Sid. Sinundo naman kita eh.”, sabi ni crush sabay ngiti!! Ang gwapo talaga nya.

“Oo nga pala nagtataka lang ako. Pano mo ko nasundo eh di ba hindi ka naman dun dumadaan?”, sabi ko sa kanya. Alam ko kasing sa kabila way ng school yung bahay nila.

“Ahh kasi.. Teka pano mo alam kung san ako nakatira?”, sabi nya.

“Ahh kasi..”, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Kasi hindi ka namin nakikita dating dumadaan dun.”, sabi ni Sid. Buti na lang nandyan sya.

“Ahh. Ganun ba? Kaya kita nasundo kasi tinext ako nitong si Sid na male late daw sya, kaya daanan daw kita.”, sabi nya.

Ano? Si Sid? Nakokonsensya naman ako na nagalit ako sa kanya. Pero thankful na tinext nya si crush. Para syang fairy-godmother ko.

“Sandali lang sasagutin ko lang tong tawag.”, sabi ni crush. Tumayo sya at lumayo ng konti sa amin. Naisip ko na pagkakataon ko na to.

“Sorry Sid.”

“Bakit?”, tanong nya.

“Kasi hindi ko alam. Sorry.”

“Ano ka ba, wala yun. Alam ko namang matutuwa ka kapag sya ang sumundo sayo. Sinet-up ko talaga yun. Haha.”, masaya nya pang sabi.

“Ganun pala yun ha. Cge na nga. Thank you.. fairy godmother.”, sabi ko. Tiningnan nya ko ng masama, tapos naalala kong boy nga pala sya. “Ay sorry. Fairy godfather pala.”

“Syempre naman ikaw pa. Malakas ka sakin eh.”, tapos pabulong nyang habol, “regalo ko sa pasko ha.”

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Tapos na rin makipag-usap si crush sa phone nya. Masaya ko na kasama ko silang dalawa ngayon. Ang swerte ko kasi friends ko sila pareho. ^^

Bumalik kami ni crush sa classroom. Si Sid umalis na naman. Bigla nyang tinanong sakin kung sino nabunot ko. Naku patay! Wala pa pala kong dalang regalo para sa something red.

Buti na lang, sa tapat ng school may mga giftshops. Sinamahan ako ni crush bumili ng pangregalo. Sya na rin pinapili ko kasi boy sya. Pinili nya isang baller na gradient red and orange yung kulay. May nakasulat na ‘"Hope is what makes us strong. It is why we are here. It is what we fight with when all else is lost." – Pandora.’. Sabi ni crush quote daw yun sa favorite nyang game. Sabi nya kung gamer din yung nabunot ko, sigurado magugustuhan nya yun. Grabe ang cool talaga ni crush. 2nd time na to ngayong araw na tinulungan nya ko. Kyaaa~~!! Ang swerte ko talaga!!

Pagbalik namin sa school, pinagtitinginan ulit kami ng mga tao. Pero wala akong pakialam kasi kasama ko naman si crush. Late kami sa Economics namin pero hindi naman kami pinagalitan ng teacher.  Tapos sa tabi ko sya umupo kasi si Sam umupo sa upuan nya (katabi ng bf nya). I’m in heaven again! Nyahahaha!! :D

Uwian na. Excited na ko umuwi para makita kung ano yung natanggap ko ngayon. Kahit hindi kasing laki nung last time (kasya sya sa bag ko ngayon), curious ako kung may laman ulit na sulat. Nasan na ba si Sid? Sabi nya sabay daw kami umuwi. Ang tagal naman nya.

“Hello.”

Lumingon ako at... si crush!!! Kyaa~~!! Sana sabay kami ulit!! Kaya lang sa kabilang direksyon ang bahay nya.

“Sinong inaantay mo?”, sabi nya.

“Si Sid. Nakita mo ba sya? Sabay daw kami uuwi ngayon eh.”

“Nandun pa sya sa classroom. Sabay na sana kami kanina kaya lang biglang tinawag ni Jenny. Mukhang magtatagal pa yun kasi may gagawin daw sila. Tara hatid na kita.”

Kyaaa~~~!! Hahatid nya ko ulit!! Haha!! Thank You Lord!! Answered prayer ko to!! Hahaha!! XD

Habang nasa byahe kami, nag kwentuhan kami about sa mga hobby namin. Yung mga trip naming music tsaka mga gusto naming palabas. Ang dami pala naming common ground. Parang si Sid. Nakakatuwa syang kausap. Puro patawa. Ngayon mas lalo ko pa syang nagugustuhan. Ewan ko lang kung may pag-asa ako sa kanya.

“Thank you ulit ah. Pangatlong beses na to ngayon.”, sabi ko sa kanya.

“Ano ka ba wala yun. Friends na nga tayo di ba? Masaya ko pag kasama ko kayo ni Sid. Buti na lang lumipat ako ng section, kung hindi baka hindi ko kayo naging close ngayon. So thank you. Kasi napapasaya nyo ko lagi.”, sabi nya sabay ngiti.

Kyaa~~!! Close na kami ngayon!! Napapasaya ko sya!!! Maybe... Just maybe... may pag-asa talaga ko.

Nandito na ko sa kwarto. Kinakabahan akong buksan yung regalo. Baka kasi may nakalagay na sulat tapos may pangalan na, o kaya walang sulat or worse, may sulat na nagsosorry kasi nagkamali sya ng pinagbigyan. Whatever. Kung ganun nga, sana hindi to galing kay crush. Game!!

Wow!! Ang ganda naman!! Heart-shaped na snow globe!! Tapos may girl sa loob. Yung supposedly snow, heart-shaped din na kulay red. Teka parang may nakasulat sa damit nung girl. Ang galing!! May codename ko!! TheJane09!! Kyaa~~!! Sana galing to kay crush kasi alam kong girl nabunot nya!!

Hinanap ko kung san nakalagay yung letter, sa gilid pala nung box. Kulay red na envelope tapos may name ko rin sa likod, glitter na silver yung pinangsulat.  *deep sigh*. The moment of truth.

“TheJane09,

Today, you were happy. It’s because you were with the one you like. You don’t know this, but you thanked me today for what I did. I’m glad that I’m able to make you smile, even if it wasn’t for me. Even if that smile was for him.

I know that what I’m doing now, writing these letters, won’t change anything. And I don’t expect it to. Although a small part of me hopes that it does, I know it wouldn’t. I just want you to know, that whenever you feel lonely or like nobody cares, I’m always here for you. Always caring, always comforting and always loving.

Please don’t feel sorry for me. That’s not what I want. Just keep thanking me like you did today. Until the day you won’t need my help anymore. Until the day you become someone else’s. But until then, know that you will always have a friend in me.

Sincerely,

Your Secret Admirer.”

Kung sino man tong secret admirer na to, nakakainlove tong letter nya.  Siguro kung alam ko kung sino to, baka naging bias ako. Pero dahil hindi ko alam, nararamdaman ko kung gano sya ka sincere sa lahat ng sinulat nya. Kani kanino ba ko nag thank you kanina? Ang dami nun. Pero kasama dun si crush!! 3x pa ko nag thank you sa kanya!! Kung si crush to, mas lalo akong mai inlove sa kanya. Pero kung hindi, I will really feel sorry for this guy. Sana maging friends pa rin kami. At sana makahanap sya ng girl na magmamahal sa kanya gaya ng pagmamahal nya sakin. Then maybe, hindi na ko magi guilty kapag nireject ko sya.

Haayyy... Mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi.

Monito MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon